13

1.1K 41 1
                                    

13: Chichi

Anong oras na ng gabi kami natapos at hindi mawala ang saya ko dahil ang saya nilang kasama. Minsan kapag nagkakamali ako at nauutal natatawa lang sila sa akin at hindi ako napikon. Tinuruan din nila ako ng konting sign language para makausap ko si Alexis. Kahit kailan hindi ko kasi inaral ang pakikipag-usap gamit ang kamay at katawan.

Sabay sabay kaming lumabas ng building at nagpresenta sila na ihatid ako sa dorm. Ayoko nga sana eh kaso mapilit sila tapos doon din naman sila papunt kasi lahat naman dito halos ay sa dorm umuuwi.

Habang nasa bus kami, ay sobrang daldal pa rin nila maliban lang kay Alexis at sakin. Pero hindi ako nakakaramdam na out of place kami, pinipilit nga nila kaming tumawa ni Alexis kahit hindi nakakarinig si Alexis sa sinasabi nila ako naman hindi ko sila maintindihan.

Tawa namin at boses lang nila ang maririnig dito sa loob ng bus. Late na rin kasi ng gabi at kaunti nalang mga estudyanteng nandito sa bus. Pagkatigil ng bus ay agad kaming bumaba. Dahil gentlemen daw sila ay ako ang mauunang lumabas.

Pagkalabas ko palang ng bus ay halos mapasinghap ako sa gulat nong nakita ko si Edge na parang papatay ng tao ang mga titig. Napalunok ako kasi sakin lang siya nakatitig.  Lumakad siya bigla palapit sakin dahilan para tumigil ako sa paglalakad ganoon rin sila Rex na tumahimik rin sa pagtawa.

"Bakit ngayon ka lang?!" Pakiramdam ko ay nag-echo ang boses niya.

"Man chill kasama niya kami," sagot ni Rex kaya yung sama ng tingin ni Edge ay lumipat sa kanya tapos hinila ako bigla ni Edge palapit sa kanya.

"Punta na kaming Dorm Lea galingan mo bukas ah." huling sinabi ni Rex at nauna na silang lumakad palayo halata namang takot sila kay Edge. Napangiwi naman ako sa sakit dahil biglang pinisil ni Edge ang braso ko.

"San kayo galing? at ano gagawin mo bukas?" Hinahablot ko ang braso ko sa kanya pero mas humihigpit lang ang pagkahawak niya sa braso ko.

"Kung alam mo lang" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kung alam ko lang na ano?

"Si Chichi nilalagnat." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya tapos binitawan niya naman ako. Tumakbo ako papunta sa dorm nila, hindi ko pinansin ang guard at agad lang akong dumiretcho sa kwarto ni Edge.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko agad si chichi.

"Chichi!" sigaw ko, naglalaro lang naman pala siya at hindi naman siya mukhang may sakit. Napabuntong hininga ako tapos binuhat siya.

Kinabahan ako chichi.

Pagkatingin ko sa may pinto ay pumasok si Edge kaya sinamaan ko siya ng tingin pero inagaw niya bigla si Chichi sakin.

"Alam mo chichi umuwi yanh mama mo na maraming kasamang lalaki habang ikaw nag-aalala ka lumalandi lang pala mama mo." Napanganga ako sa sinabi niya, ako?! lumalandi?! Binatukan ko siya, hindi ako lumalandi! hindi ako marunong non! Napanguso ako sa sinabi niya at inagaw si chichi.

Wag kang makinig sa kanya chichi.

Inagaw niya ulit si Chichi kaya napairap ako. Masasaktan si chichi eh mabuti sana kung hindi siya maliit.

"Ang landi landi ng mama mo chichi tapos anong ras na umuuwi,"  sabi niya sabay tingin sakin at ngisi. Babatukan ko na sana siya nang umatras siya bigla. Lumapit ako sa kanya at inagaw si chichi pero bigla namang sumigaw si chichi.

