"Portia Bartolome with highest honors", announce ng emcee namin sa stage at agad na nagpalakpakan ang mga tao sa auditorium
Sinabit na ni mama at papa ang mga medals ko at sobrang saya ko dahil natupad ko na ang matagal ko nang pinapangarap
"Congratulations anak", sambit ni mama sa akin
"Proud na proud ang papa", sabi naman sa akin ni papa kaya niyakap ko siya sa tuwa
Agad naman akong nag-tungo kela aira at shina dahil magpipicture daw kami
Pinicture-an naman kaming apat at gitna kaming dalawa ni estevan kaya umarte nalang kami na parang close talaga
Huling araw ko na ata tong makikita siya,tinignan ko lang siya at tumingin din siya sa akin
"Congrats", mahina niyang sinabi
"Salamat", nginitian ko siya
Sinabi na din ng emcee na pwede na naming ihagis pataas ang aming toga kaya sabay sabay kaming apat na ginawa ito
"Congratulations!", sigaw namin sa isa't isa
Nagpaalam muna ako kela mama at papa na sasama muna ako kela aira at shina para icelebrate ang graduation day namin
Agad din akong pumunta sa playground dahil dun ang kitaan namin
"Asan na sila?", tanong ko kay estevan dahil siya palang ang nandito
"Hindi ko alam tinext lang ako ni shina na pumunta daw dito", sambit naman ni estevan
Biglang tumunog ang cellphone ko at tinignan kung sino ang nag-text at nakita ko ang text ni aira
"Enjoy =3"
Piste,sinasabi ko na nga ba
Napatingin ako kay estevan at mukhang narealize niya din ang pinlano ni aira at shina sa aming dalawa
"Sinet up tayo ng dalawa", sambit niya
"Mga siraulo talaga",umupo ako sa swing at tinignan siya
Nakatayo lang siya sa harap ko at biglang nagsalita
"Mami-miss mo ko no?", asar niya sa akin
"Nako ikaw lang kamo yun",sabi ko sakaniya at dinilaan siya
"Oo nga mamimiss ko crush ko,paano na tayo? ", at nagbaby face pa siya sa akin
"Yuck kadiri", sabi ko sakaniya at umarteng nasusuka
Tumawa lang kami pareho at nagkwentuhan lang kami hanggang sa di na namin namalayan na maggagabi na pala
"Ang dilim na pala,hindi ko namalayan", sambit niya
"Tara na baka hanapin na din ako nila mama", aya ko sakaniya
Maglalakad na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa kamay
"Portia", lumingon naman ako sakaniya at tinignan ang kamay niyang nasa kamay ko
"B-bakit?", tanong ko
"Gusto mo ba akong mag-stay?",pumupungay ang mga mata niya habang diretsong nakatingin sa akin
Nabigla naman ako sa tinanong niya at hindi ko alam ang isasagot ko
"A-ano ka ba,ako ba nanay mo?", biro ko sakaniya
"Portia,hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako sa Pinas.Kaya gusto kong malaman kung gusto mo ba akong manatili dito", tanong niya sa akin
Kumikirot ang puso ko habang iniisip na hindi na siya babalik ng Pilipinas kahit kailan
Gusto ko siyang manatili
Gusto ko siyang pigilan
Pero natatakot ako,sobrang natatakot.
"Ayokong mawala ka syempre,malulungkot ako bilang kaibigan mo", sambit ko
"Wala ka ba talagang nararamdaman sa akin portia?", ramdam kong naiiyak na siya habang sinasabi ito
Hindi ko na namalayang naluluha na din ako pero pinipigilan ko ito dahil baka mahalata niya ang kasagutan sa tanong niya
"Portia sabihin mo lang sa akin...",napahinto siya sa pagsasalita at nagpatuloy
"Sabihin mo lang sa aking gusto mo din ako dahil mananatili ako kung ganun",pumipiyok na siya habang sinasabi ito dahil ramdam kong natatakot siyang malaman kung ano ang kasagutan ko
Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at pinigilan niya akong gawin ito
"Estevan sorry", naiiyak ko ding sinabi
Hindi ko kaya,hindi ko kayang pigilan siya dahil wala naman akong karapatan
Ang sakit na ng dibdib ko dahil pinipigilan ko ang pag-iyak ko
"Portia nagmamakaawa ako,sagutin mo naman ako ng totoo",umiiyak niyang sinabi sa harap ko
"Sagutin mo naman ako ng galing sa puso mo",nagmamakaawa niyang sinabi sa akin
"W-wala akong nararamdaman sayo estevan,sorry", nakatingin lang ako sa ibaba dahil hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya dahil baka malaman niya ang totoo kong sagot
Gusto kita estevan,gustong gusto kita pero hindi ako sapat na rason para manatili ka dito sa Pilipinas
Takot akong masaktan ulit,takot akong maulit ang pagkadurog ng puso ko
"Dahil ba sa past mo portia? dahil ba inaakala mong sasaktan din kita?, portia alam mo sa sarili mong iba ako,alam mong hindi ako katulad ng iba", pagpupumilit niya sa akin
"Respetuhin mo sana kung anong nararamdaman ko,sorry estevan", sambit ko sakaniya at tinanggal na ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko
"I have to go", ayun na lamang ang huli kong nasabi sakaniya at tumalikod na para mag-lakad
Iniwan ko siyang nakatulala sa kawalan habang umiiyak
Iniwan ko siyang nasasaktan.
Sa mismong pagtalikod ko sakaniya dun na lumuha ang mga mata ko
Ang kirot kirot ng puso ko,gusto kong bumalik at sabihing gusto ko siya pero hindi maaari
Alam ko sa sarili kong tama ako,tama itong desisyon na ginawa ko
Ang umibig ay siyang talo,ang hindi sumubok ay mananatiling malaya ang puso
Sorry estevan, sorry
Ayun lamang nasa utak ko habang naglalakad na umiiyak
Ang sakit sakit
Naalala ko ang kaniyang ngiti,pang-aasar,pagtulong,at pagpaparamdam sa akin na mahalaga ako sakaniya
Estevan patawarin mo ako
"Estevan gusto kita", mahina kong sinabi at humagulgol na sa pag-iyak sa kalsada
Paalam,estevan.

BINABASA MO ANG
Never Fall In Love Again
Teen FictionNagkaroon ng first love ang isang babaeng "no boyfriend since birth" at akala niya ay pang habang buhay na niyang magiging kasintahan ito, ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti niyang matutuklasan ang katotohanan, kaya't labis siyang nasaktan a...