Ika-siyam Na Patak

112 31 21
                                    

I dedicate this chapter to my sissy MasterAir_18 Sobrang demanding sa update di naman nagvovote! Hahaha! Thank you sissypoo! ❤️

Road to 1k reads and 500 votes na tayo demigods! Sobrang thank you sa lahat ng bumibisita at nagkakainteres sa kwento kong pambata. I love you all! In less than 3 weeks almost 1k na tayo. Let's hit for more!

Lovelots, Dyosa ❤️

*****

Sa nangangatog na tuhod at nagmamagaling na gold medalist na puso, nagpatangay ako sa pag-akay niya sa kamay ko.

"Mag-ingat ka sa paghakbang mo. Sundan mo ang mga bato na tinatapakan ko." Lumingon siya sa akin at pinanood ang paghakbang ko palapit sa kanya.

Para akong mapapaihing pusa habang kinukuryente. Ang hirap humakbang habang pinapanood niya ang bawat kaunting kilos ko, hindi pa isama na hawak niya ang kamay ko.

"K-kaya ko na.. ako na lang.." naiilang kong hinikit paalis sa hawak niya ang kamay ko. Naalala ko si Katara na water bender sa pamamawis ng kamay ko.

Palihim at may halong frustration kong tinuyo ang palad ko sa pamamagitan ng pagpunas nito sa laylayan ng white dress na suot.

Hindi na ako magtataka kung mapapahampas ang mukha ko sa mga matitilos na bato at walang ibang dapat sisihin kung hindi ang baliw na atleta at pagiging asyumera ko.

Nakakahiya!!!

Marahan niyang binitawan ang kamay ko kabaliktaran kung paano niya ito bigla hinawakan kanina. I watched him raised his right brow.

"Sumunod ka lang sa akin. Ako ulit ang mauuna para di ka masugatan sa mga batong tatapakan mo."

"S-sige." natataranta akong humakbang sa kaninang tinatapakan niya.

Nauna siyang bumaba sa akin sa mabatong daan. Pababa kami ng dagat kung saan may mga nakatirik na malalaking puno ng Agoho sa pagitanan ng mga rock formations at sa lilim ng mga ito ay may gawa sa kawayang lamesa na katamtaman ang laki sapat para mapaglatagan ng pagkain. Ang upuang gawa sa mga naanod na kahoy naman ay maayos at malikhaing inilibot sa lamesa. The place looks majestically amazing. I don't know how will I properly describe it, but this is the closest to it.

Saglit kong nalimutan ang ilang at hiya sa nakita. Retrieving my enthusiasm earlier, nilakihan ko ang hakbang ko para maabutan siya sa paglakad.

"Doon ba tayo pupunta sa puno?" Excited kong turo sa nakikita. Humakbang din ako palapit sa kanya para maabutan siya sa malalaking hakbang na ginawa kanina.

Saglit siyang tumigil para maharap ako. Naglebel ang mga mata namin. Tumango siya at tinanaw ang kahabaan ng kalsada na pinanggalingan namin.

Halos magkasing taas kami sa aming posisyon, nakatapak ako sa mataas na bato at siya naman ay sa mababa. Kita ko ang butil ng mga pawis na namumuo sa kanyang noo. Supladong magkasalubong ang kanyang kilay habang naniningkit ang mga mata sa sikat ng araw.

Napahawak ako sa sariling noo. I'm sweating too. At sa taas ng sikat ng araw, nagmumukha na siguro akong dugyot. Hindi pa naman ako kaputian.

"Wag mong lakihan ang hakbang. Mainit pero kailangan nating bagalan ang paglakad kung ayaw mong pareho tayong magkasugat."

Tumango ako at muli siyang naglahad ng kamay para maalalayan akong bumaba sa tinatapakan kong mataas na bato.

Maya-maya pa, nakalapit na kami at mas lalong natuwa sa tanawin. Mula dito sa kanlungan ng mga puno ng Agoho ay kitang-kita ang talunton ng bundok ng Sierra Madre, sa harap naman ay ang walang katapusang asul na asul na dagat. Tanging ang kalsada lamang na gawa ng mga inhinyero ang nagsisilbing pagitan nila.

A Rain In My Summer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon