Maaga ako na gumising para mamili ng mga paninda sa Mini convenient store namin.Maliit lang sya na parang ganon sa 7/11 na may roong dalawang istante ang kaibahan lang yung convenient store namin Parang sari sari store na rin sya.
Bata palang ako ito na ang negosyo ng pamilya namin. Ang kwento, pangarap ni mama noon na magkaroon ng sariling mall pero mahirap lang sila noon kaya hinde nangyari hanngang sa makilala nya si papa, pinagipunan daw talaga ni papa ang pangpagawa ng convenient store para iregalo Kay mama sa mismong wedding nila. Sobrang saya daw ni mama noon kase kahit hinde mall atleast nagkaroon sya ng tindahan na hanggang ngayon ay syang pinagkakakitaan ng pamilya namin.
"Magkano po?" Tanong ko sa cashier lady ng ma I punch nya na ang lahat ng pinamili ko
"2,043.15."
Inilabas ko ang 3,000 sa wallet ko at inabot sa kanya
" I receive 3,000" kumuha sya ng pera at sinuklian ako. Nagpunta naman na ako kung saan ikinakahon na ang mga pinamili ko at doon na nagantay.
Nagpaassist ako sa salesboy doon hanggang sa paglabas.
"Thank you kuya." Pasasalamat ko sa salesboy
Inilabas ko ang phone ko para sabihin Kay mama na pauwi na ako.
-hello. Ma pauwi na ako, may ipapabili pa po ba kayo?
-wala na anak. Ingat ka sa paguwi ha
Kukunin ko na sana ang mga pinapili ko ng biglang may lalaking bumunggo sakin. Kaya napaupo ako sa lakas ng pagkabunngo nito.
-ano ba hinde kaba tumitingin sa daan!
Inis na angil ko sa lalaking kaharap ko ngayon.
Black T-shirt, naka shade na tinted yellow at naka braid ang buhok. Litaw na litaw ang pagka mestizo nito. Matangkad, sa tingin ko hanggang tenga nya lang ako. Naaninaw naman sa shade nya ang pagkachinito nito .May earing din sya sa i isang bahagi ng tenga nya, tsss badboy look. Pero overall. ANG GWAPO.
-Teka miss, ikaw tong nakaharang sa daan.
Tinanggal nya ang salamin nya at ikinawit iyon sa damit nya. Tama ako chinito nya to
-Nasa exit ako. Kung papasok ka ng mall, ayan oh! Jan sa kabila yung entrance hinde mo naman siguro ako mabubunggo kung sa side ka na yan dumaan!
-Wow! So kasalanan kopa? Kahit nasa exit way ka nakaharang ka parin.
-pwede ba magsorry ka nalang. Tatanggapin ko naman eh
-bat ako magsosorry, wala naman akong ginawa kasalanan no kung bakit ka nabunggo.
-okay fine. Ayaw mo magsorry? Edi wag! Wala akong panahon sayo dyan ka na nga.
Tumalikod na ako sa kanya para umalis nang bigla syang magsalita..
-tsss. .. Tanga tanga kase
Bulong nya pero narinig ko. Nagpanting ang tenga ko at naginit ang ulo ko sa sinabi nya Kaya naman humarap ako sa kanya
-anong sinabi mo?
-ang sabi ko tanga ka!
- e gago ka pala eh!
Tinandyakan ko sya sa binti nya dahilan ng muntik nyang pagkatumba.
-ouch!
Daing nya sa binti nya na tinadyakan ko
-yan ang bagay sayo! Ikaw na nga itong nakabunggo ,ikaw pa tong ang lakas ng loob na sabihan ako ng tanga! Hoy.. Kung may problema ka. Wag mo akong idamay sa init ng ulo mo.
Umalis na ako doon at pumara ng tricycle para umuwi.
Bwiset na yon! Ako pa sasabihan nya ng tanga. Hello? Running for valedictorian lang naman ako sa school namin. Sayang, gwapo na sana bwiset lang.
-nandito na ako.
Tamad kong isinalampak sa sofa ang katawan ko. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko.nadagdagan pa dahil sa bwiset na chinito na yon kanina.
-oh Zia, bat natagalan ka ata sa paguwi? Ma
traffic ba?-hinde ma, may bwiset lang po kase ako na pinilayan kanina.
-huh? Anong sinasabi mo?
-hay nako ma, may nakabunggo sakin kanina, aba sya pa yung matapang, sinabihan pa akong tanga. Kaya ayun. Tinadyakan ko.
-hayaan mo nalang yang mga ganyan. Umalis ka na lang.
-anong hayaan? Tama yun Zia. Wag kang papayag na tapakan nila ang pagkatao mo dapat lumaban ka
Sabat ni papa na mukang galing sa kusina.
-ayan! Kaya yumayabang yan si Franzia eh. Kinukunsinti mo pa.
Sabat naman ng kuya ko na kakababa lang galing kwarto.
-anong mayabang? Imbento ka.
-o bat hinde ba? Yabang mo kaya.
-ahh ganon.
Pinahid ko ng kamay ko ang pawis sa leeg ko at saka ipinunas sa kuya ko. Iritang irita naman si kuya kaya mas lalo ko pa syang bwiniset. Hanggang sa maghabulan na kami nadamay na din sila mama at papa.
Masaya ang pamilya ko. Pikon si mama at kuya franzell, kami naman ni papa ang mapangasar. Kaya nga siguro laging magkakampi si kuya at mama kase pareho sila ng ugali tapos kami naman ni papa ang magkasundo kase pareho kaming mapangasar at makulit..
-ma! Bakit nakaayos yung guess room may bisita ba tayo?
Tanong ni kuya franzell kinagabihan.
-ahh oo. Dadating ang Tita Eunice nyo, actually kaninang umaga pa sila nakarating kaso gagabihin daw kase may dadaanan pa.
-dito sila matutulog ma? Wala ba silang bahay dito?
-meron. Yung bahay Jan sa kabila na walang tao kanila yun, kaso hinde pa naayos kaya dito na muna sila
Yung bahay sa kapitbahay namin. Simula nung ipanganak ako hinde ko nakita na may nagtira dun. Ang sabi ni mama bestfriend nya daw yung nakatira dun na kahit kailan hinde ko naman nakita. This will be the first time. Nakapagasawa daw kase yun ng taga manila kaya duon na tumira at ngayon lang uli bumalik.
-hon. Bakit nga papa biglaan ata ang uwi nila?
Tanong ni papa na nanunuod ng tv. Sa tabi nya naman si kuya na naglalaro na naman sa cellphone nya.
-hinde ko din alam eh. Basra pagdating nila umayos kayo ha. Wag na muna kayo magkulitan
-oh narinig mo Zia magtago ka daw muna baka matakot yung bisita sayo hahaha!
Pangaasar ng kuya ko na abala parin sa pagmml nya. Nakuha pa talaga mangasar eh
-wala namang ganyang sinabi si mama eh. Imbento ka talaga
-wala naman talagang sinabi si mama kase ako yung nagsabi haha..
-ahh ganon.
Lalapit na sana ako para batukan sya pero pinigilan ako ni mama
-tama na nga yan. Kakasabi ko pa lang e.
Pagkasabi ni mama noon ay bigla namang may tumatawag sa labas.
-Francheska!
Pagtawag ng babae sa labas. Siguro ay ito na sila Tita Eunice.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Author 's note
Hi guys. Please support my stories thank you
Enjoy......
Follow me on
Twitter: @marianesuniega
Facebook: Mariane Gatchalian Suniega