If you're reading this, then you’re probably not blind jk. I just wanna say that this is not the perfect story you are looking for. Bear with me please.
PLAGIARISM IS A CRIME"Mama, saan po tayo pupunta?" Tanong ng batang babae.
"Mamamasyal tayo ngayon katulad ng ipinangako namin ng Papa mo." Nakangiting tugong ng ina nito.
"Yehey! Kasama po si Papa?"
"Oo naman, kaya sige na sumakay ka na sa kotse. Nag-aabang na doon ang papa mo.
Masayang masaya ang bata dahil ngayon lamang ulit nakumpleto ang kanilang pamilya. Laging abala ang kaniyang amang gobernador kaya madalang nila itong makasama.
"Papa, excited na po ako. Buti na lang po nakasama ka namin ngayon."
"Hayaan mo at babawi ang Papa. Bibilhan kita ng maraming laruan."
"Gusto ko po yun Papa." Masayang sabi ng bata.
"Gov, kanina ko pa po napapansin iyong pulang sasakyan na sinusundan tayo." Nag-aalalang sambit ng driver.
"Baka naman parehas lamang tayo ng ruta." Kampanteng tugon niya at hinawakan ang kamay ng kaniyang asawang naalarma sa nalaman.
Ilang sandali, napatigil ang sasakyan.
"Anong nangyayari Rene?"tanong ng governor
"Gov, hinarangan tayo ng naka-pulang kotse."
"Kinakausap na ng mga guwardiya." Dugtong nito.
Umalingawngaw ang putok ng baril. Ang mga guwardiya at mga armadong lalaki ay nagpapalitan ng bala.
Kitang kita ang pagbagsak ng mga guwardiya.
"Mama, ano pong nangyayari?" Nagsimulang umiyak ang bata dahil sa takot.
"Shh tahan na anak, kakantahan ka na lang ni mama okay?"
Sana'y di magmaliw ang dati kong araw nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan.Hinalikan ng ina sa noo ang bata at pinayuko upang magtago.
"Mahal na mahal ka namin anak." Huling sinabi ng ama ng bata bago tuluyang nakalapit ang mga armadong lalaki at pinaulanan ng bala ang driver.
"Paalam, Governor Santiago Alcazar." Tinig ng isang lalaki na sinundan ng sunod sunod na putok ng baril.
"Pakiusap-" naputol ang sasabihin ng ina ng bata dahil sa balang diretsong tumama sa kaniyang puso.
"Mama! Papa!" Hagulgol ng bata.
"Naku! Bata kawawa ka naman. Hindi na sana kita makikita ngunit sadyang maingay ka."
"'Di bale, susunod ka na sa mga magulang mo." Akmang itututok na nito ang baril sa bata nang bigla itong tumalsik.
Maging ang iba nitong mga kasama ay gayon din ang nangyari. Ito ang huli niyang nasilayan bago tuluyang nagdilim ang lahat.
Author's Note: I love writing, it has always been my dream to become a writer. This is my first story. I'm still a beginner who is passionate to learn more about this field. I just want to express myself and let my imagination come to life. And if anyone is reading this, I know that this story is flawed but I hope you enjoy it.
You can listen to this video to add more feels :-)
BINABASA MO ANG
A World Apart
FantasyBata pa lamang ay nakaranas na ng isang matinding trahedya si Astrid, na naging dahilan ng pagiging ulila niya. Kinupkop siya ng pamilya ng kaniyang tiyahin ngunit hindi niya kailanman naramdaman ang pagmamahal at pagtanggap nito. Dahil sa isang...