Chapter 16

24 4 0
                                    

"Better a witty fool than a foolish wit."- William Shakespeare

~x~
#16: AN INVITATION

"Eros"

"Bakit?"

"Ang gwapo nung bago naming kapitbahay"

"May bago kayong kapitbahay?", tumango naman ako.

"Iniwan mo kasi ako don kaya nabitawan ko si Chico. Hinabol ko sya tas muntik na ako masagasaan ng bisekleta"

"Hindi ka naman mamamatay sa bisekleta"

Umirap naman ako sa kanya at binalik na sa pagkakatali yung mga aso ko.

"Wala ka talagang pake sakin noh. Hmpp!", papadyak-padyak akong pumasok sa bahay at nahiga sa kwarto ko.

"Hindi ka naman mamamatay sa bisekleta", ginaya ko ang ekspresyon at tono ng pagkakasabi nya don. Tss. Ako na nga taong muntikan ng masagasaan.

"Reighlexis! Bumaba ka dito! May tawag para sayo!"

Bumaba naman ako at sinagot ang telepono.

"Hello? Sino to?"

(Hello Ms. Hills, isa ako sa mga school supervisor ng Dims High School. Gusto lang sana naming ipaalam na may reunion na magaganap ngayong sabado. Kasali yung 2015-2016 batch kaya we are expecting you to come. May email kang matatanggap maya maya, nandun lahat ng detalye tungkol sa reunion. Thank you for your time, goodbye)

Hindi na ako nakasagot dahil binaba na nya ang tawag. Salbahe naman. Ni hindi ko nga sya kilala.

*ting!*

(Somebody sent you an email)

Binuksan ko naman yung notification at binasa ang laman non.

~x~

From: dimshighschool@gmail.com

What: Acquaintance Party (Batch 2013-2016)
When: This Saturday (March 7, 2020)
Time: 6PM to 12MID
Where: Dims High School Gymnasium.

Everyone is expected to wear formal attire. This email will serve as your invitation card to show at the entrance. We don't allow drinks and weapons inside the venue.  We do allow outsiders to join as long as they are invited by the guests (Dims former students)

Thank you. Have a nice day.

~x~

Napabuntong hininga nalang ako sa nabasa ko.

Hindi ako pupunta.

Madaming bumubully sakin dati. Ayokong makita yung mga panget na pagmumukha nila.

"Di ako pupunta. Di ako pupunta. Di ako pupun—"

"Sino ba yon?", tanong ni mama.

"Ah hehe wala po"

Bumalik naman ako sa kwarto ko at pinag-isipang mabuti ang sitwasyon.

Kung pupunta ako, ano namang mapapala ko?

Pag hindi ako pumunta, wala namang mangyayari.

Pupunta ba ako o hindi?

"Anong problema?"

Napatingin naman ako sa pumasok.

"Eros! May reunion kami sa sabado. Di ko alam kung pupunta ba ako o hindi"

"Pumunta ka. Malay mo nandun yung taong itinadhana para sayo"

"Ihh. Lagi nalang ganyan yung sinasabi mo"

"Pumunta ka nalang. Sasamahan kita"

Inaaya na ba nya ako bilang date ngayon?

Hah! Di ako mag-aasume.

Naalala ko bigla ang email na sinend sakin kanina. Pwede akong magsama ng date! Tinignan ko naman si Eros. Total sasamahan naman nya ako, sya na ang magiging date ko.

Pero wag ka mag-assume Arianne! Sasamahan kalang nya, hindi ka naman talaga nya date. Sino ka naman para ayain ng isang dyos ng pag-ibig.

"Fine. Pupunta ako! Sa isang kondisyon, magpapanggap ka na boyfriend kita. Kung makikita ako ng mga kaklase ko dati na single parin hanggang ngayon, siguradong pagtatawanan nila ako.", naningkit naman ang mata nya pero pumayag din.

"Sige"

Napatalon naman ako sa tuwa. Di ako makapaniwalang pumayag sya. Nakakahiya naman kung magiging date ko ang dyos nato pero mas ayos nayon kesa pagtawanan ako ng mga kaklase noon.

"Yes! Bukas magpapractice tayo sa acting natin"

Ngumiti naman sya ng mapakla. Sa mga nagdaang araw, parang nag-iiba yung awra nya. Mas nabawasan nadin yung pagiging makulit nya sakin. Di ko naman maalalang nagkaroon kami ng tampuhan.

EROS' POV

(the next day)

Pinapanood ko lang si Arianne na magsulat ng script sa papel. Habang tumatagal yung titig ko sa kanya mas lalo ko pang nararamdam ang mga paru-paru sa tyan ko.

Hindi ko parin alam kung tama ba tong nararamdaman ko. Magkaiba naman si Psyche at Arianne. Si Psyche isang prinsesa na itinakda sakin. Si Arianne naman, isa sa mga tinutulungan ko sa paghahanap ng mga kalahati ng kanilang pagkatao.

Labag sa loob ko ang tulungan sya. Pero ito ang trabaho na ibinigay sakin. Ito ang tungkulin ko bilang scheduler.

"Tapos naaaa! Dapat i-memorize mo to ha!"

"Patingin nga"

Inabot naman nya sakin ang papel.

'Arianne Reighlexis Zane Hills... My girlfriend... The love of my life... My rose among daisies... My own princess... ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. I love her so much. She's not my world... cause she's my universe.'

Palihim naman akong napangiti sa nabasa ko.

"Ang cringey noh? Nakikita ko kasi yan sa palabas. Yung mga tipong ang proud ng lalaki dahil napasakanya ang babaeng mahal nya"

"Wala ka talagang ibang maisip?", walang ganang sabi ko.

"Bakit? Pangit ba? Sige palitan ko nalang", akmang kukunin nya yung papel sa kamay ko nang iiwas ko to sa kanya at tinaas sa ere.

"Pwede nato"

"Gagawa kalang ng eksena dun sa reunion tas sasabihin mo yan. Tas kikiligin ako. Yun na! Walang masasabi yung mga kaklase ko dati. Ayos ba?"

"*laughs* ewan."

THE SCHEDULER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon