Kabanata 8 - Pagtanggap

19 2 1
                                    

Kabanata 8 - Pagtanggap

"Nasan na kaya si Reg?" tanong ni Aliana sa kanyang sarili habang nag hihintay sa labas ng kanilang bahay.

Lumipas ang ilang oras at hindi pa umuuwi si Reg. Unti-unting binalot ng takot si Aliana sa pangambang may masamang nangyari kay Reg. Sumikat na ang bukang liwayway at hindi parin dumating si Reg.

"Keymi!!!  Wala pa si Reg," sambit ni Aliana kay Kyemi habang ginigising nya ito.

" Ahhhh! Ano? Di pa umuuwi si ate Reg?" bagong gising na sagot ni Kyemi.

Agad na tumayo si Kyemi at tinatawagan si Rhian upang mag tanong kung nasaan ang kanilang ate Reg. Ngunit hindi nila ito ma contact. Kitang-kita sa mga mata nila ang kaba at takot.

Cringg.........

Biglang tumawag si Rhian at agad naman itong sinagot ni Kyemi. Natulala at tila nang hihina si Kyemi sa kanyang na rinig gayundin si Aliana.

" hello?  Rhian?  Asan na ba si ate Reg?" bungand na tanong ni Kyemi kay Rhian.

" Kyemi! Kagabi ay sumali siya sa isang street fighting tapos naka rating siya sa championship round at ng mag simula na ang laban eh mayamaya ay may biglang ng tapon ng sleeping gas,  di na namin alam kung nasan si Reg kase nagka gulo na sa venue ng laban." pagpapaliwang ni Rhian sa kay Kyemi.

Dahil sa nangyari grabe ang pagaalala ng dalawang naiwan ni Reg na sina Kyemi at Aliana. Biglang pumatak at tuloy-tuloy ng bumohos ang luha ni Kyemi at sumunod din ang isa. Biglang niyakap ni Aliana si Keymi upang ito'y patahanin na sa pag iyak. Nangako si Aliana kay Kyemi na hahanapin nila si Reg ano man ang mangyari.

Dalawang buwan ng lumipas...

Hindi parin nila nahanap si Reg at tuluyan na silang nawalan ng pag-asa na mahahanap pa nila si Reg. Nag putoly sila sa kanilang pamumuhay. Mas naging doble ingat sila sa kanilang pamumuhay.

Naging mahirap ang takbo ng buhay nila matapos ng mawala si Reg. Hindi gaano kalaki ang nakukuha na pera ni Aliana sa panloloko ng tao gamit ang internet. Muntikan na nga siyang mabuking sa mga pulis dahil jan. Naging normal naman at nag tagal pa sa ganyang larangan si Aliana.

"Kyemi? Aalis na ako! Ikaw na bahala dito sa bahay ha?" sigaw ni Aliana habang papalabas na ng pinto.

Habang nag aabang ng masasakyan si Aliana papunta sa lugar ng pinagtatrabahuhan niya, eh may napansin siyang isang lalaking studyante na naka uniporme pa ito. Agad na kinompronta ito ni Aliana.

"Huy! Bakit ka laging naka tingin sakin?" tanong ni Aliana.

"Ahhh..  Sorry po!  Ehh kase." sagot ng lalaki.

" Anong ehh kase?" sigaw ni Aliana sa lalaki.

" Ikaw po ba yung babae na laging nag lalaro ng Dota 2 sa "Mel's 24/7 Computer Shop" ?" tanong naman ng Lalaki sa kanya.

" Oo..  Bakit? " bungad na sagot ni Aliana.

" Pwede po bang e sama ka namin sa laro mamaya? Meron po kasing tournament at  kulang kase kami ng isa .. Ahh wag napo kayung mag-alala sa registration fee kami na po bahala dun. " pagmamakaawang hiling ng lalaki kay Aliana.

Lingid sa kaalaman nila Reg at Kyemi si Aliana pala ay nag sa sideline din sa paglalaro ng Dota 2 na kahit papaano eh nakaka extra income naman siya.

" Ehh medjo busy ako ngayon! Pero try ko mamaya ha. " sagot ni Aliana.

