Finalmente

83 3 0
                                    

"Pinipilit ka na naman ba ng girlfriend mo na saktan iyong babae?"

Dahan-dahang tumango ang pinsan kong si Ridge kaya napahilot ako sa sentido ko.

My brother looked at him. "Wala ka naman sigurong balak na... sundin siya, hindi ba?"

Nagkibit-balikat lang ito.

That must've been implying something.

Ridge, my cousin, has a girlfriend. Unfortunately, lihim itong naiingit sa sarili niyang pinsan—which led for his girlfriend to hurt her cousin. In many ways. Always traumatizing.

"Kuya, hindi ako kumbinsido sa sagot ni Ridge..." Nag-aalala si Elmrix habang palakad-lakad sa harapan ko. "Baka kung mapaano iyong babae, kawawa naman."

"Relax. We already warned his father..."

"Oo nga, pero..." Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa nga mata niya. "Wala, basta! I'm just bothered!"

I will never forget the day after our conversation—noong muntik nang ma-rape ang babaeng Altarieno sa abandonadong bahay sa sementeryo. Mabuti na lang at napadaan doon si Tricia. Agad niya 'yong sinabi sa amin kaya nagkaroon kami—o si Elmrix ng pagkakataon upang tulungan siya.

Pinaghinalaan na namin si Ridge matapos ang insidenteng iyon. Siya lang naman kasi ang may motibo na ipahamak ang babae. But the next day we woke up... hindi na siya nagpakita pa sa amin.

Lalong lumakas ang hinala namin dahil sa pag-alis niya. Nonetheless, hindi namin siya pwedeng akusahan nang ganoon kadali. Pinsan pa rin namin siya at alam naming... napalaki siya nang maayos ng mga magulang niya.

"Kuya..." Ani Elmrix. "May extra ka?"

Napabuntonghininga ako at kinuha ang natitirang pera sa bulsa ko.

Hindi kami ganoon kayaman o ganoon kahirap. Wala na kaming mga magulang. Ang lola ko lang ang kasama namin at umaasa lang siya sa kaniyang pananahi at sa pagpapadala ng pera galing sa ilan pa naming mga kamag-anak.

Doon namulat ang kaisipan ko. I need to multitask. Nag-aaral din ako ng kolehiyo ngayon kaya hindi pwedeng iasa ko na lang sa lola ko ang pangtustos sa matrikula naming magkakapatid.

"William, this is Victoria, my very... very nice daughter..." Nakita ko na lang ang sarili ko na tinatanggap ni Mister Altarieno bilang bodyguard ng anak niya.

After the warning we sent to him... at siguro, dahil sa kapahamakan na nangyari sa anak niya, nag-hire siya ng bodyguard. In actuality, nag-apply din ang kapatid ko dahil sa hindi malamang dahilan, pero... ako ang napili.

"I'm pleased to meet you, Miss..." I politely said.

"W-What the—who the hell is he, Daddy? Is he a sort of my fiancée or something?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Fiancée? Hindi ba't... masiyado pa siyang bata para roon?

"He's going to be your bodyguard..." Simpleng sagot lang ni Mister Altarieno.

Her eyes widened. "M-My... what?!"

Simula noon, lagi na niya akong kasama kahit saan. Mapa-eskwela, mall, o kahit saan man niyang gustong pumunta. Hindi naman ako gaanong nahirapan sa schedule ko sa eskwelahan. May pamalit naman kasi sa akin na bodyguard—iyong nagbabantay sa kapatid niyang babae. Iyon nga lang, mas madalas akong naka-duty.

"What are you doing, Miss Victoria?" Iyon ang salubong ko sa kaniya nang makita siya sa kanilang kusina.

"Bakit ka ba nanggugulat?"

Kumurap ako. "I'm just checking on you, Miss Victoria. I heard your scream few minutes ago..."

"Kasali pa ba 'yon sa trabaho mo? Ang pakialaman ang personal life ko? I want and I need privacy, you know..."

Embracing The Rain (Rain Series #2)Where stories live. Discover now