KEEP YOUR SECRETS AT 3AM
CHAPTER 9
SHEENA
"Still there, bruh?" nanatili akong tahimik. Hindi ko alam ang itutugon ko dahil sa balitang sinabi ni Kiara. I just can't believe that Dane is alive. Napaka-impossible lalo pa at nakita ko talaga siya kung paano siya pinagsasaksak at itinapon sa bangin ng lalaking 'yon.
"Bruh, even though I can't see you, I know you're not in yourself again!" muling sabi sa akin ni Kiara kaya bumalik ako sa pakikipag-usap sa kanya.
"Are ... are you sure?" maging ang boses ko ay nanginginig din. Kung hindi ko lang siguro hawak ng mahigpit ang cellphone ko ay kanina pa ito nahulog. Masyado ng maraming hindi kapanipaniwalang pangyayari ngayon.
"Yes, dad said it to me. He said na nakita daw nila si Dane sa isang kakahuyan sa Tagaytay."
Imposible! Hindi ako pwedeng magkamali. Si Ethan, I am sure na may kinalaman siya sa mga nangyayari.
"Is he really alive?" muli ko naman tanong sa kanya. I need to make sure kung totoo talaga na buhay siya bago ko kausapin ang lalaking 'yon.
"Yes, buhay na buhay raw siya."
I think I need to do something right now.
-----
Two days had passed pero pakiramdam ko pa rin ay parang kanina lang nangyari ang lahat. Tama nga si Kiara na buhay pa si Dane lalo na ng nabalitaan ko sa aming Dean. Though I can't see him in my own eyes, hearing it from our Dean is enough. But the thing is, biglaan na lang siyang naexpel sa aming paaralan without telling by our Dean what's the reason behind.
Wala ring may alam kung ano ang nangyari sa kanya sa loob ng isang linggo na nawala siya.
May mga sabi-sabi na may nagsampa raw sa kanya ng kasong rape kaya tumago muna siya, ang ilan naman sabi ay may nabuntis daw siya at hindi niya raw gustong panagutin kaya tumago muna siya at ang ilan ang sabi ay nakapatay daw siya. Ayokong maniwala na magagawa niya ang isa man doon lalo na kasama ko rin siya sa maikling panahon.
I knew him very well.
Hindi man naging maganda ang naging trato namin sa isa't isa sa una ay alam kong hindi niya magagawa 'yon. I knew that he has a good heart. I felt that whenever he is with me. He never forced me to do such things na labag sa loob ko. Yes, he's entitled to be a jerk and a manwhore in our school but I am sure that there is a reason behind why he became like that.
I know he is a great man at kung makabuntis man siya ay pananagutan niya 'yon. Hindi niya hahayaan na lumaki ang bata na walang ama kagaya niya.
I hate to say it again pero namiss ko ang serious moments niya lalo na kapag kinukwento niya ang kanyang buhay.
Going back, I don't want to overthink but I can feel that there is something wrong. Meron talagang mali sa mga nangyari. I am sure sa mga nakita at narinig ko ng madaling araw na 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali. What happened to Dane is connected to what happened that day and that is what I need to know. Kailangan ko talagang malaman ang nangyari sa kanya.
Kung kinakailangan na gumawa ako ng mga maling bagay ay gagawin ko makausap lang siya. I want to know what really happened to him.
Hindi pwedeng mapaalis ng gano'n lang ang isang estudyante lalo na kung wala naman siyang nagawa ng mabigat na kasalanan sa school maliban lang kung may pakana ng lahat ng 'to. Someone who is very powerful that can manipulate our heads in our school.
"Ethan," bulong ko sa hangin. Possible, lalo na nakapasok siya sa aming paaralan kahit patapos na ang unang sem. Sino ba talaga ang lalaking 'yon?
"My gosh bruh! Kanina pa ako nagkukwento sa'yo samantalang ikaw ay lutang na naman diyan! Nakakasira ka ng ganda bruh!" I came back to my senses when I heard Kiara talking to me again. Hindi ko napansin na kasama ko pala siya ngayon sa tambayan namin sa dami ng iniiisip ko.
BINABASA MO ANG
KEEP YOUR SECRETS AT 3AM | COMPLETED
Mystery / ThrillerAng akala ko ay isang bangungot lang ang nangyari noong alas tres ng madaling araw. Ang hindi ko alam, noong oras din pa lang 'yon sinimulan ko nang itago ang mga sikreto ko. DATE STARTED: FEBRUARY 10, 2021 DATE FINISHED : JULY 04, 2021 All the pho...