Tumungo na si Aliana sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Isang building na mukhang natural lang sa labas ngunit ito'y binabantayan ng apat na guwardiya, pag pasok mo pa lamang sa loob ng building agad na bubungad ang tila call center na datingan. Ibat-ibang tao ang makikita mo sa loob na tila nakikipag usap sa computer. May limang palapag ang naturang building ang bawat palapag ay may naka lagay na sign kung ano ang trabaho doon at sino lang ang pwedeng pumasok doon. Sa unang palapag doon nag tatrabaho ang mga scammer na gumagamit ng boses upang makapang loko sa pangalawang palapag naman eh doon ang mga scammers na gumagamit ng mga pekeng accounts at ang pangatlo naman ay doon naka distilo ang mga magagaling sa bank hacking kasama na doon si Aliana. Sa pang apat at limang palapag doon na nag tatrabaho ang mga elite criminals doon sila nag paplano kung ano at saan sila susunod na mag nanakaw ng pera sa malalaking companya at bangko.

Kakatapos lang ng trabaho ni Aliana at muntik na niyang makalimutan ang kasunduan nila ng lalaki. Agad na nagtungo si Aliana sa lugar na gaganapin ang Dota 2 tournament. Di na halos mabilang ang dami ng mga taong naroon. Nagkita na ang lalaki at si Aliana at agad niya itong binigyan ng t-shirt ito daw ang uniform ng team nila.

"Asan na kaya yung lalaki? " paghahanap ni Aliana sa loob ng tournament.

"Pssstt!! Aliana? Ito pala ang t-shirt natin. " sabi ng lalaki habang papalapit kah Aliana.

"Uy sorry...  Na huli ba ako? Ay para sakin yan? " tanong ni Aliana sa lalaki.

" Hindi okay lang..  Hali kana tayo na ata ang susunod. " sagot ng lalaki kay Aliana.

Nag simula na ang tournament at tinawag na ang grupo nila Aliana laking gulat ng mga tao ng biglang may kunin siya sa loob ng kanyang bag yun pala ay ang kanyang sariling mouse, mouse pad, keyboard at headset.

Nag simula na ang laro at nag sipustahan na ang mga tao sa kung sino sa tingin nila ang ang mananalo.

Hindi makapaniwala ang mga tao sa galing ni Aliana, di nag tagal nanalo sila sa laro. Medjo malakilaki rin ang naging premyo nila (5,000) di na humingi ng parte si Aliana at nag aya na siyang umuwi na.

"Aliana salamat!  Ang galing mo talaga. " sambit ng lalaki habang nag lalakad na sila.

" Oo nga Aliana ang galing mo! " pahabol na sambit rin ng ka team nya sa laro.

" Ah salamat! Wala yun okay din kase di na ako masyado nakakalaro. " sagot ni Aliana sa kanila.

" Sige bro alis na kami! Salamat pala sa laro! " sabi ng iba nilang kasama.

Isa-isang umuwi ang mga kasama nila sa laro. Ang naiwan nalang ay si Aliana at ang lalaki sa paglalakad. Napansin ni Aliana ang pagka tisoy ng lalaki. Matangkad ito at maputi, medjo mapungay ang mga mata at ang ilong nito'y matangos. Nag uusap lang sila habang nag lalakad.

"Taga san ka pala Aliana? " tanong ng lalaki kay Aliana.

" Jan lang sa kabilang kanto bahay namin... Tika diko pa alam pangalan mo! " pagtataka ni Aliana sa lalaki.

"Ay sorry ako pala si JD." sagot ng lalaki.

" Hmmmm.. Bakit mo pala ako nakilala? " tanong ni Aliana kay JD.

"Kase matagal na kitang nakikita sa "Mel's 24/7 Computer Shop" gabi gabi ka kasing naroon, doon din kase ako dati nag lalaro. Kaso di na kita masyadong nakikita doon. " pagsasalaysay ni JD.

"Ah ganun ba?  Eh dati pa yun di na kase ako masyadong nag lalaro ng mawala ang ate ko. " mahinang sambit ni Aliana.

" Ha?  Ano ba ng yari sa ate mo?  " tanong ni JD kay Aliana.

" Bigla lang siyang nawala at di na umuwi ng bahay hanggang ngayon, wag na nating pagusapan yun. " malungkot na sagot ni Aliana.

"Sorry Aliana. Diko naman alam na ganun pala ang nangyari sa ate mo! " paghingi ng sorry ni DJ kay Aliana.

Sa paguusap nila Aliana at DJ eh biglang may tumawag kay Aliana. Si Kyemi pala yun at hinahanap na siya nito. Nag madali si Aliana sa pag alis at di na siya pormal na naka pagpaalam kay DJ.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Transforming Angels Into DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon