Chapter 49

25 2 0
                                    

Chapter 49

Ngiting-ngiti ako habang tinatanggap ang report card ko galing sa aming adviser. Today is our card giving day for the second semester. Dito sa Shamxia, every student ay may consent to get his or her own card. Walang problema kahit hindi na magulang ang kumuha. 

"Very impressive, Victoria..." My adviser said. "This is a record! Halos half of the first semester ay blangko ang attendance at mga activities mo, but... look at your grades now! Kasama ka pa sa honors list!"

Lalong lumawak ang ngiti ko. Ang tinutukoy niya ay iyong mga panahong nasa trabaho pa ako. Madalang lang akong magkaroon ng bakanteng schedule noon kaya halos wala talaga akong pinapasok.

"Mister Altarieno will be very proud of you!"

Humalakhak ako. "Thanks, Ma'am."

"Good job! Keep up the good work. College ka na next year."

Ngumiti lang ako at lumabas ng faculty. Masayang-masaya ako habang hawak ang report card ko. Hindi ko pa nakikita ang grades ko niyan, sa totoo lang.

I glanced at my wristwatch. 4:31 PM. Kaagad akong dumiretso sa classroom upang kunin ang bag ko. Nasa faculty ang buong klase dahil kukuha pa sila ng kani-kanilang mga cards. Well... except sa mga nakakuha na.

"Congrats, Victoria!" Ani ng isa kong kaklase. "Kasama ka raw sa honors list, ah?"

"Wow, ang galing!"

"Thanks..." Malamig kong sagot sabay sukbit ng bag ko. I can sense their sarcasm.

Hindi ko kailangan ng praises galing sa mga katulad nila. I won't be surprised if they are still one of those bitches na inggit na inggit sa akin. Iyon bang mga... hindi maka-move on.

Somehow, I managed to smile again. Hindi ko pwedeng hayaan na sirain nila ang maganda kong mood today!

After that long walk, I hopped into my car. Walang susundo sa akin ngayon dahil busy si William. Si Leigh, absent, she's not feeling well daw. Madalang lang din naman kaming magkita nila Vance, Rhys at Scott. Nagkakasalisi ang mga schedule namin. And probably, they still have classes until now.

Nang makasakay ako sa driver's seat ay binuksan ko muna ang report card ko. Halos magningning ang mga mata ko nang makitang 92 lang ang pinakamababa kong grade and the highest is 98, bale ang average ko is 94!

Oh my god! Halos magtatalon ako sa tuwa. This is so nice!

I took a pic of it and shared it on my story in Facebook. By the way, I created new socials. You know... to forget all those bad memories which had drowned me on the past. Kailangan ko nang umahon.

I really need to stop thinking about it. I need to be happy.

At... birthday ko pa bukas!

These grades are the perfect gift for me. Grabe, ang sarap pala sa feeling!

In-off ko ang phone ko at nag-start nang mag-drive. Gusto ko nang sabihin 'to kay Daddy! He'll be glad, for sure!

After I arrived, humahangos ako habang papasok sa bahay. Halos magkandarapa na ako makaakyat lang sa kwarto ni Daddy.

I'm just excited to see his reaction! This is the first time na nakasama ako sa honors list!

Hindi na ako kumatok sa pinto at pumasok na kaagad. Naabutan ko siyang nagbabasa ng libro habang nakasandig sa headboard ng kama niya.

Why do men around me love to read books?

"Daddy, Daddy!"

Nakatingin pa rin siya sa binabasa niya.

Embracing The Rain (Rain Series #2)Where stories live. Discover now