Ilang araw din kaming hindi nagpapansinan ni estevan dahil sobrang naiilang kami sa isa't isa,nagtataka na nga din minsan samin si shina at aira dahil sa inaasta namin
"Oh my gosh!finally umamin na din si estevan", tuwang tuwa na sinabi ni aira
"Naiiyak ako,binata na ang pinsan ko", umaarte pang naiiyak si shina habang sinasabi ito
"Alam niyo napaka-abnormal niyo", sambit ko sakanilang dalawa
Lumapit sila bigla sa akin at niyakap ako
"Alam mo beshie masaya ako para sayo", sabi ni aira
"Lalong lalo na ako", sabi naman ni shina
"Mas lalong ako", sabat ni aira
"Mas na mas lalong ako", dugtong naman ni shina
Kinwento ko kasi sakanila na umamin na sa akin si estevan
Nagtinginan silang dalawa at nagsimangutan,habang nag-tatalo sila sa harap ko kung sino ba ang mas masaya sakanila ay naiisip ko kung may nararamdaman din ba ako kay estevan?
Buong gabi kong iniisip kung meron ba talaga pero mismo sa sarili ko alam ko naman ang sagot
Pero natatakot ako sobrang natatakot ako.
Ayokong maulit ang nakaraan,once na mahulog ka sa isang tao lolokohin at iiwanan ka din niyan
Ayun ang natutunan ko sa first love ko
At ayoko ng maulit pa ito....
"Alam mo beshie kibuin mo na yan si estevan,next week na ang graduation natin",sabi sa akin ni aira
Nasa canteen kami ngayon at kasama namin si shina
"Umamin nga siya,pero parang wala din kasi natorpe bigla", sambit naman ni shina
"Gusto ko naman siya kausapin pero nahihiya talaga ako", sabi ko sakanila
Nalungkot pareho ang mukha nila at nakita ko papasok sa canteen si estevan kaya umiwas ako ng tingin
"Kuya estevan!", tawag ni shina sakaniya
Tumango naman sakaniya ito at pumila para bumili ng pagkain
"Ayan na beshie,kausapin mo na",siniko pa ako ni aira
Umupo na si estevan sa table namin at tumingin siya sa akin at umiwas din
"B-bakit tinapay lang ang binili mo?", tanong ko sakaniya
"Busog pa ako eh",sabi niya habang di tumitingin sakin
Nakatingin lang sakaniya si shina at aira habang nakasimangot dahil napaka-torpe niya
"Hoy estevan,saan ka magca-college?",tanong ni aira sakaniya
"America", matipid niyang sagot
"Ha!?",sigaw ko at napatakip ako bigla ng bibig dahil ang lakas pala ng boses ko
"Sa Amerika kasi talaga sila nakatira portia kaya kailangan na niyang bumalik dun", sambit ni shina habang malungkot ang mukha
"Bakit? mamimiss mo ba ako?",sa wakas inasar na ulit ako ni estevan
Pero bakit malungkot pa din ako.
"Kapal ng mukha mo!",sabay taray sakaniya
Nakatingin lang sa akin si shina at aira,pinagmamasdan siguro ang reaction ko
Parang may something sa puso ko na gustong pigilan si estevan,pero meron ding something sa utak ko na sinasabing mas mabuti na ito dahil hindi ako tuluyang mahuhulog sakaniya
Tumingin ako kay estevan at pinagmasdan siyang kumakain habang nanunuod sa cellphone niya
One week nalang graduation na namin
At one week ko nalang din siyang makikita
Parang hindi ko kaya,nasanay na akong nandiyan siya palagi
"H-hindi ka ba sasama shin?", biglang nag-salita si aira dahil nahalata niya atang naluluha na ako
"Hindi eh,sinabihan ako ng parents ko na mas mabuting ipagpatuloy ko muna ang pag-aaral dito sa Pilipinas", sambit naman ni shina
"Ingat ka",bigla akong nagsalita kaya naman napatingin sila sakin
Nakatingin lang ako kay estevan
"Salamat", matipid niyang sagot
Kumikirot ang puso ko at hindi ko maintindihan kung bakit
Ano naman portia kung aalis na siya?
Ano bang namamagitan samin?
Tama nga ako,lahat umaalis
Mas mabuti na siguro to,dahil hindi ko na maipagpapatuloy pa ang nararamdaman ko para sakaniya
Mas nagiging komplikado lang kasi ang lahat kapag naguguluhan ako
Pero ang sakit,masakit para sa akin
Pero yung sakit na nararamdaman ko, mawawala din panigurado pag nawala na siya sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Novela JuvenilNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...