CHAPTER TEN

1.2K 30 2
                                    

Nagising na si Kendra at agad naman siyang bumangon at naligo at nag suot ng uniforme, bago muna siya bumaba ng hagdan pumunta muna siya sa kwarto nilang dalawa pero ng pagtingin niya wala ito. Iniisip niya na baka hindi ito nakauwi kaya bumaba na siya sa salas at pumuntang kusina. Nakita niya ang kanilang yaya na busy sa pag hahanda ng pagkain.

"UhMm.. Manang Eda? Naka uwi po ba kagabi si Luxxe?." Pagtatanong niya

"Ay, ikaw pala yan iha. Ay hindi siya umuwi kagabi iha, sabi niya kasi saakin doon nalang siya matutulog sa condo niya." Napatingin lang siya sa matanda.

"G-ganon po ba?." Sabi niya na medyo nakaramdam ng nanghihinayang

"Oh sige na iha, kumain kana dahil ihahatid ka na ni Doli." Tumango lang siya at kumain.

Pagkatapos....

"Manang Eda aalis na po ako," paalam niya

"Oh sige ija, mag iingat ka."

Tumango lang siya at sumakay na sa loob ng sasakyan na nakaparada sa labas ng mansiyon. Buong biyahe siya natahimik hanggang sa dumating na sila sa ANGELE'S UNIVERSITY. Bumaba na agad siya .

"Manong Doli wag niyo na ho akong kunin dito mamaya. May pupuntahan lang po ako. Pakisabi kay Manang at Luxxe Salamat." Sabi niya sa kanilang driver

"Sige po mam." At umalis na ito.

Nang papasok na siya sa loob. Maraming mga estudyante ang nag aabang sa kanya. Kaya bigla siyang natakot kaya dali-dali siyang naglakad kahit nasa hallway pa siya rinig na rinig niya ang mga bulong bulongan.

"Paano kaya siya napili ni Luxxe,?."

"Oo nga, eh isang hamak na mahirap lang naman sila."

"Naku! Hindi ko yan aatrasan kahit asawa na siya ng Señiorito natin yang babae na yan!."

"Mark my word! I will not calling her Señorita like duh! Ano na siya sinuswerte?."

"Baka naman kinulam niya si Luxxe natin."

"Desperada!."

Kahit na rinig na rinig niya ang mga bulongan ng mga ito di siya nagpapadaig naglakad parin siya hanggang malampasan niya ang mga mapanghusga na mga bibig at titig ng mga estudyante sa kanya. Kahit masakit na mga salita binabalewala niya.

"Hey, what's going?." Nagulat siya ng may humawak sa magkabilang balikat niya at kilala niya ang boses na iyon.

"Wala." Naka yuko siya at alam niyang sa mga oras na ito aagos sa nga mata niya ang kanyang mga luha.

"No. You're not okay." Pamimilit sa kanya ni Kenneth.

"Sy-ngkit ... Can you just let me out? Kahit saan basta malayo lang dito." Sabi niya habang sunod sunod na umagos ang mga luha niya.

"Sure." Sabi nito at hinila na siya papalayo. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Kenneth pero ang alam niya sa likod ng buildings sila dumaan.

Naglakad sila ng hindi siya nakatingin kung ano ang nasa paligid nila, gusto niyang walang makitang mga tao at kahit na ano. Tumigil lang sila sa isang parang bahay Kubo na walang dingding at  ang nakikita niya doon ay ang malinaw na tubig, mga ibon na naghahabulan sa paglipad, at ang alam niya sobrang tahimik ng lugar na iyon.

*Click!*

Nagulat siya ng may nag flash sa kanya kaya nakasimangot niyang nilingon si Kenneth na kinunan siya ng litrato.

Marrying the BILLIONERS SON [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon