CHAPTER 7

31 19 5
                                    

Brie's POV:

Nang makapasok kami ni James sa loob ng kilalang resto dito sa Bicol agad kaming nagpalinga-linga para humanap nang pwesto sa loob pero hindi ko inaasahang makikita ko si Diego na mayroong kasamang babae na mukhang kakain rin don.

Matapos ko siyang tingnan ng seryoso ay agad ko nang hinila ai James paalis sa loob. Kita ko namang nagulat siya sa bigla kong paghila pero hinayaan na lamang.

"So, saan mo na gustong kumain?" Tanong niya sakin nang makaalis na kami

"Ahm, sa inyo na lang tutal namiss ko na ring pumunta ron" pinasigla ko ang boses ko para matakpan ang inis ko sa lalaking yun.

Matapos nang pambubulabog niya ganito ang madadatnan ko. Pero ano nga bang pakialam ko dun.

'Duh! Indenial ka pala ha' usal ng isipan ko na ikinaikot ko na lamang ng mata ko.

Nakarating naman kami ng matiwasay sa bahay nila James. Kaya nang nasa tapat na kami nang pinto ay kumatok na muna siya bago kami pinagbuksan ng katulong nila ay pinapasok.

Saktong dating din namin ay kumakain ang pamilya niya kaya nagulat sila nang makita ako.

"Oh hello Brie, how are you?" Tanong sabay halik sakin ng nanay ni James na Tita Tes at nagmano naman ako sa asawa niyang si Tito Drew.

"Mabuti naman po Tita. Naku, mukhang nakaistorbo naman ho ako sa kainan niyo. " Nahihiyang tugon ko naman sa kanila.

"Ay naku hindi no. Halikayo dito, magsalo tayo. Mabuti nga na nakapunta ka dito at niyaya ka ni James dito sa bahay namin." Nakangiting saad naman ni tita kaya nginitian ko rin siya at naupo na.

"Hehe, salamat po" nakita ko namang inirapan ako nang bunsong anak nila na si Brittany.

"Psh, patay - gutom." Mahinang saad naman nito ngunit nadinig ko naman kaya hinayaan ko na lang. Sanay na rin kasi ako sa ugali niyang yan kaya hinahayaan ko na lamang. Ewan ko ba kung bakit palaging mainit ang ulo niya sakin.

"By the way Brie, kailan ka pa pala dito? Hindi kasi nasabi ng magulang mo na nandito ka pala kaya akala tuloy namin nagpaiwan ka naman dun sa bahay niyo sa manila." Usisa naman sakin ni Tito habang kumakain kami. Napayuko na lang ako dun sa parteng hindi man lang pinaalam nang magulang ko na. Kunsabagay kailan pa ba ako masasanay sa kanila.

'Tsk!'

" Well, nitong umpisa lang po nang bakasyon. Nababagot narin po kasi ako sa bahay kaya gusto ko na rin po kasing umuwi dito sa bahay." Paliwanag ko naman rito na ikinatango-tango na niya lamang.

"So, ano namang ginagawa mo rito? As far as I know, wala ka namang gusto sa kuya kaya bakit ka ba narito? Pinapaasa mo lang ba siya kasi kung oo, hindi ko hahayaan ang kuya kong mahulog sa patibong mo. " Mataray na sabi ni Brittany dahilan upang matigilan ako sa pagkain.

"What are you saying?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya. Kaya sinaway naman siya nang James.

" Brit, stop it. Brat!" Pangsasaway naman ng kuya niya na tinarayan lang naman niya. Napapailing nalang ang magulang nila at hinahayaan ang anak na babae na dumada.

"Pa-inosente ka pa. Kala mo naman hindi ko alam, huwag mo nang paikutin sa patibong mo ang kuya ko." Mataray niya parin sabi sakin na ikinakunot ko nang noo nalang dahil hindi ko talaga naiintindihan ang mga sinasabi niya.

"Brat, stop it. Nakakahiya naman kay Brie. Pwede ba kaibigan ko siya. Huwag ka ngang mageskandalo kumakain tayo. " Mahinahong Saad naman ni James ngunit hindi pa rin siya pinapakinggan nang kapatid niya.

"Tsk, you listen bitch" sabad niya nang nakaturo sakin. Sininghalan naman siya nang kapatid niya ngunit hindi parin niya ito pinapansin.
"If makita ko ang kuya kong umiiyak dahil sayo. I swear, kakalbuhin kita at lulunurin sa dagat. " Pagpapatuloy niya sa sinabi bago ko maintindihan na pinagbabantaan niya ako. Nakita ko na lamang siyang paakyat na nang kaniyang kuwarto at malakas nang isinara ang pinto.

"I'm sorry for that sudden act, Brie" panghingi nang paumanhin ni James sakin na ikinatango ko na lamang.

"Nope, I should be the one saying that.  I'm sorry for ruining this time for your family dine. " Seryoso kong saad sa kaniya at pamilya niya na naroon pa rin sa hapag. Napapailing na lang si Tito at malungkot naman nakatingin sakin si Tita. I feel sorry about what happened. I didn't expect that Brittany is like that towards me.

"No Brie, just stay here and I'll repair this mess of my sibling." Nag-aalalang saad niya sakin bago ako iwan sa hapag at sundan ang kapatid niyang nasa kuwarto na nito.

"I'm sorry about that, iha. You naman na sobrang pinapahalagahan ni Brittany ang kaniyang kuya. Knowing na alam mo naman sigurong may gusto sa iyo yun. " Saad naman ni Tita kaya napatango na lamang ako. So, yun pala ang kinakagalit sakin ng kapatid ni James. Na baka masaktan ko ang kapatid nito. Yeah, maybe tama nga ang dalaga na pa-inosente nga ako. Pero anong magagawa ko inosente ako pagdating sa ganiyan. Ni hindi nga sumagi sa isip kong magkaroon ng kasintahan.

'Psh, what a life nga naman'

"Oh sige, kain ka na ulit baka nagugutom ka pa. " Pang-aalok pa sakin na kumain ni Tito kaya kahit napipilitan ay pinagpatuloy ko parin ang pagkain.

Napipikang ubusin ko man ang pagkain ko ay hindi ko talaga matapos. Nakita ko naman ang sina Tito na tumingin sa gawi habang kumakain ako ay pinabayaan na lamang nila dahil alam kong naiintindihan nilang dahil yun sa nangyari kanina. Nakabalik narin si James sa tabi ko at kumain.

"I'm sorry, Brie while ago. Napagsabihan ko naman kaya lang ayaw talaga. Hayaan mo gagawin ko ang lahat. Tungkol dun sa nasabi niya, huwag mo nalang intindihin yun. Hayaan mo babawi na lang ako sa sunod. " Malungkot ngunit pinapaligayang saad naman niya na ikinatango ko na lamang kahit gusto kong sabihin na huwag na sana dun sa huli niyang sinabi. Hindi ko maatim na makita nga siyang umiyak nang dahil sakin. Marahil tama nga talaga si Brittany, maaaring ako nga ang maging dahilan ng kababata kong umiyak.

'James' malungkot na ani nang isipan ko.




_______________________________________________

LIKE, COMMENT & VOTE

© purpleCalib

A Moment with You ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon