14: Stare
Saturday 6 pm tapos 7 pm ang performance night at pang anim kaming magpeperform, andito ako ngayon sa kwarto ni Edge nilalaro si Chichi, pinapasok lang naman ako ng guard parang nasasanay nalang siya sa akin. Hindi ko alam kung kapag malaman ito ng Presidente. Baka sabihin talaga ng iba ang landi landi ko o pokpok kasi nasa loob ako ng dormitoryo ng mga lalaki
"Hindi ka sasama?" Napatingin ako kay Edge, tinaasan ko siya ng kilay at saan naman siya pupunta ngayon?
"May performance night ngayon. hindi mo alam? tuwing sabado hindi ka pa ba oriented?" Napailing-iling ako, hindi ako nakasali sa school orientation late na ako nakapasok eh. Pero alam kong may Performance night at nanonood pala siya?
"Idala natin si chichi." Npalunok ako dahil hindi pa niya alam. Sabi kasi ni Rex magkita kami sa studio ng 5 pm, tapos kagabi practice ako ng practice, tapos nong gumising ako kanta ng kanta ako sa cr namin sa room. Pero kinakabahan pa rin ako kaya nagdadalawang isip pa ako kung tutuloy ba ako o hindi.
"Hi-hin-hin-di ak-ako sa-sa-sama." Nagsalubong naman ang mga kilay niya pagkatapos kong sabihin iyon at binuhat niya si chichi.
"Bakit naman mute?"
"Magugustuhan mo doon, alam mo kasi pagnakakarinig ako ng tugtog o nakakita ng mga sayaw sayaw bumababa kademonyohan ko." Pinanliitan ko siya ng mata, weeee talaga? siya? sus. Bigla naman niya akong hinila patayo.
"Kaya halika na! dapat kasama kita! paano kung may gawin akong masama don." Bakit mapipigilan ba kita? napabuntong hininha ako sa inis. Baka makita ako ni Rex dun ayoko talagang kumanta dahil hindi nawawala ang kaba ko.
Lumabas na kami ni Edge ng dorm wala naman akong magagawa kung hindi sumunod sa kanya. Sumakay lang kami sa motor niya. Mas mabilis daw ito kesa sa bus. Kaya ayon go with the flow nalang ang puso ko at si chichi sa bilis niyang magpatakbo.
Nong nakarating na kami sa gym ay nasa likuran lang ako ni Edge, baka makita ako nila Rex. Ayoko ng mag-perform lalo na nong pumasok kami sobrang daming tao. Maraming makakarinig at baka mapahuya ko lang ang sarili ko pati na rin sila.
"Sa harapan tayo nandon si Pango." agad akong umiling pero inirapan lang niya ako tapos binuhat si chichi. Hinawaman niya kamay ko at sumingit kami, Bigla naman akong napabitaw sa kanya nong may humawak sa isa kong kamay at hinila ako palayo kay Edge.
"Edge!" sigaw ko pero nasa malayo na siya.
"Kanina ka pa namin hinahanap Lea!" Napatingin ako sa kung sino ang nakahawak sa kamay ko, si Rex. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat, agad kong hinila hila ang braso ko pero mas hinila niya ako palapit sa kanya.
"Ano ba?! maayos na usapan natin kagabi ah!" sigaw niya at halatang iritado siya.
"Wala ka sa dorm niyo pinuntahan kita kanina! lLahat kami naghanap sayo sa buong University baka kasi nagtago ka! Ano pa ginagawa mo dito!" sigaw niya at hinila ako papunta sa stage, akala ko haharap na kami sa maraming tao pero idiniretcgo niya ako sa likod at nandon sila Alex na masama rin ang mga tingin sakin.
"Saan ka ba galing!" sigaw ni Manuel kaya napayuko ako Gusto kong maiyak ayoko na kasi eh. Naduduwag ako paniguradong mauutal ako. May humawak sa balikat ko si Alexis at napakunot ang noo ko kasi gumamit siya ng sign language at hindi ko siya naintindihan.
"Sabi niya wag kang matakot nandito kami kasama mo." Napatingin ako kay Alex. Pinilit kong ngumiti at tumango.
"Pagandahin mo siya ah Teresita!" sigaw ni Rex at may humila sa akin bigla na isang babae na sobrang ganda. Pinaupo ako at pinaharap sa salamin. Anong gagawin niya.
BINABASA MO ANG
Angel's Voice
Romance"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner