M.U ( One Shot )

324 3 1
                                    

“Bheb, walang tao sa bahay maya (;” sabay ngumiti ng nakakaloko si Edgar.

          “So ano? Game tayo?” nagets ko agad yung ibig sabihin ni Edgar.

          “Oo naman, sabik na sabik na ako sayo eh.” sabay smack sa akin at umalis na.

          Psh, lagi naman kasing ganun eh, pag walang tao sa bahay nila/namin eh..

          NAGMIMILAGRO kame..

          Nga pala, ako si Divine (: 19 y/o 3rd year BSHRM student. Si Edgar? kaklase ko yun since high school. Anong relasyon namin? M.U ..

          Oo, M.U. as in ..

          MAHALAY na UGNAYAN :D

          hahahaha, oo, tama ang iniisip nyo. Puro KAHALAYAN lang ang namamagitan sa amin ni Edgar. At oo, tama ulet kayo, since high school, magka-M.U. na kame.

          Siguro ang baba na ng tingin nyo sa akin ngayun. Di ko naman kasi kayo masisisi eh. Pero, hindi naman ako ganun sa ibang lalaki. KAY EDGAR LANG.

          Eh kasi naman, mahal ko yung MANYAK na yun. Masyado kasi syang mabait sakin eh, yun tuloy, nahulog ako sa kanya.

          Eh ang kaso, ALLERGY sa commitment yung gagong yun. NGSB nga yun eh. Ayaw nya daw kasi ma-inlove. Masakit daw kasi magmahal.

          Kaya eto, kahit nasasaktan ako kasi hanggang “kama” lang yung relasyon namin, ok na ako dun. Atleast nakakasama ko yung taong mahal ko di ba?

          After 6 months..

          Nagising na lang akong sobrang sakit ng ulo ko at suka ako ng suka. Dumating na nga ang araw na kinakatakutan ko.

          Psh, isang gai kasi, sa sobrang  excitement namin eh nakalimutan naming gumamit ng proteksyon. Eh malay ko bang makakabuo pala kami ng dahil sa isang beses lang na sablay na yun.

       “Edgar *sniff*, anong gagawin *sniff* natin?” umiiyak na ako.

          Sinabi ko na kay Edgar ang lahat ngayon. Natatakot ako sa isasagot nya :/

          “Divine, ipalaglag mo na yan hangga’t maaga pa” malamig nyang sabi sakin.

          “P-pe-pero *sniff* b-ba-bakit *sniff*?” humihikbi na ako. Ang sakit nung sinabi nya :’c

          “Anong bakit Divine? Alam mo namang ayaw ko ng responsibilidad di ba? Atsaka panu natin bubuhayin yang batang yan? Parehas pa tayong bata. Mag-isip ka nga.”

          Hindi na ako hinintay makasagot ni Edgar, iniwan na nya ako :c

          Simula ng araw na yun, di na kami nagkausap ni Edgar. Iniwasan nya ako at ganun din naman ako sa kanya.

          Ipinagpatuloy ko ang pagbubuntis ko. Nagalit sila mama ng malaman nila pero sinuportahan naman nila ako, hindi na nila itinanong kung sinong ama. At kahit itanong man nila, wala akong balak ipaalam sa kanila.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

A/N :  kamusta yung story? naisip ko lang yan bigla nung marinig ko yung term na “MAHALAY na UGNAYAN” habang nanunuod ako ng MOON EMBRACING THE SUN (:

COMMENT/VOTE po (:

M.U ( One Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon