Kabanata 21

1.1K 49 2
                                    

Samantha's POV

Mabilis akong bumalik sa unit na pinatirhan sa akin ng lalaking minsan naging akin.

Kanina pa ako iyak ng iyak!. Grabe namang pasakit 'to. After kay Rain, yung totoo ko na naman daw na pamilya?

Why life is so cruel? Masaya na ako na nag-iisa, ba't andaming asungot na biglang susulpot sa buhay ko?

Wala naman akong problema eh, maliban lang sa mga expenses ko. Kuntento na ako sa buhay ko, kuntento na ako na mag-isa lang sa buhay. Pero bakit kung kailan nakasanayan ko ng mag-isa, ay may mga taong dumating para saktan at bwisitin ako?

Kaagad kong kinuha ang box na iniwan sa akin ng mga magulang ko, kasi nandun daw ang susi para makita at makilala ko ang tunay na mga magulang ko. Ilang taon ko na 'tong dala-dala pero ni minsan ay hindi ko naisipang buksan, sa kadahilanang ayaw ko ng makilala ang totoong pamilya ko dahil kuntento na ako na wala sila.

May nakita akong mga pictures ko roon, may sobre na may lamang pera? Bakit may pera?

May pictures ako nung baby pa na kasama ang parents ni Kelvin, meron din kila nanay at tatay.

Meron ding picture na kasama ko ang isang batang lalaki, malamang si Kelvin.

May nakita din akong sulat. Kaya kaagad ko itong binuksan.

To my Ashley,

My princess, my lovely daughter, I love you so much baby. Mahal na mahal ka ni mommy, pero kailangan kong gawin 'to para mailigtas kita sa kasakiman ng lolo mo. Daddy, mommy and Kelvin loves you so much my sweetheart. Hindi man kita makasama sa paglaki mo, pero mananatili ka sa puso namin anak. Balikan kita sa tamang panahon at pagkakataon. Mahal na mahal ka namin ng daddy. Mag-iingat ka palagi ha. Hanapin mo ang mommy please..

Love,
Mommy Sophia.

Biglang sumikip ng dibdib ko sa nabasang sulat. Kaya hindi ko na rin napigilan ang hikbi ko.

Sunod kong binuksan ang sobre na may naglalaman ng pera. May sulat din doon na kasama. Kaya binasa ko.

Dear Edith,

Kasama ng sulat na ito ang pera para sa anak ko at sa inyo. Malaking pasasalamat ko dahil sa pagkupkop nyo sa anak ko. Ingatan nyo ang prinsesa namin ha."

Sincerely,

Sophia.

Binuksan ko rin ang sulat nila tatay para ss akin habang wala paring tigil sa pag-agos ang mga luha ko.

Samantha,

Patawarin mo kami anak kung dinala ka namin ditong Maynila. Napamahal ka na sa amin, kaya ayaw namin na kunin ka sa amin ng totoong mga magulang mo anak. Pasensya na. Andyan ang lahat ng pera na pinadala ng nanay mo para pang suporta sayo. Halos araw-araw ka nyang kinakamusta, mahal na mahal ka ng totoong magulang mo. Sana mapatawad mo kami anak.

Nagmamahal,

Nanay at Tatay..

Ganun nalang ang hagulhol ko. All this time, hindi pala ako pinabayaan ng totoo kong magulang.

Ano bang kasalanan ko sa lolo ko at kinailangan akong ipamigay ng mga magulang ko?

Bakit ba nangyayari sa akin 'to? My God! Bakit ako pa?

Mabilis kong kinuha ang bag ko at lumabas ng unit. Tinawagan ko si Kelvin.

"Sam."

"Can we talk?"

"Sure. San ka ba ngayon?"

Sinabi ko sa kanya kung nasaan ako at wala pang sampung minuto ay dumating sya.

I hugged him.. Nagulat pa sya pero kaagad naman nya akong niyakap pabalik. I cried hard.

