Hi! So as promised, here's another update for today. I enjoyed writing this chapter so I hope you'll enjoy it too. Thanks and enjoy reading!
* * *
#TLOQ05
"I should go now."
Ngumiti ako sa Empress pagkatapos ko siya ihatid palabas ng mansiyon. Muli niyang inabot ang aking kamay na malaya sa aking harapan at hinawakan iyon. Sobrang lambot ng kamay niya... nahihiya na ako kasi ang gaspang siguro ng kamay ko sa pakiramdam niya.
"If you need anything, just tell me. I want you to treat me and call me as your Mother." She said, smiling. "Mahaba lang tingnan nung dalawang buwan pero mabilis lang dadaan 'yun. You and Hei Yi will soon wed... very soon." She said nodding as if she is assuring me that the time will fly faster before I can notice it.
Bumalik ako sa loob ng makaalis na ang Empress. Umupo ako sa upuan at huminga ng malalim. Hindi ko alam kung gaanong kaba ang naramdaman ko kanina. Feeling ko lalabas na 'yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok. Grabe talaga...
Kung aalis si Hei Yi sa makalawa, ibig sabihin maiiwan ako mansiyon niya mag-isa sa loob ng dalawang buwan. Ano ang ibig sabihin non? Titira ako dito mag-isa habang wala siya? Hindi ba pwede bumalik muna ako sa bahay namin? Tutal hindi pa naman kami kasal.
Hindi ko maintindihan kung ano ba ang dapat kong maramdaman. He's leaving. Two months. Dalawang buwan siyang mawawala. That means na dalawang buwan din akong hindi mabbwisit. Dalawang buwan ko rin hindi makikita ang pagmumukha niya.
I should be happy.
Huminga ako ng malalim. Mabuti na 'yun. Maihahanda ko na ang sarili ko. Wala nang makakapigil sa akin para itigil ko ang kasal. Mas magiging malaya ako sa pagtakas at pag-alis ko sa mansiyon kung kailan ko gusto. Makakahinga na rin ako sa wakas.
"Inom ka po muna." Inabot sa akin ng isang Indfu ang isang baso ng tubig. Kinuha ko iyon sa kanyang kamay at diretsong ininom ang tubig. Do I look tensed? Napansin ba nila na sobra akong kinakabahan kanina?
"What's your name?" Tanong ko sa kanya.
"Ako po si Jing. Galing po ako sa pamilya ng mga Ju Wei na taga-Hilaga. Isa po ako sa napili bilang permanente ninyong Indfu." Bati niya sa akin. Ibig sabihin non, lagi ko na siyang kasama? Araw araw kasi nagbabago ang mukha g mga Indfu na nag-aayos sa akin. "Isang karangalan po na pagsilbihan kayo, Consort Qin. Napakaganda niyo po." Sabi niya sa akin habang nakangiti.
"It's nice to meet you, too. You don't have to be very formal. Normal lamang akong tao gaya mo." Sabi ko sakanya pero agad niyang itinaas ang kamay niya. "Naku hindi po, hindi po. Napakalayo niyo po kumpara sa akin." Sabi niya habang nakayuko.
"Hmmm," Inabot ko ang isang hairpin na nakalagay sa buhok ko. "Can we be friends? Wala pa akong kaibigan dito sa mansiyon, eh." Nagulat naman siya sa sinabi ko. Tumango naman siya agad. "Hindi po ata ako karapat dapat na maging kaibigan ng isang Consort Qin. Pero handa po akong ialay ang aking buong buhay sa inyo."
"Bakit naman bawal? Ako naman ang pumilili ng mga kaibigan ko at pinipili kita bilang kaibigan." Sabi ko sakanya.
Ngumiti naman siya. "Sige po, Consort Qin. Kung iyan po ang gusto niyo." Napangiti ako at niyakap siya. I need to make friends here lalo na na aalis pala si Hei Yi. Kailangan may makasama ako na kakilala ko dito sa mansiyon. Baka mabaliw ako dito kung wala akong kausap.
YOU ARE READING
The Legend of Qin
Fiction généraleShania Rylie was living her preferred normal life for eighteen years, where she can do everything under her control. Without rules, without anyone's order. Yet her normal life began to change when the Empress Dowager from the royal family summoned h...