This chapter is dedicated to my ever supporting co-writer alieria. Thank you sweetie for the words of encouragement! It makes me kilig! Please support her story as well! She's a promising author!
Thanks everyone for keeping it this far! We've reached an almost 800 reads, and 300+ votes! Let's hit 1k, alright?
Lovelots, Dyosa ❤️
*****
Mabilis akong lumabas ng grocery store sa sobrang pagkairita sa lalaking 'yun. Hindi lang pala siya wirdo, saksakan din ng yabang at presko! Akala naman niya gugustuhin ko pang makita ulit siya!
"Kwek-kwek, Kikiam, Fishball, at palamig kayo d'yan!" sigaw ng isang lalaking nakasakay sa motorsiklong may kariton.
"Kwek-kwek at palamig kayo d'yan! Masarap, mainit, at kaluluto!" sabi naman ng kasama nito.
Bigla akong nakaramdam ng pagkalam ng sikmura. Naeengganyo ako sa amoy ng pagkain na binebenta nila. Nagmamarcha akong naglakad papunta sa kabilang kanto.
Totally forgetting about the things I have to buy, nakisingit ako sa siksikan ng mga tao at sa pagkain ko ibinuhos ang inis.
Nakakalimang stick na yata ako ng kwek-kwek at pritong isaw ng mapahawak ako sa tiyan ko. Sa kabilang kamay ay ang basong plastik na may konting laman ng malamig na buko juice.
"Ang sarap!" sinaid ko ang laman ng baso at itinapon sa kalapit na basurahan.
I need to slow down my eating. Baka malaki ang magastos ko. Dumukot ako ng pera sa sling bag at iniabot ang bayad sa mga kinain.
"Manong, bayad ko po. Salamat!"
Satisfied akong umalis sa food cart matapos magbayad at dumiretso sa kabilang grocery store malapit sa hanay ng malaking commercial center.
Bago pumasok sa di kalakihang tindahan, luminga linga muna ako sa paligid at nang makuntento na walang taong di kaaya-aya, mabilis akong pumasok at kinuha ang mga kailangang bilihin.
Madali kong nakumpleto ang lahat ng kailangan ko para bukas. May scented candle akong nakita dito na bagaman at parang hindi kasing ganda noong nakita ko sa kabilang tindahan, pwede na ring pagtiyagaan. At least, walang magulo.
"687. 50 centavos lahat nene." sabi sa akin ng kahera. Dumukot ako mula sa suot na bag at nagbayad sa mga pinamili.
"Salamat po!" sabay abot ko sa inilahad na eco bag.
Halos dumidilim na nang lumabas ako sa tindahan. Kaya naman nilakihan at binilisan ko ang lakad pauwi sa bahay.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtahak ko pauwi nang naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko mula sa suot na bag. Saglit kong ibinaba ang mga dala at dinukot sa loob ang naglilikot na android phone.
From: Kuya Alonzo
Nasaan ka? Lumabas ka daw sabi ni mama.Saglit ko itong tinitigan at muling binasa. He texted! Obviously!
Nangingiti ako sa tabing kalsada na nagtipa para masagot ang tanong niya.
Ako:
May binili lang sa labas. Pauwi na din ako.My phone vibrated again. Binuksan ko agad ang kapapasok na mensahe at binasa.
From: Kuya Alonzo
Okay, ingat!I wrinkled my nose. Iyon lang? It's too formal and short. Kunot noo akong nagtipa ulit.
Ako:
Sige po.Pagdating ko sa bahay, naabutan ko sa sala si Ninang at Samantha na naghahanap ng gown na susuotin ni Sam para sa gabi ng prusisyon. Namimili sila sa tablet na hawak noong bading na may ari ng malaking tailoring shop sa buong bayan. Sa kusina ay si Aling Cora na abala sa pagluluto ng hapunan. Humahalimuyak ang niluluto niyang adobo.
BINABASA MO ANG
A Rain In My Summer
ChickLitSummer Valencia Alvarez is the sweet, full of life and innocent girl of Quezon. She is so loved by her grandmother. At a very young age she has learned about the tale of the first rain in May through the bedtime stories of her lola. "Apo, darating...