"Sinasaktan mo ang baboy!" sigaw ni Edge at inirapan ko siya. Pinadede ka na ba chichi? Binaba ko si chichi at hinaplos haplos ang likuran niya.

"Anong ginawa niyo kanina ha?!" Napatingin ako kay Edge pero inirapan ko lang siya.

"Pinapagaral ka hindi ka pinapaglandi." Napabuntong hininga ako sa sinasabi niya. Ano bang landi?! hindi naman ah! Lumingon ako ulit sa kanya at napatigil ako kasi sobrang lapit na pala ang mukha niya sa mukha ko.

"Dapat ko ba ipagalala." Natulala ako sa sinabi niya at dahil na rin sa malapit ang mukha niya sa mukha ko. Hndi ako makahinga. Mabuti nalang ay umiwas siya at umupo sa gilid ng kama niya.

Tumayo ako at kinuha ang dede ni chichi sa may mesa. Binuhat ko si chichi at umupo ako sa gilid din ng kama niya. Napapangiti ako kasi baka siya rin ang nagtitimpla ng gatas ni chichi.

"Sana lahat dumedede ngayon." Natigilan naman ako sa sinabi ni Edge.
"Sana lahat pinapadede" dagdag pa niya, napakunot ang noo ko. Kaya hinugot ko muna kay chichi yung dede niya at inabot kay Edge. Baka kasi gusto niya.

"Tss." Inirapan niya ako at padabog na tumayo tapos dumiretcho siya sa computer niya. Maglalaro na naman. Itinuon ko naman ulit ang aking pansin kay chichi.

Alam mo ba chichi? sabi ko kay chuchu dati kakanta din ako sa stage balang araw...ngayon kakanta na talaha ako sa stage...pero natatakot ako chichi...paano kung mautal ako? paano kung pagtawanan ako?

Napatingin naman ako kay Edge, na palaging napapamura dahil sa laro niya napailing iling ako, inihiga ko ng maayos si chichi, kasi nakapikit na ang mga mata nito, anong oras na kasi. kailangan ko ng umuwi sa room namin ng makapagpalit at matulog na, kailangan ko pang mag ensayo bukas ng mag isa sa lyrics na binigay nila sakin. Tinapik ko si Edge sa balikat niya padabog naman siyang humarap sakin

"Al..ali-lis n-na a-ak-ako.." Ibalik lang niya ang atensyon sa computer.

"Binabantayan mo ako dapat diba?" Napahinto ako at napalingon sa kanya muli.

"Diba aral at bantayan, iyon lang dapat ginagawa mo dito?" Umiwas ako ng tingin. Kanina sa studio parang nakalimutan ko na may binabantayan ako, parang nakalimutan ko yung classes ko. Basta masaya lang ako habang kumakanta.Mas masaya kaysa sa pagpipinta.

"Pinayagan kita diba." Napatingin ako ulit sa kanya at naalala ko yung sinabayan ko siyang tumayo sa gitna ng field at umulan non.

"Mahigpit ako at maarte." oo tapos ang hirap hirap mo ding bantayan!

"Bakit mga lalaki kasama mo?" Tumayo siya bigla at lunakad palapit sakin, napapaatras naman ako kasi nakakatakot na naman siya.

"Ka..kas...kasi..na-nag-eh--"

"Pag malaman kong lumalandi landi ka lang dito sa University isusumbong kita kay tanda." agad akong umiling sa sinabi niya. Wala naman kasi akong nilalandi at hindi ko alam ang ibig sabihin niya na lumalandi ako.

"Tek..teka...ba..b-bat m-mo si-sina-b-bi n..n-na ma may la.-lag-nat s-si chichi!" eh pag dating ko dito wala naman diyang lagnat, maayos naman si chichi.

"Istupida ka kasi eh. May nilalagnat bang baboy!" meron ba? Hindi ko alam basta ang alam ko nagkakasakit rin sila. Nasasaktan.

Kinabahan kaya ako

J: Sorry sa walang kwentang update haha. Thank you for reading

Angel's VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon