Hello first time ko gagawa ng short story na horror. Base po to sa totoong story sa bahay namin. Enjoy Reading:)
Alas onse ng gabi ng mawalan ng kuryente sa baranggay namin. Madilim at mainit kasi walang ilaw at electric fan. Maaga rin kaming natulog dahil wala ring magawa sa bahay. Hindi ako natulog kaagad kasi pinapaypayan ko ang asawa at baby ko na natutulog na. Malapit sa tinutulugan namin ay ang dalawa kong lola at kapatid kong lalaki na natutulog na. 1:00 AM nakaramdam ako ng antok kaya pumikit na ko humihilik na rin ang kapatid ko senyales ng masarap nyang tulog. Pero ako di ako makatulog dahil sa ingay ng hilik nya. After 1 hour mga 2:00 AM na nagulat ako sa narinig ko kasabay ng hilik ng kapatid ko, 3ng ubo ng isang lalaki ang narinig ko. Hindi malinaw sa panrinig ko ang ubo kaya di ko nalang pinansin. pagkalipas ng 1 hanggang 2 minuto pagkatapos nung unang ubo naulit ulit ang pagubo. Galing ang pangubo sa bandang hagdanan hindi ko sigurado kung sa hagdan mismo or nasa baba ung umuubo. Ginising ko na ung asawa ko after ko marinig ng tatlong beses ang pagubo. Napakinggan din ng asawa ko ung mga dalawang beses. Tumayo na ako para tingnan kung sino ung umuubo, pero bago un ginising ko ang papa ko para samahan ako sa baba may pakiramdam kasi ako na magnanakaw ung nasa baba. Marami rin kasing magnanakaw samin lalo na kung brownout o sa malalim na gabi(madaling araw). Nawala ang pagubo pagkatapos kong tumayo at nagtanong ung lola ko kung ano daw un. Sabi ko may umuubo kasi wag kayo maingay.
May tig-isa kaming flashlight at pamalo ng papa ko nung bumaba kami para tingnan kung sino ang nasa baba. Ingat kami kasi madilim kaya magkasama magcheck ng bawat sulok ng bahay. Wala naman kaming nakita pati ung pinto hindi naman bukas para paglabasan ng taong umuubo. Nagtaka ako umakyat na ulit kami sa 2nd floor di ako makapaniwala na wala ung taong umuubo sinasabi lang nila na hilik or nasa utak ko lang ung pagubo na un. Bumalik kami sa pagkakahiga, after 5mins. biglang nagkaron ng kuryente. Buti naman at nagkaron na makakatulog na ko ng mahimbing. Pagkaroon na pagkaroon ng kuryente may naririnig kami na parang spark sa baba. Tiningnan namin ulit ng papa ko at nagulat kami ng makita namin na nasusunog na ang outlet/plug ng Ref namin. Medyo malaki na ang sunog nasa sing taas na nito ang ref namin(6.5 ft.) pinatay kagad ng papa ko ung fuse box ng kuryente namin. At pinatay namin ang sunog. Pagkatapos namin patayin ang sunog ay nagkwentuhan pa sa taas paano kaya kung hindi kami nagising, sunog siguro kami dahil sa masarap na tulog.
Kinabukasan nagpapansit kami at nagalay ng pansit sa altar pasasalamat para sa nagligtas ng buhay at bahay namin.