Prologue

8 0 0
                                    

Tiningnan ko ang hitsura sa salamin.


Suot ang isang white short-sleeved mini floral dress at puting rubber shoes, nagpaikot-ikot akong muli para masiguradong ito na nga talaga ang susuotin ko sa espesyal na araw na ito.


"Mila, ito? Ayos na ba 'to?" tanong ko sa anak ni Manang Salve—ang isa sa pinakamatagal nang kasambahay ng aming pamilya—na matalik kong kaibigan.


Humikab siya—senyales na umay na siya sa tanong ko.


Inip niya akong tiningnan at sumagot, "Alam mo Katarina, kahit anong suotin mo, bagay naman sa'yo! Sa ganda mong 'yan?! Saka ano ba, bes?! Pang-pitong  change outfit mo na 'yan! Bet mo yatang isukat lahat ng damit mo sa walk-in closet mo! Naku po! Aabutin tayo ng forever!"


Napakamot ako sa ulo at natawa na lang. Kanina pa kaming alas-otso ng umaga dito at alas-diyez na. Hindi ko namalayan ang oras sa kagustuhan kong mas maging maganda sa araw na ito para sa kanya.


Sa huling pagkakataon, tiningnan kong muli ang sarili sa salamin at napagdesisyunang ito na ang isusuot. Humarap ako kay Mila at sinabing, "Okay! Ito na!" at binigyan siya ng matamis na ngiti.


Bumuntong-hininga siya at napa-"Thank God!" na lamang.


"Ayusin na natin 'yang buhok mo nang matapos na tayo at makakain na ako," wika niya at pumunta na sa dressing table. Sumunod naman ako sa kanya at umupo.


Tiningnan ko siya sa salamin habang sinusuklay niya ang maalon at kulay tsokolate kong buhok na abot hanggang baywang at pinuna siya, "Eh, kakakain mo lang kanina, ah. Gutom ka na naman?"


Tinaasan niya ako ng kilay at nagsalita, "Bes, masarap kumain. Sabi nga nila sa Facebook, 'Food is life' kaya kinacareer ko."


Tumawa ako sa sinabi niya. Isa sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan ay dahil sa pagiging komedyante niya. She delivers the best punchlines at the right time kaya naman, tuwing ako'y nalulungkot, napapalitan agad ng saya dahil sa kanya.


"Ano ba kasing oras ang date niyo ni Tonyo, ha?"  tanong niya.


"Pagkatapos nito, aalis na ako. Alam mo na ang gagawin, ha? Thank you! The best ka talaga!" 


Hindi alam ng mga magulang ko na may nobyo na ako. Sa edad kong 15, ayos lang naman sa kanila na magkaroon na ako ng boyfriend. Sa katunayan, kung sinu-sino ang ipinapakilala sa akin ng Mommy kaso nga lang, wala sa kanila ang napupusuan ko because little did they know, my heart is already taken by someone.


Narinig ko siyang bumuntong hininga pagkatapos itirintas ang buhok ko at tiningnan ako sa salamin. "Ako ang nahihirapan sa sitwasyon mo, Kat. Hindi ko na alam kung anong alibi ang sasabihin ko sa parents mo, girl. Magaling akong magsinungaling, ha? Pero kahit pala ang pinakamagaling na sinungaling, nauubusan din."


Hinarap ko siya at hinawakan ang mga kamay.


"Sasabihin ko rin sa kanila, Mila. Naghahanap lang ako ng perfect timing. For now, please bear with me? Babawi ako sa'yo pagkatapos ng lahat ng ito, I promise," I told her sweetly.


She rolled her eyes as a sign of defeat. "Ano pa nga bang magagawa ko? Kundi lang kita mahal at kundi mo lang ako bibigyan ng iPhone, 'di kita pagtatakpan, eh."


Napatili ako at niyakap siya ng mahigpit at nagpasalamat ng lubusan.


Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung hanggang kailan ko kayang itago ang relasyon namin ni Tonyo pero alam ko sa sarili ko na kapag nalaman nila ang tungkol dito, they'll ask me to break up with him at ayokong mangyari 'yon.


The love I have for him is already far too deep. Ang pagmamahal na binibigay niya ay hindi ko pa kailan naramdaman kahit kanino kahit na sa mga magulang ko.


At kahit na bata pa lamang ako, alam ko na siya lang ang tanging lalaking mamahalin ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon