I have a story that I'm eager to tell..
April 30, 20**Nanunuod kami ng kapatid ko ng horror movie nagtataka nga ako horror movie pero bat masaya sya always syang nakatawa wla namang nakakatawa
Ito na nga habang nanunuod na kami nasa intense na part na isinusubo na sa biktima yung sariling laman loob nya na pinutol ng antagonist sa kanya
Nakakadiri talaga pero grabi Ang pinagtataka ko bat tumatawa parin yung kapatid ko nakakakilabot na talaga toh sa sobra ko nang takot tumatayo na yung balahibo ko sa katawan tinanong ko na sya
"Anyare sayo" walang hiya d ba namn ako pinansin tinawag ko ulit "hoy ano ba!" Tinawag ko na nang ilang beses pero wala pa rin sa sobra kung takot dahil sa pinapanuod namin at inis dahil di nya ako kinakausap umalis ako at iniwan syang nanunuod natatakot pa akong humakbang baka kasi may multo na biglang magpakita
Pumunta akong kusina at uminum ng tubig dahil nauuhaw ako sa pinapanuod namin pero ang pinagtataka ko lang bakit may kulay Pula Ang puti kung damit at amoy malansa pero d ko na lang pinansin baka sa sobrang kakanuod ko lng ng movie
Habang pabalik na ako patay sindi na yung ilaw tinatawag ko na ang pangalan Ng kapatid ko "Bliss!" "Bliss!"
"Hoy tulungan mo ko dito"
"Natatakot na ako!" Pero di parin sumasagot yung kapatid ko sa sobra ko nang takot tumakbo na ako pabalik sa kapatid ko at"Blisssss!"
Sana d ko na lng sya iniwan, sana d ko na sya pinansin, sana pinabayaan ko na lang sya maraming sana akong nasabi na dapat ginawa ko
Dahil nakikita ko lng namn ngayun yung kapatid ko na nakahandusay duguan, walang ng laman loob dahil nasa bibig nya na parang pinakain sakanya ng sapilitan katulad na katulad sa pinanuod naming movie
Para na akong mababaliw hanap ako ng hanap sa pumatay sa kapatid ko sa hindi sinasadya na patingin ako sa salamin
"Nandyan ka lang pala nahirapan ako sa kapatid mo"
"Bat mo yun ginawa"
"Maingay kasi at kinakawawa ka tandaan mo ayaw na ayaw ko yung sinasaktan ka kaya inunahan ko na at wag mo akong tanungin bat KO yun ginawa baka nakakalimutan mo AKO IKAW AT IKAW AY AKO"kinakausap ang sarili at umiiyak dahil napagtanto ko ako Ang pumatay sa kapatid ko.
I'm Maria and I have a BIPOLAR DISORDER.
BINABASA MO ANG
Rainbow Mind
AdventureBecause of this Covid19 and ECQ I created different one shot story