Chapter I: Love at First Sight

29 0 0
                                    

Sa kwarto ko walang tigil ang pagpapalit palit ko ng damit.. pupunta kasi kami sa bday ng family friend ng mom and dad ko.. madalas na kami pumupunta sa party nila lagi kami invited hanggang madaling araw ba naman sila magchikahan!ayaw ko nga sumama kaso madami pagkain dun kaya no choice! haha. napili ko? tshirt and shorts nlng para cool tutal gabi na eh.. by the way.. ako pla si Hyaceen (pronounced as Hayasin  just call mo Yaz for short).. grade 4 po at 11 years old :) im the youngest and only girl since mga eldest ko eh lalake.. (Author's Note: Sorry di po ako mahilig sa flashback eh so umpisahan natin sa pagkabata ko talaga para makasunod kayo :D)

SA PARTY:

Kain dito kain dun.. hanggang sa masagi ng mata ko ang isang guy.. O___O shet ang pogi nya. ay hindi pala pogi.. ang gwapo nya talaga..! bakit ngayon ko lang sya nakita? nabulunan ako habang nakatitig sa kanya kasi nga na-stun ako sa itsura nya.. tall, dark, handsome, kissable lips, napaka tangos ng ilong, ang ganda ng ngipin at mata, ang astig pa ng boses. para syang si robin padilla na moreno version (although idol tlga nya c robin eh!) ayun.. tapos napansin ako nung pinsan nya nakatingin dun sa guy...

Shamee: Hoy! galaw-galaw baka maistroke ka! haha..ngayon ka lang ba nakakita ng lalake?

Yaz: Aw. Hindi ah! sorry lang. Sino sya? San planeta yan nanggaling bakit ngyon ko lang nakita??

Shamee: Ah sya ba? anak nina Tita Ding at Tito Amir, only child lang nila yan eh.. pano mo naman sya makikita eh hindi naman sya sumasama sa party eh. Kaya ngayon nakita mo sya dahil bahay nila to eh, malamang lalabas yan para kumain at bday kaya ng mama nya what do you expect? syempre marunong din yan magutom kaya--(toinks!binatukan ko nga!)

Yaz: Sa dami mong sinabi 'di mo man lang sasabihin sa akin name nya? 2 tanong lang naman ang binanggit ko eh bakit napunta na sa magutom sya etc? tsk

Shamee: Ah hehehe, joke lang, sya si Trisk.. grade 6 na sya! 2 years agwat nya sayo kaya wag mo na tawaging kuya yan hindi bagay.. :D

ayun.. nalaman ko name nya.. di sa tagal marami pang occasions ang dumaan sumasali na din sya.. tapos isang araw na lang andun lahat ng mga cousins nya, as in lahat ng pinsan nya. hiyang-hiya ako kasi lahat sila nakipagkilala sakin since december na nga at Xmas vacation.. tapos afternoon. lagi na nila ako inaasar kay trisk.. kesyo bagay daw kami etc.. ako naman deep inside kinikilig!! crush ko sya eh! amf. tapos meron one time nagpicture kaming lahat pinagtabi talaga kaming dalwa. O__O shet. nanigas katawan ko nun.. di ko alam kung tatawa ba ako or seryoso lang, ayaw ko magpahalata na gusto ko sya eh :) Although nag-uusap na kami casually mga stuffs about samin, mga getting to know stage, di mo maiwasan di kayo mag-usap since lahat ng mga nakakatanda nyang mga pinsan tinutukso kami at tuwang-tuwa sila pagnakikita kami magkasama!

First Love...Hope To Die O__OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon