Prologue

11 1 1
                                    

"Bryan, let's go na?", Jelain said while gently putting her hands over Bryan's waist.

Tahimik lang akong nakikinig sakanila habang kunwaring nagbabasa ng files. Bakit ba kasi nagkita pa kami? 

Ngayon ko lang din napasin na ang liit pala ng meeting room na to. I can't fucking breathe umalis na kayo.

"Yeah, mauna ka na may aasikasuhin lang ako saglit", Bryan gave her a soft kiss on the cheeks before she left. Nasilip ko pa kung paano sundan ng tingin ni Bryan ang pag-labas ni Jelain ng meeting room.

Great, dalawa nalang kami dito ngayon.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa dulo ng long table kung saan ako naka upo. Sinilip ko siya saglit and I tried to act unbothered by his presence.

"Hmn, yes? Why are you still here Mr. Del Valle?", confident na tanong ko sakanya habang binababa ko ang files na kanina ko pa binabasa pero di ko maintindihan.

Ngumiti siya nang bahagya at nakita ko ang mabilis na pag-irap niya sa akin. Tangina, lalo akong kinakabahan sayo te!

Di ko pinahalata ang kaba ko at kunot noo siyang tinignan. Ng di parin siya nagsalita, sumandal ako sa upuan ko at napabuntong hininga.

"What?" I asked.

"I want my ring back."

 There's a short silence after what he said. I don't know why, pero nanlumo ako sa sinabi niya.

Why? Bakit kailangan niyang bawiin eh yun nga lang ang natitira kong ala-ala sakanya. Atleast something to cherish diba, isang katunayan na naging masaya kami at minahal namin ang isa't isa. Ayokong ibalik...

"NO", matigas na sabi ko sakanya kahit na magmukha akong tanga at epal sa harap niya. Inayos ko ang maliliit na hibla ng buhok ko at ibinalik ang tingin ko sa mga files na nasa table.

"Uhh, yes." Balik niyang sabi. His reaction was full of amusement sa  sinabi ko. Mukhang di siya makapaniwalang may natitira pa akong kapal ng mukhang tinatago.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at kunot noong tumingin sakanya. 

"Binigay mo na sa'kin yon, kaya akin na yon."

"Binabawi ko na, dahil binawi mo rin naman lahat ng mga pangako mo."

Bahagya akong natahimik sa sinabi niya. He's right... di ako tumupad sa pangako. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at kinagat ang ibabang bahagi ng labi ko.

"'Di ko naman binawi lahat ng binigay ko sa'yo ha?", sagot ko.

He lightly chuckled and looked at me with dead eyes. The look that he never gave me before. He's looking at me like I am nobody to him now. Maybe I am...

"You see Gabriella, the ring has sentimental value to me and you already knew that.", he said while gently tapping the table with his fingers.

I gulped while looking away. Kahit alam kong seryoso ang usapan namin, hindi ko mapigilang mapogian sa kanya ngayon. Natatakpan nang kaunti ng buhok niya ang mga mata niya. Black na black yon at mukhang malambot.

Tinignan ko siya ulit at hindi sumagot.

Kitang kita ang kaputian at kakinisan ng balat niya. Ampupula ng mga labi niya at idagdag mo pa ang sumisilip niyang mga pangil. Nakadagdag din ng attractiveness ang suot niyang black long sleeves na polo. Ugh, I miss you.

"Don't stare Gabriella. Hindi mo na 'ko madadaan sa ganyan." He said smirking.

Napaubo at napatawa ako ng bahagya. "Ibabalik ko pero..."

"pero?", napakunot ang noo niya.

Lumunok ako at pinagiisipan kong dapat ko bang sabihin to sakanya. Ang kapal lang talaga ng mukha ko putangina.

"Are you really sure?", I asked looking hopeful na he'll say no.

Napatawa siya at tinignan ako diretso sa mata. No Bryan, don't.

"Wow. San ka humuhugot ng lakas ng loob?" tumawa siya at napahaplos sa buhok niya.

Oo nga naman, saan ba ako humuhugot ng lakas ng loob? eh ako nga tong tangang nangiwan.

"Just tell me if you're sure. I cherish the ring you gave me. Once I give it back to you, I'll stop and leave you alone... forever.", I looked at him with sadness and a little hope that he will not take the ring back.

Kahit kaunting pag-asa lang... mahal parin kita. Ikaw lang.

Tumayo siya ng maayos at tumingin sa'kin ng diretso. Hindi ko mabasa ang iniisip niya pero umaasa akong hindi pa huli ang lahat.

Bumuntong hininga siya saka nagsalita.

"Just give the ring back Gabriella. Tapos na tayo at ginusto mo to." he said before leaving me hanging inside the meeting room.

Napahilamos ako ng mukha at kusang lumuha sa nangyari.

Wala na ba talagang pag-asa?

I guess this is it.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You Were My UniverseWhere stories live. Discover now