Thirdwheel for Hire

23 6 16
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely concidental.

--------

Steffi Arevalo

Posted 10 mins. ago

Adbans hapi balentayms! OH SA MAY JOWA DIYAN, BASAHIN MO 'TONG STATUS KO DAHIL BAKA ITO NA ANG SAGOT SA PROBLEMA MO.

Thirdwheel for Hire

Package 1 (1,000 php):

-photographer

-taga 'sana all'

-pwedeng utusan, taga-hawak ng bulaklak, etc

-good for 3 hours

Package 2 (2,500 php):

-lahat ng nasa package 1 +

-same day edit ng date niyo para may pahabol surprise kay bebe

-good for 5 hours

Package 3 (4,000 php):

-package 1&2 +

-sagot ko na background music niyo (guitar, ukulele, violin, keyboard.. pili lang!)

-scrapbook na laman ang lahat ng pictures niyo sa date

-good for 8 hours

PM IS THE KEY!

--

"Ate!!"

Potek ang ingay ng kapatid ko, kay aga-aga eh. Kung makasigaw akala mo napakalaki ng bahay namin at hindi magkarinigan.

"Ano?!" Balik na sigaw ko sa kanya.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko kung saan bumungad naman si Sofie, 'yong kapatid ko.

"Bakit ba? Nambubulabog ka na naman ng kapitbahay diyan," sabi ko sa kanya.

"Mamalengke ka raw sabi ni mama!"

Aba, ako na nga namalengke noong isang araw, ako na naman ngayon. Layo-layo ng palengke dito eh. Kapagod.

"Ikaw na lang!" sigaw ko sa kanya sabay balik sa pagkakahiga. 

Tutulog muna ako. 7 am na, gising pa rin ako. Kaadik kasi 'yong kdrama na pinapanood ko. Ang pogi ba naman ni Rowoon.

Akala ko hindi ako titigilan ng kapatid ko pero buti na lang at sinara niya na ulit 'yong pinto. Hay salamat. Tahimik na buhay.

Payapa na akong makakatul‐--

"Aray!" 

Napabangon ako bigla dahil may humampas sa akin. Pagtingin ko, may hawak na tsinelas nanay ko. Asar naman.

"Hoy mahal na reyna. Bumangon ka diyan at mamalengke. Palamunin ka na nga dito sa bahay, batugan ka pa. Aba, hindi mo ako pinapasweldo. Subukan mong lumabas at maghanap ng trabaho! Kilos-kilos din!"

Ang nanay ko naging rapper na naman. Galit na galit, gustong manakit?

Dahil nanay ko na ang katapat ko, wala akong choice kundi sumunod. Hirap na, mapalayas ako dito sa amin. Wala pa naman akong pera.

Hindi ko naman ginusto mawalan ng trabaho. Nakakahiya mang aminin pero isa ako sa mga dahilan kung bakit mataas ang unemployment rate sa bansa. Pero ginagawan ko naman ng paraan!

Kaya nga lahat ng raket na pwedeng gawin, papatusin ko eh. Basta marangal na trabaho, g lang!

Nielle Briones:

Thirdwheel for Hire (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon