Oliver's POV
Nag-mamadali akong pumasok sa office. Binuksan ko agad ang laptop ko para tapusin yung presentation ko para sa HS design. Hindi ko kasi natapos kahapon, at naiwan ko pa tong laptop dito sa office. Buti na lang tinabi ni Diego.
Tinagnan ko ang wristwatch ko.
It's already 9:00 am.
Thirty minutes na lang before the presentation.
"Hey dude" biglang pasok ni Diego, pero di ko siya pinansin dahil may ginagawa pa ako. "Saan ka pala nag-punta kahapon?? Tumatawag ako sayo pero nakapatay phone mo?? Alam mo bang hinahanap ka na ni Presty??" Napatingin naman ako sa kanya.
"Bakit daw??" Natanong ko. I'm sure guguluhin na naman ako non.
"I don't know, pero galit na galit siya dahil miski tawag niya hindi mo sinasagot" paliwanag niya.
"Lowbat cellphone ko, at iniwan ko sa bahay ngayon yon"
Ni-rereview ko na lang yung presentation ko. Madali ko na lang rin naman to natapos. Si Diego kanina pa umalis, inutusan ko siyang i-cancel ang mga ibang appointments ko ngayong araw dahil pag-katapos kong mag-present sa board, sasaglit muna ako sa ZB Hotel.
"Oliver!!!" Biglang pasok ni Presty. "Nasaan ka kahapon??" Tanong niya.
"Do I need to tell you??" Sabi ko.
"Ofcourse karapatan ko yon dahil fiance mo ko, and to think na mag-damag kitang tinatawagan sa phone pero di mo sinasagot!!!" Tumayo ako at lumabas na. Di ko na lang siya pinansin.
"What do you think you're doing??" Lalayasan mo ko??" Patuloy parin ako sa pag-lalakad. Halos pinag-titinginan na kami ng mga empleyado dito, pero tong isa to walang pakialam. Well ganito naman siya palagi sakin kaya sanay na ang mga tao."Oliver! Ano dedeadmahin mo lang ako, hindi mo talaga ako kakausapin"
Patience. Yan ang natutunan ko simula ng makasama ko siya.
"Please mamaya na lang tayo mag-usap" mahinahong sabi ko, ayaw ko lang sabayan siya sa init ng ulo niya. Mamaya magulo pa ako sa presentation ko. "I have important meeting today, kung gusto mo hintayin mo na lang ako" sabi ko bago pumasok sa board meeting.
"Oliver-"
Splash...
Sinaraduhan ko na siya.
"What the -" rinig ko sa kanya bago sumara ang pinto.
"Good morning everyone" panimula ko. Tumayo naman sila. "So I guess nandito na lahat, let's start" inumpisahan ko ng i-tuckle ang mga presentation ko. Yung design ng mga gagawing new model ng house. Preview nito, motif at iba pa. Naimpress naman ang board at nagustuhan nila.
"Congratulations Mr. Oliver"
"Good job"
Sabi nila.
"Thank you Sir, Ma'am" nag-pahuli naman kami ni Diego lumabas.
"Wuhooo!!!" Sigaw ni Diego. "Congrats Dude" sabi niya.
"Thank you"
"Ano celebrate??" Napa-isip naman ako.
"Sorry bro may pupuntahan sana ako eh" pag-tanggi ko.
"Saan???" Tanong niya.
"ZB Hotel" sagot ko. Binigyan naman niya ako ng makahulugang tingin saka ngumiti ngiti. I know him, alam niya na ang ibig sabihin. "Stop laughing, it's not funny" sabi ko bago siya talikuran at lumabas.
▪️▪️▪️
Presty POVKanina pa ako nag-hihintay dito sa labas ng board meeting. Hindi na ako makapag-hintay na kausapin si Oliver. Ilang minuto pa akong nag-hintay hanggang sa lumalabas na ang iba galing sa board meeting. Bigla namang may nag-ring sa phone ko.
Micah, my friend.
["Hello"] sabi ko. ["Why?"]
["Kanina pa kita hinihintay sa restau, akala ko ba may pag-uusapan tayo"] sabi niya. Nakalimutan ko na nga pala.
["I'll be there after I talk to Oliver"] sabay hang ko ng phone.
Sakto nakita ko na siyang palabas kasama si Diego. Pinuntahan ko na siya.
"Let's talk" bungad ko sa kanya.
"So pano ba yan maiwan ko muna kayo" sabi ni Diego bago umalis.
Tahimik lang kaming pumunta sa office.
"Ano nga palang pag-uusapan natin??" Nagulat ako sa tanong niya.
Really... tinatanong pa ba yon. Bumuntong hininga muna ako bago nag-salita.
"Saan ka pumunta kahapon?? Sinong kasama mo?? Bakit hindi ka umuwi sa bahay niyo?? At bakit di mo sinasagot ang mga tawag ko" sunod sunod kong tanong. Alam kong kanina pa siya nag-titimpi sakin but I don't care. Sasabihin ko lahat ng gusto kong sabihin, itatanong ko lahat ng gusto kong tanungin cause I'm Presty Mendoza at walang makakapigil sakin.
"I'm at ZB Hotel yesterday, nag-check-in ako for the whole day because I want to be alone cause these past few weeks masyado akong naging busy sa work, I want to rest kahit isang araw lang" paliwanag niya.
"Yung last question ko, bakit di ka sumasagot sa mga tawag ko"
"Lowbat ang phone ko kaya kahit anong tawag mo di ko malalaman" sabi niya. "So tapos na, aalis na'ko" at iniwan niya na nga akong mag-isa.
"Arrgghhhh..."
▪️▪️▪️
Oliver's POVDumiretso muna ako sa bahay pag-katapos kong iwanan si Presty. Baka kasi sundan niya ako, kaya di to muna ako pumunta.
Umakyat na muna ako sa taas. Sa kwarto ko. Saka naligo na rin ako, ilang minuto bago ako makapag-pahinga. Pag-katapos umalis na ako at pumunta na sa ZB Hotel.
Bago ako bumababa ng kotse ay nag-suot na muna ako ng facemask at nag-shades ng saganon walang makakilala sakin.
"Hi excuse me" sabi ko sa staff. "Gusto ko sanang kausapin si Ms. Eli Reyes, helper dito" dugtong ko.
"Sino po sila??" Tanong niya.
"Her friend" sagot ko. Well friends naman na kami.
"Okay sir hintayin niyo na lang po"
"Sige" sabi ko at nag-hintay na lang.
Ilang minuto lang ay nakita ko na siyang nag-lalakad. Nang makalapit na siya ay agad ko naman siyang hinila palabas pero binitawan niya ako.
"Wait sino ka ba??" Pag-tataka niya. Pero hinila ko na lang siya ay di sinagot. "Teka nga, saan mo ko dadalin??" Palag niya pero wala na rin siyang nagawa dahil nahila ko na siya sa labas.
"Bitawan mo nga ako!!! Sino ka ba???" Agad ko naman tinanggal ang facemask at shades ko.
"Oliver??" Pag-tataka niya.
"May pupuntahan tayo" sabi ko sabay hila ulit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Till my heartache's end
Teen FictionMaling pag-ibig na hindi napigilan, hanggang sa umusbong ang isang buhay na di inaasahan. Isang araw pangarap at pangako ay hindi napanindigan. Lungkot at luha ang laging nararamdaman. Hanggang kailan nga ba ang mga ngiti sa labi ay masisilayan. Til...