33

555 29 8
                                    

M I K I S H I E

Halata ang sobrang gulat sa mukha ni Summer habang nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kaniya ngunit bigla siyang umatras at takot na takot sa akin.

"B..But you're dead! I saw your body! You're a ghost!" Nagtago siya sa likod niya Yohan at kapit na kapit sa braso niya.

Napaismid ako. Mas oa pa siya sa inaakala ko, kapit na kapit pa siya kay Yohan na mas lalong kinainis ko.

"She's not a ghost" inalis ni Yohan ang kamay niya sa kaniyang braso at lumapit sa akin. "Hindi nagtagumpay ang dad mo para patayin siya"

"What? Anong patayin? Sabi ni Dad hindi niya raw nakayanan ang operation kaya siya namatay" gulong-gulo si Summer sa mga nangyayari. Kung ganun ay wala pala talaga siyang alam sa pagpatay sa akin ng masama niyang tatay.

"Uncle lied to you. He asked the doctor to kill her but Yohan saved her life. Pinalabas lang ang pagkamatay niya para hindi na sana manggulo si Tito"si Jude na ang sumagot.

"And why my Dad wanted to kill her? Duh? She's just a little poor dirty orphan—"

"Enough!" Inis na wika ni Yohan. Hinila ko si Yohan sa likod ko dahil gusto ko na ako ang kaharap niya. Gusto kong maramdaman niya na galit na galit ako sa daddy niya.

"Kahit ulila na ako, lumaki parin akong maayos. Hindi tulad mo na lumaking may sungay at buntot. Hindi na nakakapagtataka, dahil anak ka kasi kriminal"

"Don't you dare badmouthing my Dad! Wala kang utang na loob! Matapos palasapin sayo ang buhay naming mayayaman ganyan ang igaganti mo?!" Lumapit siya sa akin pero hinawakan agad ni Jude ang mga braso niya.

"Sa tingin mo ba nabuhay ako ng maaayos sa loob ng katawan mo? Miserable ka Summer. Hindi ko gugustuhin na maging ikaw kahit kailan! At hindi ko maaatim na maging tatay ang daddy mong kriminal!"

"How dare you b-itch! Bitiwan mo ako Jude!" Sinubukan niya akong sugurin pero hawak siya ni Jude.

"Summer tumigil kana!" Inis na sigaw ni Jude.

"Siya ang patigilin mo at hindi ako! Hindi mo ba naririnig?! Sinisiraan niya ang daddy ko na tito mo!"

"Alam na namin lahat ng baho ni Uncle! Wag mo na siyang ipagtanggol!"

Napatigil si Summer at natulala sa sinabi ni Jude. Pati kay Yohan ay nag aalala siyang tumingin.

"Si uncle ang sangkot sa Okudera's murder case noon diba? Summer alam na namin ang lahat, at si Miki... siya ang anak ng mag asawang Okudera, at gusto rin siyang patayin ng daddy mo"

Nagulat siya sa sinabi ni Jude,  tumingin siya sa akin at umiling iling.

"No way... i..ikaw yun?" Wika niya na tila hindi makapaniwala. "Wow.. nagkaanak pala sila ng lalaki niya?" Nanunuya niyang saad.

Base sa kaniyang pananalita, mukhang alam na niya ang kwento ng nakaraan ng mga magulang namin. Pero mukhang hindi siya masaya na makilala ako, kagaya ng inaasahan.

"Lalaki niya? Ang tatay ko ang pinakalasan ni mama, legal silang mag asawa. At ikaw, bunga lang pang re-rape ng kriminal mong ama sa nanay ko—"

"Dahil malandi ang nanay mo!"

"Wag na wag mong babastusin ang nagsilang sa ating dalawa!"

"Hindi ko siya nanay! At hindi rin kita kapatid! Never will that happen!"

Nakaramdam ako ng kirot ng sabihin niya iyon. Hindi ko alam kung bakit ganun ang naramdaman ko, galit ako sa kaniya pero nasaktan ako sa pagtutol niya na magkapatid kami. Naitanim ko kasi sa isipan ko na kapatid ko siya, pero siya kahit kailan hindi niya iyon inisip. Tama nga si Yohan, wala siyang pakielam.

✔Live Your Life And Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon