Subrang init ngayon sa Pilipinas!pano ba naman kasi summer na! Marami ng nagbabakasyon, at naliligo sa beach.Ramdam na ramdam ko ang init sa balat ko habang naglalakad ako papuntang school, di naman yun masyadong malayo kaya nilakad ko na at isa pa gusto kung magtipid may pera akong dala pero mas gusto ko talagang maglakad. May kotse kami (Audi Q3 SUV). gusto ni mama gamitin ko yun pero ayoko talaga, kahit na marunong akong mag drive dahil tinuruan ako non ni mama sabi ko sya na gagamit non para sa trabaho nya sa call center dahil kaya ko namang sumakay ng taxi, jeep o kahit nga maglakad ay kaya ko.May last requirement pa kasi akong ipapasa ngayon para mapermahan at ma-full na ang clearance ko at para makuha ko narin ang card ko.3rd year college ako,Tourism student.
well dream ko ever since maging Flight attendant, sabi ng ibang kakilala ko perfect lalo na yung height, speaking ko at beauty ko daw tss beauty? Asang part paki explain!Gusto nga nila sumali ako ng beauty pageants sa school or sa labas ng school dahil sayang nga daw ang beauty ko pero hindi ko gusto at bahala sila sa buhay nila!next na pasukan 4th year na ako hopefully maka graduate ako! Para naman sa ganon masuklian ko pagod at sakripisyo ni Mama sa akin, ako lang nag-iisang anak nya.Lumaki ako na walang kinikilalang Papa, nagka-isip nalang ay di ko parin alam kung sino ang Papa ko at ano ang pangalan nya, pero sa tuwing tinatanong ito kay Mama tanging sagot nya lang ay 'Hindi na importante yun anak,wala kang aasahan sa Papa mo dahil sanggol ka palang iniwan na nya tayo' yan ang palagi nyang sagot sakin hindi ko narin sya kinukulit dahil alam ko at ramdam ko na hanggang ngayon ay nalulungkot parin si Mama sa nangyari sa kanila ni Papa noon.
Sa gate palang ako ay bumati na agad mga kakilala at mga naging classmates ko nong 3rd year, medyo kunti nalang estudyante, ang iba ang advance nag bakasyon, ang iba naman busy sa mga requirements kagaya ko, pati narin ng kaibigan kung si Abby. Speaking of abby,
Nasan na ba ang babaeng yun? May usapan kami na sasamahan nya ako ngayon at sasamahan ko rin syang magpasa ng requirements. Pero wala! Hindi ko sya makita o maaninag man lang hayst kahit kailan yung babaeng yung pinaghihintay ako sa wala! Ayoko pa naman nang naghihintay ako mas gusto ko pang ako yung hintayin kaysa ako ang maghintay, ah basta!
Ti-next ko si Abby, bwesit yun pinaghihintay ako ang init init pa naman dito sa school baka mamaya umitim ako!ay naku ayoko no! Baka masira lang tong balat ko na alagang alaga ko simula bata.
"Ang init na! nasan na ba ang babaeng yun!" reklamo ko, bwesit ang init talaga at di ko na nakayanan kaya tinali ko muna ang buhok kung mahaba dahil di ko na talaga kaya! Naka bun na buhok ko ngayon, pero napatigil ako ng marinig ang boses ng lalaki na subrang pamilyar sakin. Nilingon ko ito at halos mapatalon ako sa gulat dahil nasa harapan ko ngayon si Lawrence! Ang campus crush na Lawrence ay kaharap ko ngayon
"Nice hair bun, looks good on you Mrs.Garcia"sabi nya na ikinagulat ko
Ngayon ko lang sya nakausap ng ganito yung as in kaming dalawa lang dahil maraming nagkakandarapa sa kanya at narinig ko playboy daw ito, guwapo sys pero hindi ko sya gusto at wala akong pakialam kung maraming nagkakagusto sa kanya! Ayoko sa tulad nyang mahilig mamilog ng ulo ng babaeng mabibiktima nya!manloloko at manggagamit kaya tinaasan ko sya ng kilay at napa crossed arms
"Kinakausap ako ni Lawrence Bautista? bago yun ah, Ano't nandito ang campus crush daw sabi nila?" sarcastic kung tanong
"So, it's true what they say. Masungit ka pala talaga, no wonder why walang nagkakagusto sayo dahil ganyan ka. Sayang ang ganda ganda mo pa naman" sabi pa nya na parang iniinis ako, di naman sya nabigo dahil uminit agad ulo ko sa sinabi nya. Oo wala pa ako nagiging boyfriend inshort NBSB ako never pa ako nagkaboyfriend nag 18 nalang ako wala pa rin akong boyfriend, may gustong manligaw pero ayaw ko eh ewan ko hindi ko sila type. 19 and yet still single.
BINABASA MO ANG
This time i'll love you much better
RomanceWhat if music will find a way for your paths to be crossed?