CHAPTER 70 *Alright Moo, My One and Only*

73 5 1
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Napakatagal na po mula noong huling update, at muli, ay nagbabalik po tayo :) Salamat sa inyong naging pagsuporta sa istoryang ito. Ilang Chapters nalang po ang nalalabi bago ito matapos, at nawa'y samahan pa rin po ninyo sina Renzel at Demi hanggang sa wakas ng istorya nila. <3

Dedicated to: 

-------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 70 *Alright Moo, My One and Only*

Demi Xeira

Magdadalawang buwan na ang nakalipas, mula noong araw na sinagot ko si Renzel. Halos dalawang buwan na din ang lumipas, na pinuno niya ng pagmamahal ang buhay ko.

Yung pagiging sweet at caring niya, mula pa noon, hanggang ngayon hindi nagbago.

Naalala ko pa noon, sabi ko, "Ano kaya ang feeling na maging girlfriend ni Renzel?" pero, sa huli, ako din naman pala ang makakasagot sa sarili kong katanungan.

Since 4th year na kami, the Senior Year. Nakapagtake na din kami ng mga university exams. Balak ni Renzel na mag-Lawyer, kaya naman gusto niyang mag-Legal Management muna bilang Pre-Law course niya.

Ako naman, itutuloy ko naman ang pangarap kong maging Teacher. I always love teaching, mula pa noong bata ako, kaya siguro hanggang ngayon, gusto ko pa rin yung matupad.

"Ang lalim naman ng iniisip mo, mahal ko" sulpot naman ni Renzel sa tabi ko.

Nasa school kami ngayon, dahil ngayon na ginaganap ang Year-End Party namin.

Napakunot noo naman ako sa kaniya,

"Ang dami mo namang tawag sa akin, merong Baby, merong Babe, meron ding Moo, tapos ngayon mahal ko naman." natatawang sabi ko.

Natawa naman siya dahil sa sinabi ko, at biglang yumakap sa akin.

"Ayaw mo kasi nung Baby, ayaw mo din nung Babe. Ayaw mo ba talaga nung Moo? My One and Only?" sabi naman nito, habang itinataas-taas ang dalawang kilay niya sa akin.

Napailing nalang din naman ako sa kaniya.

"Alright Moo, My One and Only" nakangiting tugon ko naman sa kaniya.

Inabot naman niya ang kamay ko, saka inilapit ito sa labi niya. Hinalikan niya ito, kaya naman namula ako sa kinatatayuan ko ngayon.

"Nako, namumula ka na naman. Di ka pa nasanay sa ka-sweetan ni Renzel" sabi ng papalapit na si Janine, sabay abot sa akin nung cake na kinuha niya mula sa table.

"Thank you, Janine" pagpapasalamat ko.

"Tutuloy ba tayo mamaya?" tanong niya sakin, at nakasubo naman sa bibig niya ang kutsara na may cake.

Ay, oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. May plano nga pala kaming magkakaibigan ngayon na magcelebrate ng Year-End Party sa bahay. Sana di nakalimutan ni Kuya Brandon.

"Oo, sana lang di nakalimutan ni Kuya Brandon" tugon ko kay Janine.

Lumapit naman sa amin si Jake, habang ngumunguya din ng cake.

"Nagseset-up na yun" sabi niya, sabay pakita sa amin nung cellphone niya, na may text ni Kuya Brandon.

"Good, akala ko nakalimutan ni Kuya. Ready na ba mga regalo niyo?" nakangiting tanong ko sa kanila.

Mabilis namang lumapit sina Jayme at Jeniel sa amin.

"Kagabi pa ready. Can't wait to celebrate our first year-end party as close friends" nakangiting sagot ni Jayme, at yumakap kay Jeniel.

I'm Lucky I'm In Love with my Best friend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon