Simula

8 2 0
                                    

Simula

"Jill halika na, bilisan mo baka malate pa tayo." habang hinihila ako ng matalik ko na kaibigan na si Stacey

"Ano ba yan ang bagal mo naman maglakad, sino ba kasing tinitingnan mo dyan!?" naghuhumirintado sabi nya sabay lingon lingon kung sino ang tinitingnan ko

"Mauna ka na kasi, may tinitingnan pa ako dito. Mapapagalitan ka kapag nalate ka din, hayaan mo na akong mapagalitan. Lagi na naman ako nalalate sa subject natin. Bingo na nga ako diba." wika ko habang tinatanaw ko ang lalaking nakaupo sa bench sa ilalim ng puno ng molave kasama ang mga kaibigan nya na nakikipagtawanan pa

"Bahala ka nga. Ewan ko sayo Jill. Para kang baliw. Sya pala ang tinitingnan mo. Hindi ka nga pinapansin nyan. Ang labo mo. Nagpapakabaliw ka dyan sa long time crush mo na playboy. Mauuna na ako, bahala ka na mapagalitan ka ni Sir Dave sa mga kabaliwan mo." inis na wika nya habang nag mamadali na para hindi malate sa isang subject namin

Ganito ako palagi tuwing subject ni Sir Dave. Laging late. As in sa subject lang nya talaga. Ang oras kasi ng subject ni Sir Dave ay oras naman na break time nila Cyrus.

Oh di ba ! Late ako dahil kay Cyrus. Sya yung tinutukoy ng kaibigan ko na kinababaliwan ko at long time crush ko.

Ok na ako sa pasulyap sulyap sa kanya ka pag nakikita ko sya. Pero sempre dahil nga sa crush ko sya Alam ko kung saan sya tuwing break nya o kaya saan ang tambayan nya pag wala silang prof or subject. Kaya ok lang napagalitan ako ni Sir makita ko lang sya . Nangingiti kong sinasabi sa sarili ko.

"Jill nababaliw ka na talaga." habang kinakausap ko ang sarili ko habang nakatanaw sa kanya, nang bigla napatingin sya sa kinarorooan ko, sabay tago naman ako sa puno nakinatatayuan ko. Lakas ng tibok ng dibdib ko parang lalabas na ang puso ko. Mukha talaga akong stalker nito. Natatawang iniisip ko.

"Alis na nga ako napasobra na ata ako." sabay tingin ko sa relo ko na halos 10mins na akong late.

Patay ako nito, deduct points at written explanation na naman. Naubos na ata lahat ng pagsisinungaling ko kay sir. Kung hindi kasi sumakit ang tyan ko, nahihilo naman ako o kaya may nagpatulong na prof sakin, yan ang lagi kong dahilan kay sir na hindi na bumibenta sa kanya. Ano kaya pwede ko idahilan ngayon? Aghh sakit sa ulo naman. Pero ayos lang nasulyapan ko naman ang kagwapuhan ni Cyrus, hagikgik ko habang paalis na sa puno na pinagtaguan ko.

"Salamat Mr.Puno na laging pagcover sakin. Sa susunod ulit ah." pagpapaalam ko sa puno dahil sa araw araw ko ba naman dito sya lagi ang nagtatago sakin para di ako makita ni Cyrus, Parang tanga lang talaga ako, pati ba naman ang puno kinakausap ko na haha

Paalis na sana ako doon ng may biglang nagsalita sa likod ko.

"Jill ano ginagawa mo dito at bakit mo kinakausap ang puno?"

Lumingon agad ako, at laking gulat ko si Cyrus ang nagsalita habang uminom ng paboritong nyang mango shake.

Halos lumuwa ang Mata ko, Hindi lang mata pati na ang puso ko. Sa sobrang kaba ang nasabi ko na lang

"Kaibigan ko kasi yan." ngayon ko lang napagtanto na sa sobrang bobo ko Sinabi ko na kaibigan ko ang puno, Ano kayang iisipin nya sa aking ngayon. Nabaliw ako.

BREATHWhere stories live. Discover now