"Shhh! Tahan na.."

Kaagad kong pinahid ang luha ko at bumitaw sa kanya. Tiningnan nya ako at kaagad na hinalikan sa noo at niyakap ulit.

"I missed you sis.."

"Kapatid ba talaga kita?"saad ko sabay bitaw sa yakap nya.

Kaagad naman siyang tumango.

"Eh, bakit ang pangit mo?"

"Pangit ka din kasi magkambal tayo." aniya na nakasimangot kaya napatawa ako at kaagad na yumakap sa kanya.

Umupo kami sa may bench doon at sinabi ko sa kanya na nabasa ko ang mga sulat ni Ma'am Sophia sa akin nung iniwan nya ako sa nagkupkop sa akin.

"Uwi na tayo sa bahay.." aniya.

Umiling ako.

"Bakit?"

"Nahihiya ako sa parents mo.."

"Correction, parents natin. Ba't ka naman mahihiya?"

"You know kanina sa hospital.."nakatungong saad ko.

He tap my head. Parang aso lang..

"It's okay.. we understand 'kay?"

I decided to go with Kelvin para makita ko kung anong klaseng pamumuhay meron sana dapat ako.

We rode his Porsche 718 Cayman going to their house. Sasakyan palang ni Kelvin, mayaman na. Porsche Cayman? Oh my, kahit gulong siguro diko ma-afford!

Gulat ang mukha ng mga parents ni Kelvin or shall I say, parents namin nang makita ako kasama ni Kelvin.

"Hug mo na si mommy.." saad ni Kelvin. Bwisit! Kita nyng kinakabahan ako..

Inapakan ko ang paa nya kaya napahiyaw sya sa sakit. Kaagad namang lumapit yung mga magulang ni Kelvin slash magulang ko rin nag-alala bakit napahiyaw si Kelvin.

"Mommy, sino bang unang lumabas sa aming dalawa? Di ba ako? Ako ang kuya dapat eh, pero parang minomolistiya ako ng bunso nyo?"

Napangiting yinakap ako ng mga magulang ko. Pero I didn't hug them back.

Shall I forgive them? Wala naman sigurong rason para hindi ko sila patawarin diba? The letter already explained everything.

Isa lang kasi ang natutunan ko sa kinalakhan kong magulang is not to hold a grudge against your brethren. For Pete's sake they're my parents.

I sighed at niyakap pabalik ang nanay ko.

"Am I welcome here??" tanong ko.

They laughed at niyakap ako. Okay GROUP HUG. Pero inapakan ko si Kelvin.

"Awww.. shoot ang ingrown ko! Samantha!"

Napatawa nalang si ma'am Sophia at sir Ralph sa akin.

Okay, I didn't called them mom and dad kasi it's still awkward. Di ako sanay juskopo Lord!

"Welcome back our princess!" saad ni Kelvin. Napatango naman sila Ma'am Sophia at sir Ralph.

"Welcome baby.." saad ni sir Ralph.

"Welcome back sweetheart.."si ma'am Sophia.

Ookkkaayy mas lalong nadagdagan ang awkward feeling na nararamdaman ko.

They hugged me again, and I've hug them back. Well, nanibago parin ako. Di ko alam kung anong pwede kong maramdaman, kung matuwa ba ako or ano.

"Sorry po kanina doon sa hospital.." nakatungong saad ko.

My mom lifted my chin. Nakangiti syang nakatitig sa akin.

"I understand sweetheart. Kami ni Daddy, naintindihan namin. And we're sorry sa lahat.. Sorry anak." aniya na tumutulo ang mga luha.

Okay, napatawad ko na sila. And I decided to live here. Maybe living with your family would be fun. Yeah. Maybe?

A/N

Two updates muna 😄. Drain na ako. Bukas naman or ff day if may maisipan akong maidagdag sa story na 'to.

Keep safe everyone! GBUS! 😘

Hundred Days With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon