02. Live Like We're Dying

2.2K 53 7
                                    

Dedication: meChalala -> Natuwa lang kasi ako sa comment niya. Wag kang mag-alala. I'll try to finish my stories! I'll really try!                                                       

   -;-;-;-;-;-

02. Live Like We're Dying

-;-;-;-;-;-

"Sometimes we fall down and can't get back up

We're hiding behind skin that's too tough

How come we don't say I love you enough?

Till it's to late, it's not too late..."

[Daniel]

Lecheng bata yun.

Hindi na nakuntento sa pag-apak sa paa ko, pati mukha ko dinamay niya.

Takte lang talaga.

Ginalaw-galaw ko ang panga ko. Sana makapagsalita ako ng maayos mamaya sa klase. Hindi na nga ako umattend ng homeroom para ipagpahinga itong paa ko na kumikirot pa rin dahil sa mala-monster na paa ata niya.

Tch. Kung hindi ko lang talaga estudyante yun, baka binatukan ko na yun.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Ate Maja sa akin mula sa katabing table ko. Magkatabi kami sa loob ng faculty room eh. Girlfriend pala ito ng kuya ko. Siya tumulong sa akin para makapasok sa school na ito. Matagal na siya dito at kaibigan niya ang may-ari ng school kaya nung rinecommend niya ako sa vacant na English teacher position eh agad akong natanggap. Dumagdag pa ang lakas ng karisma ko at matataas na grades kaya siguradong pasok na ko sa school na ito.

Tumango ako sa tanong ni Ate Maja. "Ok lang ako. I'll live. Medyo nabawasan nga lang ang kagwapuhan."

"Che! Magkapatid nga kayo ni Nata de Coco," sabi niya na ngumiti. "Tinatanong niya pala kung kailan mo balak umuwi sa bahay."

Nata de Coco...endearment niya sa kuya ko. Coco kasi pangalan ng mokong na yun eh.

"Hindi ako uuwi," matigas kong sagot. Hindi kami magkasundo ng ama ko at isa pa, wala akong ka-amor amor sa mga taong basta-basta nalang sumuko sa akin ng panahong kailangan ko sila.

Kumunot ang noo ko at pilit ko inalis ang mga unwanted memories na bigla nalang pumasok ulit sa isip ko.

"I'm sorry," bulong ni Ate Maja sa tabi ko. Nabasa niya siguro na biglang nag-iba ang expression sa mukha ko.

"Wag kang mag-sorry ate. Wala kang kasalanan. Pinili ko yun eh. Tanga ako dati, pero hindi na ngayon," saad ko. "Wala akong dapat ibang sisihin kundi sarili ko."

Hinawakan ni Ate Maja ang kamay ko, tinapik-tapik at ngumiti sa akin. "Nagbago ka na. Wag mo na isipin ang nakaraan mo at isipin mo nalang yung ngayon. Nandito lang kami ni Nata de Coco para sa'yo."

Nginitian ko siya pabalik. Kinuha na niya ang kamay niya at tinanong ulit ako, "So sinong estudyante ang binully mo at nakatanggap ka ng pasa sa panga at pagkirot ng paa?"

"Oi! Wala akong binubully na estudyante. Sadyang battered teacher lang talaga ako," sagot ko. "Bwiset na bata yun."

"Sino nga?" giit ni Ate Maja.

Love Game (Song #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon