Prologue

33 8 0
                                    

Kasalukuyan akong nakahiga at nakatitig sa madilim na kalangitan. Gabi na ngunit may konting liwanag pa rin na nang gagaling sa buwan. Bigla akong napangiwi ng makaramdam ng sakit mula sa likod ko.

Hindi ko akalain na ganon kalakas ang impact ng isang meteor na tumama sa Tenor Island, hindi ko rin maramdaman ang kalahati ng katawan ko.

"Aray!, Shit!!!" agad na gumalaw ang aking ulo para hanapin kung saan galing ang ingay na iyon. Napahinto ako ng makita ang isang babae na
Nakahiga katabi ng malaking puno.

May ilang pang mga sanga ng puno na nasa katawan niya at may mga galos din ito. Kahit sobrang sakit ng katawan ko pinilit kong bumangon at tinukod ang dalawang kamay para makaupo ng ayos at sumandal sa puno. Nilibot ko muli ang aking mga mata upang makita kung nasaan ang iba kong kaibigan.

Kagaya ko nakahiga rin sila at nagrereklamo ng sakit sa katawan .
Nakita ko ang malalim na pag hinga nito bago mag salita.

Hindi ba!!!! sabi ko sa inyo! huwag na tayo tumuloy rito!, nakakainis kayo!, ayoko rito. Ang lagkit-lagkit ng putik at ang daming lamok, idagdag mo pa ang sugat sa maganda kong braso at hita!!! mahabang saad ni Agie.

Papatayin talaga kita kambal! bwiset!, Hindi na ako mag papa uto sa Dunkin' Donuts na offer mo!, sabi ko na una palang hindi na maganda ang pakiramdam ko sa kabaliwan na plano ninyo! dagdag pa niya.

Imbes na matakot kami , lahat kami ay kanyanan tawanan dahil sa kambal niya na panay angal.

Anong nakakatawa?? Hindi ko alam pero parang nababaliw na kayong lahat. Sino ba naman na baliw ang nakaisip na pumunta rito ei alam ninyo na rito tatama ang meteor tapos kailangan eksakto rin tayo pupunta. Mahabang angal ni Agie.

"Tayo!" sabay-sabay nilang sabi.

Bakit nga ulit tayo pumunta rito? tanong niya.

Kas— hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita ang liwanag sa hindi kalayuan sa puwesto namin.
Inangat ko ang aking ulo upang makita kung ano iyon, hindi pa naman umaga ngayon pero nakapagtataka kung saan galing ang liwanag na iyon.

Sobrang liwanag nito na parang bang may nag bukas ng ilaw sa madilim na kalangitan ngunit kulay asul ito.

Nilibot ko muli ang aking mga mata para hanapin kung saan nagmumula ang liwanag na kulay asul.

Napagtanto ko na nagmumula pala sa Meteor ang liwanag na kulay asul. Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata upang makita ito ng ayos.

Inangat ko ang kanang kamay ko na kapantay sa kilay at nagmasid sa paligid. Ginawa ko ito upang hindi masyadong masilaw sa liwang na nanggagaling sa Meteor.

May tao? sino yun? sabi sa akin ng babaeng katabi ko. Agad ako napalingon sa kanan na direksyon para tignan kung sino ang tinutukoy niya.

Ha? Ano—, may tao nga! niliitan ko ang mga mata ko at tinignan mabuti kung sino iyon, base sa postura ng panganagatawan nito ay lalaki ito dahil may mga muscle ito sa katawan at malaki ang balikat nito.

Napakunot noo naman ako nang unti-unti ko maaninag ang mga mukha nila.

Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang mga itsura nila hindi ko mapagtanto kung tao ba sila o hindi pero masasabi ko na hindi sila tao dahil sa kakaibang wangis nila bigla tuloy ako nakaramdam ng takot at panginginig ng katawan ko.

Hindi yan tao!, sigaw ko sa kanila.
May sungay ito na ka hugis ng kambing, punong-puno din ng balahibo ang katawan nito at naka shades din ito.

Nakasuot din ito ng pormal na kasuotan at ito ay Tuxedo outfit sa loob ng coat na suot niya ay may long sleeve na kulay puti, ang pang pants naman nito ay kulay black at ang sapatos niya ay kulay puti.

Naglakad ito papalapit sa amin, hindi ko na alintana ang sakit ng katawan ko. Agad na lumapit ako sa katabi kong babae at tinulungan makatayo.

Umalis na tayo rito!, sigaw ko sa kanila nang maka ayos ng tayo ang mga kasama ko ay ihahakbang ko na sana ang kanan paa ko ng bigla akong humito sa pag galaw.

Hindi ko maigalaw ang Bibig ko para makapag salita. Maski ang paa na dapat na ihahakbang ko ay nakatigil sa ere.

Pinilit ko igalaw ang ibang parte ng katawan ko ngunit tanging mata ko lang naigagalaw ko. Nakarinig ako ng yabag na papalapit sa amin. Ramdam ko na nasa likod ko na ang mukhang kambing na tao na 'yon.

May narinig akong Ballpen na di-click. Dalawang beses niyang pinidot ito. Tick! Tick!. Maya-maya ay bigla na lang kami nakagalaw ang kaninang nasa ere kong paa ay lumanding na sa lupa. Agad ako tumingin sa mga kasamahan ko.

Tumakbo na kayo!! Sabay tulak sa mga taong kambing ngunit hindi ko ito matulak. Parang tumutulak ako sa pader dahil hindi ko man lang sila napagalaw sa puwesto nila.

Sino ba kayo? lakas loob na tanong ko, bumwelo ako at akmang susuntukin ang isang taong kambing nalalapit sa amin pero nagulat ako ng bigla itong nawala sa harapan ko.

Nagulat na lang ako na nasa likod ko na siya. Lilingon pa lang sana ako pero pumulupot na agad ang mga braso niya sa ulo ko.

Hindi ako makagalaw dahil hineadlock niya ako at biglang may naramadaman akong bagay na tumusok sa leeg ko.

Pagkatapos nun ay bigla na lang ako nawalan ng balanse at tumumba.

Unti-unti bumibigat ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na ako mawalan ng malay.

Started Writing - April 2, 2020
End -

METEORITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon