Ally's P.O.V.
Nandito ulit kami sa bedroom. Matapos kaming himatayin kanina sa may field ay hindi ko na alam ang sumunod na nangayari. Kanina pa kami hindi mapakali dahil wala si Celestria rito. Si Reixel ay nakaupo lang sa kama kasama niya sina French at Marsha. Si Honey naman ay pabalik-balik na naglalakad dito sa loob. Ako naman ay nakahiga lang sa kama. Napagod 'ata ako sa mga nangyayari ngayon. Gusto ko ng magpahinga. Napatingin ako sa wall clock it's 4:00 p.m.
"Nag aalala na ako kay Celestria," sabi ni Reixel.
"Ano na naman kaya ang gagawin sa kanya ng Master na 'yon?" tanong ko.
"Hindi natin alam, baka kagayin din ng nangyari kay Kazianna," sagot naman ni Honey. Huminga ako ng malalim. Napabalikwas ako ng tumunog ang walkie talkie.
"Hi players, alam kong hinahanap niyo ngayon ang isa sa inyo...don't worry she's with me right now," biglang umandar ang tv.
Nakaupo si Celestria sa isang upuan habang nakagapos ang kanyang mga kamay at paa. Nakapiring din ang mga mata nito. Sa tabi niya ay may nakamaskarang lalake na nakatayo. Pinaglalaruan ng isa niyang kamay ang buhok ni Celestria habang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa walkie talkie. Kumaway siya sa amin.
"Anong gagawin mo kay Celestria?" sigaw ni Reixel. Nakatuon ang atensyon naming lahat sa harap.
"Relax player number 14...maglalaro lang kami ni player number 04," sabi niya.Narinig namin ang mahinang pagtawa nito. Naiirita na ako rito. Sino ba talaga ang lalakeng 'yan?
"Ano ba talaga ang gusto mo?!" sumigaw na rin ako. Napatigil siya sa paglalaro ng buhok ni Celestria saka humarap sa camera.
"Anong gusto ko?...I just want to play a game," nakangising sagot nito bago namatay ang screen ng tv. Napahampas ako sa kama dahil sa sobrang inis. Kung makita ko lang talaga ang sa malapitan ang 'to gugutay-gutayin ko talaga ang katawan nito.
"Ano na ang gagawin natin ngayon?" tanong ni Honey.
"Umalis na tayo rito. Mamamatay tayong lahat kung mananatili pa tayo dito," giit ni Marsha.
Inirapan ko siya. Is she serious? Paano naman kami makakaalis rito ni hindi nga namin alam kung saan ang daan palabas ng lugar na ito. Tumayo siya saka naglakad papunta sa may pinto.
"It's no use Marsha. Hindi mo mabubuksan 'yan," sabi ni French sa kanya.
Biglang tumunog ang knob ng pinto ng pihitin ito ni Marsha. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Nabuksan mo ba?" kaagad akong bumaba sa kama. Inalalayan naman ni French si Reixel na makatayo. Tumango si Marsha saka marahang binuksan ang pinto.
"Do you think safe 'tong ginagawa natin?" kinakabahang tanong ni Honey.
"B-baka may kung ano d'yan sa labas ah," dagdag pa nito.
Naunang maglakad si Marsha palabas ng silid. Nakasunod na lamang kami sa kanya. Medyo nakakatakot ang hallway rito dahil sa tinted red na mga florescent lamp. Sa dulo nito ay may pintuan. Pero we're not sure kung ano ang nasa likod n'yan.
"Sigurado ba kayong tama ang ginagawa nating 'to?" tanong ni Reixel habang inaalalayan ni French sa paglalakad.
"Wala naman sigurong mawawala kung susubukan natin 'diba?" sabi ko. Bumuntong hininga si Reixel.
"Kung sa bagay tama ka," napahinto kami ng makarating na kami sa tapat ng pintuan na ito.
"Bubuksan ko na ba?" tanong ni Marsha.
BINABASA MO ANG
Animus: Escaping Death
Mystery / ThrillerAs the game progressed, the girls realized they weren't the only six playing inside the facility. Can they make it to the end? ***** Honey, Kazianna, Reixel, Celestria, French, and Ally awoke to find themselves shackled and seated on large wooden ch...