"WAAAAHHHH!"
Ba't parang ang lamig? Nananaginip ba ako? Para talagang may malamig na tubig na bumuhos sa aking mukha. Waaahhh!
"Hoy! Gising ka na Darlina!" Parang kilala ko ang boses na yun ah.
Humikab muna ako bago nagmulat ng mga mata. Ba't ganon? Ang aga-aga, nanggigising.
"Hmmmm... Ba't ang aga-aga, nanggigising ka?" Ahhhhhhh! Nilalamig na talaga ako. Hmmmm... Parang alam ko na kung sino ito. Alyza?
"Ano ba, Darlene? Gumising ka na. Maaga dapat tayo sa school." Nakakainis talaga itong bestfriend ko na ito. Kung hindi ko lang siya bestfriend, nasipa ko na siya palabas ng kwarto ko. Magkasama kasi kami sa dorm. Teehee. :D
"Oo na, gigising na! Pero kailangan mo talaga akong buhusan ng tubig? At hindi lang basta tubig, ha? Malamig na tubig pa!"
"Eh kasi, 10 minutes na akong naghihintay na magising ka. Kanina pa kita diyan niyuyugyog, hindi ka man lang diyan magising. Pati, sige ka, ma-late pa tayo."
"Heto na nga po." Tinatamad pa talaga ako eh. Antok na antok pa ako.
"Sige. Get dress na, ha?" Bestfriend ko ba talaga 'to? Tsk. Wahaha! Joke!
"Geh. Ligo lang ako." Dali-dali akong pumunta sa banyo.
Dapat pala nag-init ako ng tubig. Ang lamig-lamig naman kasi gawa ng magpa-Pasko na. Speaking of Pasko, wala pa akong panregalo. Ano kaya?
Okay. Mamaya na lang ako mag-iisip kasi dapat na akong maligo.
Heto na ang tubig. Waaahhh!
Ayaw ko pa talagang maligo. Waaahhh!
"Waaaahhh! ANG LAMIG!"
"Darlene! Bilisan mo na diyan!" Sigaw ni Alyza.
"Oo, heto na. Patapos na." Sabi ko para matapos na lang yung pag-uusap. Wahaha!
Bilis-bilis tuloy akong naligo at nagbihis. Kumain na rin kami at pagkatapos naglakad na papunta sa school. Malapit naman kasi sa dorm eh. Kaya heto, naglalakad kami. Tapos bigla siyang nagsalita, "Darlene, ang cute 'nung classmate natin 'no? Si Paul? Paul nga ba iyon?" Ngiting -ngiti naman siya. Naku, tinamaan na talaga ito o.
"Sino? Si Paul? Are you serious, dude? Alam mo namang kahit lalaki yun eh ang taray-taray 'non. Mas mataray pa nga ata sayo eh." Di talaga ako makapaniwala na may gusto siya kay Paul. Kasi, knowing Paul, isang mataray, suplado at cold na tao. Nagsasalita lang siya kapag may tinatanong sa kanya o kaya naman kapag meron kaming group activity. Pero, wahaha, natatawa ako eh. Wahaha. Crush ko rin kasi si Paul. Awtsssuuu. Pero, kay bessie na siya. Okay lang sa'kin. Teehee. :)
"Tara na? Pasok na tayo sa classroom." Sabi ko na lang kasi kanina pa ako daldal nang daldal. Baka kasi mainis na kayo at wala ng magbasa nitong story ni author. Hihi. :D
BINABASA MO ANG
In Love Ako Kay Dota Boy!
Teen FictionHindi ko ine-expect na mai-inlove ako sa kanya. Bigla ko na lang namalayan na gusto ko na siya. Hindi ako sanay sa nararamdamang ito eh. Ngayon lang talaga. 'Di naman siya masyado KAGWAPUHAN. Pero meron talagang kakaiba sa kanya. 'Di ko alam kung an...