One Last Wish (One Shot)

173 14 8
                                    

Umiiyak na naman sya. Pero bakit ganun? Bakit kahit naiyak sya ang ganda nya pa din? Kahit ang pula pula na ng mukha nya at mukha na syang naka drugs sa pula ng mata nya maganda pa din sya?

Bakit kaya ang ganda pa din ng PRINSESA ko?

"Bakit ka naiyak?"

*sob* *sob*

Hindi nya ko tinignan, hindi rin sya tumigil sa pag iyak. Hayst, nahihirapan na ko. Lagi ko na lang kasi syang nakikitang ganyan. Iiyak na lang sya lagi habang tinitignan ang isang larawan na dala dala nya sa lahat ng lugar na pupuntahan namin.

Sa mga lugar na pinupuntahan namin dati.

Naalala ko tuloy isang beses dinala ko sya dun sa TREE HOUSE na ginawa ko para samin at sa mga magiging anak sana namin.

"Waaaaaaahhhhhhh! Leo!! Ang ganda ganda ganda at ang astig nung TREE HOUSE OH!"

"Hahahahaha! Syempre naman, GWAPO kaya gumawa nyan."

"Pano mo nalaman? wiii ~! Pakilala mo ko Leo!"

"Pssshh, nakapanglalake ka na naman. Ako kaya GUMAWA NYAN!"

"Ikaw ah! Eh wala ka kayang alam sa mga ganyang bagay! Sinungaling nito eh!"

"Oo nga ako gumawa nyan, tara pasok tayo."

--

"SHETE! Ang ganda pati ng loob ni--OH MY GOSH! Ikaw nga talaga gumawa nito!! Grabe bakit puro pictures natin nandito! Nakakaasar ka naman eh!"

"Hehehehe, syempre naman! Pinagkahirapan ko to no! Para sa atin .. pati sana sa mga anak natin."

"ANAK KA JAN!"

"Bakit, ayaw mo bang magkaroon tayo ng anak?!"

"ULOL! Hindi no! Syempre gusto kong magkaanak tayo, pero wag muna ngayon diba."

"Sabi ko nga."

"Pero gusto ko pag dumating na yung oras na yun, dito, dito mismo sa TREE HOUSE na to natin unang dadalhin ang magiging anak natin HA!"

"OPO MA'AM!"

"Hahahaha! To naman, I love you Leo my Hubby."

"I love you too, Princess"

Ayun, namiss ko tuloy yung TREE HOUSE namin >.< Kasi naman bakit pa ko nagpa-flash back eh. Nakakaasar, para naman akong bading dito.

*Sob* *Sob* 

Ay, naiiyak pa nga pala ang aking PRINSESA. Ano ba yan, bakit ko naman biglang nakalimutan yun. Kahit kelan talaga para akong matandang mabilis makalimot tsk!

"Uy! Bakit ka ba kasi naiyak Prinsesa ko?"

*sob* *sob*

To talagang babaeng to, lagi na lang akong binibigyan ng SILENT TREATMENT. Tsk! Eto ang ayoko dito eh. Ano may PMS ba to? Tuwing may PMS lang kasi to nagiging ganyan eh. Gaya dati, Wedding Anniversary pa naman namin nun nung nagkaroon sya tapos buong araw di man lang ako pinapansin. Grabe lang no? Flashback ba kamo? Wag na, halos ako lang naman yung nagsalita samin eh -_____-

"S-sorry, H-hubby h-hindi n-na talaga a-ako i-iinom p-pa."

"Okay lang naman sakin Princess eh, basta ba kasama mo ko. Pinapatawad na naman kita eh. Hindi ikaw ang may kasalanan."

Hindi naman talaga ako galit sa kanya eh, pano naman ako magagalit sa nag iisang babaeng minahal ko? At sa ASAWA ko pa? Eh kabiyak ng puso ko yang baliw na babaeng yan eh.

Pati kahit anong mangyari malabong magalit ako jan, kahit nga makipag hiwalay o pagtaksilan ako nyan di ko magagawang magalit sa kanya eh. Masyado ko syang mahal na handa akong magpaalipin sa kanya.

At handa ko din ibigay ang BUHAY KO para lang sa kanya.

Hay, mahal na mahal ko talaga tong babaeng to. Kung pwede lang na wag ko na syang iwan eh gagawin ko talaga. Yung tipong kahit anong mangyari sa kanya lang ako nakadikit.

Kaso hindi talaga pwede eh.

Pero okay lang, at least napakita at naparamdam ko sa kanya kung gaano ko sya minahal.

At least, nabigay ko sa kanya ang lahat ng sakin.

At nagawa nyang dalhin ang pangalan ko.

Masaya na kong naging parte ako ng buhay nya at nagi ko naman syang buhay.

Ngayon, ang nagiisa ko na lang na hiling ay sana ..

"Sana alagaan mo si Leo Jr. ha! Para sakin. Wag kang mag alala babantayan ko naman kayong dalawa eh. Basta lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal ko kayong dalawa at buhay ko kayong dalawa. Gusto ko pa sanang magtagal kaso kasi Princess hindi pwede, kailangan ko nang umalis. Pero sa takdang panahon, magkikita ulit tayo. I LOVE YOU PRINCESS AND I LOVE OUR SON PLEASE TAKE GOOD CARE OF HIM AND YOURSELF."

And I kissed her forehead and walk to the light where I'll be going.

Makikita ko pa naman silang dalawa eh, hindi nga lang ngayon pero dadating din yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Last Wish (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon