The Orion Realm: Land of Elemental Kingdoms (The Chosen Bearers)
Dahan-dahan akong sumilip para tignan kung naka alis na si Tita Felicia patungo sa pinagtatrabahuan nito. It's been months since my 18th birthday. Legal at pwede na rin ako magtrabaho.
Tulad ng lahat na naninirahan sa Aylle Kingdom, I use air as my primary source of magic. Bata pa lamang ay pinagbawalan na akong lumayo o umalis sa bahay namin. Nakatira kami ni Tita Felicia malayo sa kabihasnan. Siya ang naging guro sa buhay ko hanggang sa lumaki ako. She taught me a lot of things. Mga bagay na sana ay natutunan ko sa paaralan.
Dahil ako lang naman ang naiiwan mag-isa sa bahay, kung hindi sa gubat ay pumupunta akong bayan ng pasekreto.
The first time was hard. In order to avoid getting caught, I trained myself. Dahil dito ay natutunan ko ang Air Levitation. Isang ability ng wind bearer na makalipad gamit ang pagkontrol ng hangin at pag resist ng gravity. Nabasa ko ito noon at maswerteng natutunan din agad.
"Pupunta ka ulit ng bayan?" tanong ng kaibigan kong si Meira.
Tumango ako. "Gusto mo sumama?" I tried convincing her.
Takot naman itong umiling. Tumawa ako sa naging reaksyon nito. Isang tagapamalaga ng kagubatan si Meira. She has the ability to tame the wild. Madalas ako mag ikot sa kagubatan, and one day I met her. Sa likod kasi ng bahay namin ay daan patungo sa liblib na gubat. Dito rin ako dumadaan papuntang bayan. Meira is the only friend I have.
"Mag ingat ka at wag ka masyado mag tagal. Baka mamaya ay makalimutan mo nanaman ang oras!" nag aalalang paalala nito.
"That was one time!" I scowled.
Suot ang cloak, I positioned my hands at unti-unting inangat ang sarili sa ere. I'm getting good at this! Dire-diretso ang paglipad ko patungo sa direksyon ng bayan. Magkakaroon ngayon ng ability test kasama ng job hiring. Para ito sa mga labing walong gulang pataas katulad ko. It classifies my ability based on my expertise and strength. Paniguradong papagalitan ako ni Tita kapag nalaman niyang umalis ako pero mas nangingibabaw ang kagustuhan kong malaman kung saan ako nababagay.
Huminto ako sa bukana ng gubat. Lalakarin ko nalang papuntang bayan. Pagdating ko ay may dalawang mahabang pila para sa hiring.
Ayon sa libro na nabasa ko ay itinuring na pinaka malakas ang Aylle Kingdom noon. Kami ang may pinaka maliit na populasyon kumpara sa ibang elemental kingdoms. Decades later, our kingdom was considered to be the weakest hanggang ngayon. Ang sabi ay humina ang magical force na nakapalibot sa kabuuan nito. Ito ang nagsisilbing defense at source ng mahika sa kingdom. Kung paano ito patatagin ay hindi sinabi.
"Sana ay sa warrior ako! matagal ko nang pangarap makapunta sa Qandor." sabi ng katabi ko sa kausap nito.
"Pero balita ko ay sobrang hirap daw ng training doon. Nako! Good luck sayo."
Iba't-ibang ability ang meron sa bawat wind bearer. May ibang hindi kinakaya ng kanilang enerhiya ang pag levitate ngunit madali naman para sakanila ang paggawa ng air offense tulad ng spears at iba pang gawa sa hangin for attacks. They are called the Warriors, pinapadala sila sa Qandor kung saan namamalagi ang Orion Council. Dito rin matatagpuan ang City of Trades pati na ang House of Cavalry kung saan sinasanay ang mga warriors mula sa iba't-ibang elemental kingdoms.
Siguro ay pangarap talaga ng karamihan ang maging isang warrior. Maliban sa makakasalamuha mo ang iba't-ibang defenders ay naroon din ang elites na may kaya sa buhay kasama ang royalties na binibigyan ng special trainings. Malabo ito mangyare sa tulad ko, panigurado ay hindi papayag si Tita Felicia. She's my only relative left. Parehong namatay sa laban ang mga magulang ko leaving me to Tita Felicia's care. Walang sariling pamilya si Tita Felicia, kaya kahit anong mangyare ay hindi ko magawang kwestyunin ang mga utos at bilin nito saakin. Maliban sa pinagkakatiwalaan ko ito, she devoted her life for me and for that, I will always be in debt to her.
BINABASA MO ANG
The Chosen Bearers
Viễn tưởngDo you have what it takes to be The Chosen? A long time ago, the Elders of The Orion Council appointed each kingdom a bearer with incalculable strength and will to defend the Land of Magic. They are called The Chosen. To keep the peace, they must co...