Naririto Para Lang Sa’yo
I
Magmula ng makilala ka
Agad na may naramdaman na kakaiba
Ang puso ko ay biglang kumakaba
Sa t’wing ika’y aking nakikita
Koro
Kahit nas’an ka man
Ikaw parin ang hanap ko
Kahit nasa malayo man
Pag – ibig ko’y tanging sa’yo
Bawat araw na dumaan
Ito’y hindi magbabago / maglalaho
Lagi mong tatandaan
Naririto para lang sa’yo
II
Kahit na mayro’n ng iba
Pag – ibig na nadarama’y di mawawala
Maghihintay na matutunan mo
Ang magmahal ng isang katulad ko
..... isa Lang po ito sa kinompos kong kanta... past 10yrs ago na po ng ginawa ko ito... inspired kasi or sige tinamaan ni kupido ( choz... ^_^ ) anyway's sad to say di ko to naibigay sa kanya, bago sya tuluyang umalis... but then i know that alam nya na para sa kanya toh... before and after.... ^__^
