CHAPTER THIRTEEN

1.3K 46 0
                                    

KENDRA POV:

Nasa loob na ako ng kwarto ko, naglalaro parin sa isipan ko ang mga salitang binitawan ni Kenneth sakin .. nakita niya ba talaga si Luxxe at si Nathalie?

He's with Nathalie ....

He's with Nathalie ....

He's with Nathalie ....

He's with Nathalie ...

Argh!!! tigilan niyo na ako! wala naman akong pakialam sa lalaking yon! isa pa hindi namin gusto ang isa't isa! alam na alam ko namang si Nathalie parin ang pipiliin niya kahit na kasal na kami ...

Humiga nalang ako sa kama ko at sinubukan kong pumikit pero ang mukha ni Luxxe at ni Nathalie ang nakikita ko .. kaya bumangon nalang ako at nagbihis na ng pambahay,  pupunta ako ngayon sa mini library magbabasa nalang ako ...

Kaya nagbihis na ako, papalabas na sana ako sa kwarto ko ng may tumawag SA phone ko ..

_Kenneth_Sea :) calling .....

Dali dali ko itong sinagot ....

"Hello Kenneth?." sagot ko

"Hi Kendi, uhmm .. are you free?." pagtatanong niya ano nanaman kayang trip nito?

"Oo free ako at bakit mo natanong?."

"Can we go out? sa plaza lang malapit sa bahay niyo, wala kasi akong kausap eh.. nabobored ako eh.. okay lang ba?."

Pinag iisipan ko pa ang sagot ko, wala naman sigurong masama kong makikipag usap ako ni Kenneth diba? and besides wala naman din palang pakialam si Luxxe .. atsaka chance ko na to para mapalapit kami ni Kenneth sa isa't isa ..

You know getting to know each other as friend :)

"Sure." sagot ko

"Yes! pupuntahan Kita dyan ah?."

"Sige hihintayin kita."

Nang matapos na kaming mag usap, pumili agad ako ng ibang damit, isang light blue off shoulder na above the knee ang sinuot ko .. at nagpo-ponytail ako nag pulbo ako at nag liptint .. pagkatapos tiningnan ko for the last ang sarili ko sa salamin..

Mukhang tao na ata ako? HAHAHHA ...

lumabas na ako sa kwarto at pababa na ako sa hagdan, ng nasa salas na ako nakita ko rin ang papasok na si Luxxe, nagulat pa ako dahil nakita ko siya .. andito na ang magaling kong asawa .. imbis na sa kanya ako magpapaalam kay Manang Eda nalang ako nagpapaalam ..

"Manang?. aalis na muna ako." Sabi ko Kay manang na nasa sala,

"Where are you going?." pagtatanong ni Luxxe habang papalapit siya sakin, tinitigan niya ako from head to foot .. "bakit Ka nakabihis ng ganyan? saan ka pupunta Kendra?." pag uulit niyang tanong,

Wala akong balak na sagutin siya kaya dumiritso na ako sa paglalakad palabas pero hinawakan niya ako,

???????????

"Tinatanong kita." seryoso niyang tanong,

Pero Hindi parin ako sumagot...

"Ano? ayaw mo parin akong sagutin?."

Kinalas ko ang pagkakahawak niya saakin at humarap ko siya,

"Walang pakialamanan Luxxe remember?." Sabi ko

Marrying the BILLIONERS SON [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon