#TLOQ07
"Good morning, Lady Qin."
Ngumiti ako sa Quinoff. Mabuti na lang ginising ako ni Jing bago ko pa makalimutan na kailangan ko bumangon ng maaga para mag-ayos ng sarili ko. Hindi kasi ako makatulog kagabi. Pagkatapos ng mga sinabi ni Rhys... paano ako makakatulog?
"How's your stay here?" Tiningnan ako ni Quinoff Hui at inabot ang tasa sa kaniyang harapan. Nanatili ang titig niya sa akin habang hinihigop ang mainit na tsaa na tinimpla ng mga Indfu. "The Quinoffs are assuming that you're doing well." Sabi nito.
Ngumiti na lamang ako at tumango.
Hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na kabaliktaran sa iniisip nila...
"As the Consort of our Crown Prince, you are entitled to live with him under the same roof in Yi Mansion. The Yi Mansion is roughly thirteen hujis but you'll be staying at Yi House where the Crown Prince resides soon as you wed. Your things will be moved to the Yi House the night before your wedding." Paliwanag sa'kin ni Quinoff Hui.
"Kailangan po ba talaga 'yun? Hindi po ba pwede na dito na lamang ako?" Tanong ko, kasi nasa Yi Mansion pa rin naman ako. Pumayag na nga ako na manatili dito... kailangan ba talaga lumipat ulit ako? Tsaka as if naman mapipilit nila na magsama kami sa Yi House at hindi naman talaga ako makakapayag no! Asa pa 'yung Crown Prince na 'yun...
"Ayaw nyo po ba na makasama ang Crown Prince sa iisang bubong, Consort Qin?"
"Aba, ayoko talaga—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakita ko si Rhys na masamang nakatingin sa akin. Parang pinipigilan niya ko sa isip niya sa mga susunod kong sasabihin.
Ano bang gusto niyang sabihin ko?! Na gusto ko tumira kasama si Hei Yi?! Nag-iisip ba siya?
"Ganito po, Lady Qin. Naiintindihan ko po na nabibilisan po kayo sa mga pangyayari pero kailangan niyo po sumunod sa lahat ng nakasulat sa batas." Muling paliwanag ng Quinoff. "Huwag po kayo mag-alala. Masasanay din po kayo. Ganyang ganyan din ang Empress dati."
Ayan na naman tayo sa masasanay na 'yan eh ayoko nga masanay at hindi naman talaga ako masasanay! Bakit ba hindi nila naiintindihan iyon? Bakit ba ipinipilit nila iyong hindi naman pwede?
Hindi na lamang ako umimik. Ayoko na makipag-diskusyon pa. Hindi rin naman nila ako naiintindihan! Tsaka isa pa, ang hirap umangal lalo na at nandito si Rhys! Kulang na lang ay hilain niya ko palabas para ayusin ang mga salitang lumalabas sa bibig ko.
Grabe talaga...
Wala talagang nakakaintindi sa'kin dito sa mansiyon.
Gusto ko na umuwi...
Nandoon ang mga kapatid ko, ang mga magulang ko. Sigurado ako mas maiintindihan nila ako kaysa sa mga taong nakapaligid sa akin dito.
"Isa pa po, maaaring sa susunod na Linggo ay dumating na ang mga punong-abala para sa inyong royal wedding. Ibig sabihin din po ay simula sa susunod na Linggo, tanging ang royal wedding lang po ang aasikasuhin niyo. Hindi muna kayo papasok sa inyong klase."
"Sinong nagsabi niyan sa'yo?"
Hindi ko na napili ang tamang salita para sa aking tanong. Anong ibig sabihin na sa susunod na Linggo?! Wala pa ngang proposal tapos kasalan na agad?! Ni wala nga dito iyong pakakasalan kong Prinsipe!
"Huwag po kayong mag-alala, Lady Qin. Ako na po mismo ang kakausap sa inyong mga guro at kasamahan kong Quinoffs na hindi kayo makakapasok sa klase."
Wait. Wait. Seryoso ba talaga sila?!
"Hindi ba masyadong mabilis?" Tanong ko sa Quinoff. Masyado talagang mabilis! Hindi pa ako nakakaisang buwan dito sa palasyo. Bakit ba sila nagmamadali?! "Wala dito ang Prinsipe. Alam ba niya iyan?"
YOU ARE READING
The Legend of Qin
General FictionShania Rylie was living her preferred normal life for eighteen years, where she can do everything under her control. Without rules, without anyone's order. Yet her normal life began to change when the Empress Dowager from the royal family summoned h...