H&B Series #1 Code Name P, written by lucidstellar ❤️
Page 6
Who Are You?
Magdadalawang linggo na ako sa piling ni Phoenix at magdadalawang linggo narin akong sabog.
Ikaw ba naman ang hindi makatulog ng ayos sa gabi. Jusme. Kung dati ay nakakalabas ako ng bahay ng walang kahit anumang nakalagay sa aking mukha, ngayon ay hindi na. Sa wakas ay nalaman ko na ang kahalagahan ng concealer. Eyebags is life!!!
Nagmadali akong magbihis ng simpleng floral dress. Maikli ito ngunit hindi malaswa tingnan. Today is Saturday and it's Venus Day.
Ipinangako kasi sa akin ni Phoenix na lalabas kami tuwing Sabado kaya nga't heto ako, maagang naisipang maghanda ng sarili.
Hmmm. San kaya kami pupunta today? Sa Mall kaya? O sa amusement park? Waaaaaaaaaa. Excited na ako!!!
Nakangiti akong lumabas ng aking kwarto at pumwesto sa sofa. Sinigurado kong tanaw ko mula rito sa pwesto ko kapag bumukas ang pintuan ng kwarto ni Phoenix. Hehe Ang aga ko nga talaga ata.
Hindi ko namalayan ang ilang minutong paghihintay, ngunit nang may dalawang oras na ang nakalipas ay nagpasya na akong umakyat muli sa aking kwarto. Mukhang hindi tuloy ang lakad namin ngayon.
Nagbihis ako ng pambahay at saka patakbong pumunta sa kusina. Magluluto nalang ako. Di kasi ako nagbreakfast dahil nga akala ko aalis kami.
Nang madaanan ko ang kwarto ni Phoenix ay hindi ko maiwasang mag-isip. Nakalimutan kaya niya? Tss. Bahala na!
Inihanda ko lahat ng aking kailangan at masusing binasa ang nasa cook book. For today's recipe, I'll cook carbonara. Although marunong naman talaga akong magluto noon ay kinailangan ko parin ng tinginan. Hehe mukha kasing mas masarap ang carbonara dito sa libro kesa dun sa alam kong proseso.
Lumipas pa ang ilang oras. Natapos na akong magluto at nakakain na lahat lahat ngunit hindi parin lumalabas si Phoenix sa kanyang kwarto.
Potek! Mamatay ako sa pagkabagot dito. Lumabas ako ng penthouse at pumunta sa pwesto ni Von, makikipakwentuhan nalang ako sa kanila.
"Ms. Venus, mukhang wala ata kayong lakad ni Boss ngayon ah. Venus Day today diba?" nakangiting bungad sa akin ni Von.
Exactly! That's I am thinking. Nakalimutan kaya ni Phoenix?
Umiling ako at umupo sa bakanteng upuan na aking nakita. "Yun na nga, Von eh. Alam mo bang ang aga kong gumising at nag-ayos tapos di pala tuloy. Nakakainis naman kasi yang si Boss niyo!"
"Naku! Baka naman may emergency sa trabaho?" Von is trying to lighten up the mood. Tss. Tampo padin ako.
"Tss. Anyways, pwede ko bang gamitin ang gym dito? Gusto ko sanang maglibang man lang." nakangusong sabi ko sa kanya.
Narinig ko ang maliliit na hagikhikan nila. Anong nakakatawa?
"Bakit sakin ka nagpapaalam? Kay Boss ka magpaalam. Haha"
"Hindi nga siya lumalabas ng kwarto niya e. Sige na nga, kakatukin ko nalang."
Agad akong pumunta sa penthouse. Pumunta muna ako sa bathroom para tingnan ang aking sarili. Nagsuot ako ng sports bra, leggings at rubber shoes saka naglagay ako ng kaunting lipstick at patakbong bumaba papunta sa kwarto ni Phoenix.
Bumuntong hininga ako. Hmm. Kakatok na sana ako sa pintuan nang pagkakuway bumukas ito. Iniluwa nito ang isang babae na tanging t-shirt lamang ang suot at sigurado akong kay Phoenix iyon.
BINABASA MO ANG
Code Name P [Hearts and Bullets Series #1] ON-GOING
Fiksi UmumLet the search begin! Sinong inosente at hindi? Pag-ibig o Paghihiganti? Kaya mo bang isuko ang lahat para sa pag-ibig na walang kasiguraduhan?