Chap. 3: Mikaella's Work

316 9 0
                                    

Nagising si Mikaella dahil pumalakpak si Pamela...

         '' Nakatulala ka na naman...  Siguro iniisip mo na naman yung 100,000,000 milyon..??''

        '' *napakamot sa ulo* ang dami kong kailangang isipin....  Si papa, yung 100,000,000 milyon at mga grades ko na nanganganib na bumagsak...'' napabuntong-hininga si Mikaella

        '' Pagsubok lang yan friend...'' pag-aalo ni Pamela

Sa gitna ng usapan ng magkaibigan ay may limang babae ang tumigil sa gilid nila...  Taga-ibang school ang mga ito...

       '' Well, well, well marunong rin pala kayong pumunta sa library...'' sabi ng leader nilang si Denisse

        '' Syempre naman, mga estudyante kami...'' palaban na sagot ni Pamela

      '' Oppssie..! Oo nga pala, nakalimutan ko, mga estudyante nga pala kayo...  Sorry ha..akala kasi namin , wala nang high school na tatanggap sa mga grades nyong LOW...'' madiin ang pagkakabigkas ni Denisse sa low

        '' Buti nalang may tumanggap sa inyo pero LOW SCHOOL din...'' sabat ni Tiffany

       '' Remember, wala na silang library because pagkatapos bumagyo at liparin ang bubong ng library nila ay bigla nalang itong gumuho...'' natatawang sabi ni Annika

        '' How sad naman...'' sabi ni Denisse

       '' Eh...kayo???  Bakit kayo nandito???  Diba may library kayo..??" tanong ni Pamela

        '' Rine-renovate kasi yung library namin, nilalagyan ng aircon at pinapaganda para di matulad sa library nyong bulok...'' sabi ni Joanne

         '' Renovate???'' tanong ni Pamela

         '' Hindi mo alam kung ano ang renovate..??  Well renovate means inaayos...'' natatawang sabi ni Joanne

        '' Syempre alam ko yun...'' sagot ni Pamela

       '' Hindi halatang alam mo yun...'' sabi ni Joanne

       '' Aba...!!'' naiinis na si Pamela

       '' Pam...'' pigil ni Mikaella

       '' Akala ko kapag natapos na ang elementary eh...maghihiwalay na ang landas natin pero sinundan parin kami ng malas'' sabi ni Denisse

       '' Kasalanan ba naming magkalapit lang ang school natin....??'' sabi ni Pamela

      '' Hindi naman kaya lang, nakakapag pangit ng image  na ang high rank na school namin ay malapit sa low rank na school nyo...''

      '' Napunta na kayo sa low rank na school, doon pa sa lowest section...'' sabay tawanan ang limang babae

Biglang tumunog ang cellphone ni Denisse

      '' Hello...  Oh really??  Papunta na po kami...'' sabay patay sa cellphone

      '' Sige ha...  Alis na kami...  Dumating kasi yung Mayor sa school namin eh...kailangan daw ang mga stedent ng higher section, but don't worry next time kapag nagkita ulit tayo, lalaitin ulit namin kayo at ang school nyong ....

         ..BULOK....!!!!!!!!!'' asar ng limang babae

At isa-isa ng nagsilabasan ang limang bruhang babae...

      '' Ang sarap talagang bugbugin ang limang bruhang babae na yun... '' sabay hawak sa kamao si Pamela

    '' Hayaan mo na sila...''

Biglang lumabas ang tinderong crush ni Pmaela sa grocey store para magtapon ng basura...

        ''Pero kapag nakikita ko ang man of my dreams, nawawala ang galit ko...*ngiti* '' kilig na sabi Pamela sabay tingin sa labas ng library

Napabuntong-hinhinga nalang si Mikaella habang nakatingin sa kaibigan...

      '' *tumingin sa relo* paano ba yan, mag aalas-kwatro na pala...  Kailangan na ko sa palengke...'' sabay tayo si Mikaella

      '' Ako naman kailangan na sa Net Hauz...'' sabi naman ni Pamela

Lumabas na sila sa Library...

     '' Bye, wag masyadong maging obsessed sa pera...''

    '' Opo...!!!'' sagot ni Mikaella

Magkaibang kanto ang pinuntahan nila...

    Simula ng manahin ni Mikaella ang 100,000,000 milyon na utang ng mama niya ay naka schedule ang oras niya...

    Sa araw ng Monday, Wednesday, at Friday , pagdating 4:00 pm ay magtitinda na agad siya sa palengke...  Pagdating ng 7:00 pm ay nasa gasoline station naman siya...  Pagdating ng 9:00 ay uuwi na siya...

    Pagka Tuesday at Thursday...  Magkukunwari siyang papasok pero dederetso siya sa isang Fast food na pinagtatrabauhan niya at pagdating ng 7:00 pm ay sa gasoline station ulit siya...  Uuwi siya ng 9:00 pm...

     Walang kaalam-alam ang papa niya dito dahil 10:00 pm kung umuwi ang papa niya galing biyahe...

Editing: Dont Read...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon