01. At the Beginning

10.1K 81 15
                                    

  -;-;-;-;-;-

01. At the Beginning

-;-;-;-;-;-

"...No one told me I was going to find you

Unexpected what you did to my heart

When I lost hope you were there to remind me

This is the start..."

[Kathryn]

Unang araw ng klase.

Homeroom na pero hindi pa rin nagpapakita ang adviser namin.

Matakasan nga. Cutting muna ako ngayon. Tutal, wala rin naman talagang kwenta ang unang araw ng klase. Pakilala lang, tatanga-tanga tapos election ng mga class officers at marami pang kaartehan.

Huminga ako ng malalim bago tumayo.

Nagtinginan ang mga kaklase ko. Hindi ko sila pinansin at agad akong lumabas ng classroom. Pakialam ko sa kanila. Takot lang nila sa akin. Si Papa kaya ang major sponsor ng school.

Agad kong pinuntahan ang storage room ng school para kumuha ng hagdan. Alangan namang talunin ko yung pader sa school eh napakataas nun.

Kinuha ko yung pinakamagaan na hagdan pero shet...sobrang bigat pa rin.

Dala-dala ko yun hanggang sa likod ng school building. Lumingon ako sa kaliwa at kanan at siniguradong walang tao.

Dahan-dahan kong inakyat ang hagdan. Konti nalang...Konti nalang nasa tuktok na ko. Malapit na kong makatakas –

"Excuse me! Ms. Kathryn Bernardo!" sigaw ng isang boses na hindi pamilyar sa akin. Napatalon ako sa tawag niya. Punyemas. Manggulat daw ba?

Tumingin ako sa ibaba at nakita ko ang isang lalaking nakasalamin, magulong itim na buhok, may dimples sa magkabilang pisngi at matangkad...super tangkad. Nakasuot ng casual clothes ito at nakalagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa. Ang angas ng dating. Ito na ba ang bagong janitor dito?

Eh bakit mukhang pag inutusan mo eh babatukan ka?

Nyemas.

Di bagay.

Wala na bang mahanap na matinong staff/janitor man lang ang principal?

Yung bagay sa role. Di tulad ng isang ito.

"Ano yun?" iritang bulyaw ko. "Pwede ba wag mo kong pigilan?"

"Hindi pa nga kita pinipigilan. Excited ka naman," wika nung lalaki.

Ay nyemas! Pilosopo pala ito eh?

"Putek! Wag mo nga ako sagutin!" sabi ko. Nakasimangot na ko. Lechugas na janitor ito! Sarap i-prito sa kumukulong mantika. Pakialamero na, pilosopo pa.

"Bakit, test paper ka ba?" saad niya. Naka-smirk ito sa kanya.

"Nye! Nye! Corny mo tsong! Dun ka na nga at maglinis ng banyo!" sigaw ko.

"Bakit ako maglilinis? Eh hindi naman ako janitor?" wika niya.

"Eh ano? Hardinero?" tanong ko.

Tinanggal niya ang isang kamay mula sa bulsa at napakamot ng ulo. "Mukha ba kong janitor o hardinero? Teacher mo ko. Adviser mo ko. Pangalan ko Daniel Padilla. English ang tinuturo ko at please lang, bumaba ka na diyan. Wag mo ng dagdagan sakit ng ulo ko. Kakaumpisa ko palang."

Love Game (Song #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon