15: Guidance
Simula nang kumanta ako, marami ng ngumingiti sakin at marami ng bumabati. Tapos yung iba nahihiya pa sakin. Pero si Edge? biglang hindi niya ako pinapansin, tapos mas marami na siyang pinapagawa sakin, palaging mainit ang ulo, mabuti nga hindi niya sinasaktan si Chichi eh. Kung positive ang effect ng pagkanta ko sa iba, negative naman kay Edge. Hindiba niya nagustuhan? panget ba ang boses ko para sa kanya?
"Pwede ka bang ma interview Miss Lea?" Napalingon naman ako sa babae na maliit, hanggang bewang ko lang yata siya tapos may hawak na mikropono at napatingin naman ako sa kazama niya na mataas may hawak na camera. Napatingin ako sa mga classmates ko dito sa gym, ang lahat ng atensyon nasa akin. Maymga ibang estudyante rin na nandito, P.E. class ko rin kasi.
"Kami po ang tagahatid ng nagbabagang chismis sa University." Napalunok naman ako, ano naman kailangan nila sa akin? nagsulat ako sa white board.
CANT SPEAK
"Oh may mga konting katanungan lang naman po kami gaya ng ano pong pakiramdam na ikaw ang bagong vocalist ng Do not disturb." Napahinga ako ng malalim at napakamot sa batok ko, kailangan ko bang sagutin? nagsulat ulit ako.
MASAYA.
"Paano po kayo naging vocalist? paano po kayo napili?" Napakamot naman ako sa ulo ko. Mabutinalang wala pa ang teacher namin.
"Saan niyo po namana ang malaanghel niyong boses."
"Alam niyo po bang tinatawag kayo ngayong Angel's voice. May speaking disorder po kayo pero ang galing niyong kumanta."
"Alam niyo po ba na--"
Tumigil siya sa pagsasalita nong may humila sa mikropono niya, nanlaki naman ang mga mata ko si Edge. Naka p.e uniform rin siya, ang pagkakaalam ko wala ng p.e class ang seniors. Halata namang nabalutan sila ng takot dahil sa titig ni Edge.
"Nakikita ng hindi nagsasalita yung pinagtatanungan niyo! nag-aaksaya kayo ng oras!" hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ginawa niya kasi hindi na ako sasagot pa ng mga tanong nahihiya rin kasi ako na hindi sila pansinin. Bigla namang tumakbo palayo yung dalawa. Napatingin ako kay Edge, nagsulat ako.
ANO GINAGAWA MO DITO.
"Pumapasok bakit ba?!" Napakunot ang noo ko, papasok? wala naman akong naalala na may p.e class siya ah, hinila niya ako bigla palapit sa kanya at natigilan ako nong yumakap ang isang braso niya sa bewang ko. Itinulak ko naman siya at umatras.
"Miss Lea? pwede ba akong maging partner mo?" Napalingon naman ako sa likuran, isang lalaking kalbo na may inaabot pang rosas sakin, napangiwi ako, napansin ko rin na panay yung mga lalaki bigay ng bulaklak sakin.
"Maraming tinik yan! masusugatan siya diyan!" sigaw ni Edge at hinila ako palapit sa kanya. Bakit ba namamansin siya ngayon sakin?.
"Okay class? may mga partners na ba kayo?"
HINDI MO NAMAN CLASS TOH.
"Pake mo ba?! kung gusto ko pumasok dito wala ka ng magagawa!" sigaw niya at mas malakas ang boses niya ngayon kaya napalingon lahat samin, naoahawak lang naman ako sa noo ko.
"Mr. Wilson? ano pong ginagawa niyo dito?" Sinamaan lang siya ng tingin ng teacher namin. Ammmp! talaga, ganun ba basta anak ng mayaman at anak ng may ari kahit ano lang gawin masusunod?
"Oh sha! ayoko namang magalit ka at umatake yang pagkabaliw mo!" sabi bigla nong guro at hindi ko napigilang tumawa kasabay nila.
"Wag ka ngang tumawa makakatikim ng suntok yun mamaya." Sinamaan ko siya ng tingin at sabay sulat
BINABASA MO ANG
Angel's Voice
Romance"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner