Callum
Sa wakas ay lumabas rin ang mga luhang kanina ko pa gustong ilabas.
Patuloy lang ako umiiyak sa balikat niya't hinahabol ang aking bawat paghinga.
"I'm sorry Callum." Napatingin ako sa mukha ni Dmitry ng sabihin niya ang mga katagang iyon.
"I'm sorry kung na misunderstood mo ang nakita mo kanina."
"Who is she?" Yan nalang ang nasabi ko dahil sa sobrang pagod na nararamdaman ko
"That's Elleanor. Siya yung girlfriend ko during high school. Actually first girlfriend ko. We had an unstable relationship. Magbi-break kami then magkakabalikan din tapos magbi-break ulit. Hanggang sa nagsawa na ako sa gano'ng ways namin. So I broke up with her at sabi niya ok lang daw kasi she doesn't need me naman, na marami naman daw nagkakagusto sa kaniyang iba. Tapos kanina she wanted to talk, she wanted na magkabalikan kami tapos bigla nalang niya akong hinalikan which is nakita mo naman."
Nakatingin lang ako sa kaniya't umiiyak parin habang nagpapaliwanag siya.
"Angcute mo umiyak." Sabi niya sabay hawak sa aking pisngi.
"Sorry kung nagpahalik ako sa iba habang nililigawan kita." Dagdag pa niya.
Huh? Ano daw? Ligaw?
"Na-nanliligaw ka? N-nililigawan mo a-ako?"
"Oo, bakit? Ayaw mo?"
"No it's not like that. It's just, I was supposed to be saying yes to you once na makauwi tayo but since nanliligaw ka sige ligawan mo nalang muna ako." Sabay kindat sa kaniya.
"Hah? Edi di na pala ako manliligaw. Magyes ka na lang."
"Hindi. Paghirapan mo, HAHAHAHA." Sabi ko habang lumalakad palayo nang palayo sa kaniya.
"Oy Callum saan ka pupunta? Oy sagutin mo nalang ako para tayo na."
"Bahala ka jan, uuwi nako. Galingan mo panliligaw mo ah."
"Callum wait lang. Hintaaaay!"
Nakauwi na kami at kumain. Pagkatapos ay nagshower na ako at humiga na sa kama. Agad akong nakatulog sa sobrang pagod ko. Andaming nangyari ngayong araw kaya kailangan ko na rin talagang magpahinga.
Nagising ako sa amoy na para bang may nagaantay sakin na isang masarap na almusal.
Pumunta ako sa kusina para makita si Dmitry at ang inihanda niyang almusal pero laking gulat ko ng hindi ko siya nakita doon, kaya tinignan ko ang baniyo pati na ang labas ng dorm room namin, pero diko siya nakita.
Nawalan ng emosyon ang aking mukha dahil nga hindi ko siya nakita.
Napagdesisyonan ko nalang na bumalik sa kusina't kumain ng almusal dahil may pasok ako.
Pagkaupo ko sa harap ng mesa ay agad kong napansin ang sticky note na nakadikit sa mug na may lamang kape.
Binasa ko ang nakasulat dito. "Good morning duchess, eatwell and have a good day."
Napangiti ako sa papel na iyon at nakita ko ang isa pang sticky note sa may food cover sa ibabaw ng mesa.
'Napangiti ba kita, by the way I prepared packed lunch for you darling'
Binuksan ko yung food cover at nakita ko ang tatlong packed lunch na inihanda niya.
'Parang andami naman ata' Sabi ko sa sarili. Siguro ishashare ko nalang to kila Zai.
Pumunta na ako sa banyo para maligo at may nakita nanaman akong note na nakadikit sa mirror.
'Don't forget to text your handsome roommate na soon-to-be boyfriend if nasa school ka na'
Natawa ako sa mga nabasa ko sa notes niya.
I texted him pagkarating na pagkarating ko sa school. "Cal kakarating mo lang nagphophone ka kaagad" Sabi sa akin ni Zaila habang naglalakad palapit sa akin.
"Duhhh nakakahiya naman kay Meiah noh. Selfie pa more girl." Sagot ko sa kaniya
"Siyempre kailangan ko ng mapopost sa IG noh."
"IG nanaman as usual." Pagtataray ni Sheila kay Meiah.
"Anong laman niyang dala mo bakit may additional bag ka ngayon?" Tanong ni Kyla ng mapansin niya ang shoulder bag na dala dala ko.
"Ah this, packed lunch ang laman nito."
"At kailan ka pa nagbaon Cal, so not you ha." Ani Meiah.
"Gawa ni Dmitry."
"Bakit kayo ba?" Tanong ni Zai.
"Hinnnnndi pa"
"pa?" Tanong niya ulit.
"Nanliligaw siya ok. Punta na nga lang tayo sa classroom angdami niyong tanong eh"
Natapos ang last class ko for today. Palabas ako ng room ng biglang sumulpot sa harap ko si Dmitry.
"Privet, malysh" Pagbati sa akin ni Dmitry
"Ano yung sinabi mo?"
"Nothing nevermind."
"Russian ba yun?"
"Sabay na tayo umuwi?" Kinuha niya ang bag ko at naglakad palayo.
"Hey!"
"What?" Paglingon niya sakin.
"Hindi ako uuwi hangga't di mo pinapaliwanag sa kin yung sinabi mo."
"It's just something not so important."
"So ano nga yun."
Lumapit siya sa akin at inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko.
"It means hello baby" Bulong niya sa'kin with that sexy voice of him.
"See. Now you're blushing" Sabi niya sa akin pagkalayo ng mukha niya sa akin.
"No,I'm not." Pagtanggi ko
"Yes, you are. Your whole face is turning red"
"You know what umuwi nalang tayo."
BINABASA MO ANG
Our First Night, Last Night
RomanceOne night of pure lust. Will they meet each other again? Or is their first night going to be their last night?