Speak Now (One Shot)

911 24 4
                                    

Dahan-dahan akong pumasok sa simbahan kung saan ka magpapakasal. In fairness, ang ganda ng mga design! Pink ribbon, puro roses sa gilid ng aisle, tapos may heart-shaped balloons pa sa corridor. Hahaha, so cute and girly ^____^. At alam kong ayaw mo sa ganung bagay, nasusuka kung nakakakita ka ng too girly designs, nangangati ka kung pink ang nakikita mo. Nagkakamot ka na nga habang grinigreet mo ang mga guests sa kasal niyo eh! Kung kasal NIYO pa 'to, baka kasal na NIYA! Tsk.

Hindi kasi ako yung tipong panira ng isang magandang occasion, pero hindi ka naman TANGA para magpakasal sa maling tao!

Buti talaga nakapasok ako dito at walang nakakita at nakakakilala sa akin. Nakita ko ang mga kabarkada mo na nakikipag-usap sa kapamilya niya, lahat sila naka-pastel. Friends and family are here, pero nasaan si Bride?

"HOY! AYUSIN MO ANG DAMIT KO!! SIKIPAN MO PA!"

"O-opo!"

Ay, katabi ko lang pala ang backroom, so nag-aayos pala siya, at kailangan pang manigaw? Pasalamat siya ako lang ang nakarinig kundi baka isipin ng mga tao mataray at masamang tao siya. Ba't hindi ba mo nakita ang side niyang yun?! Na isa siyang masama at mataray na babae?! Tsk. Ewan ko bakit ang sama ng galit ko sa kanya. Basta galit ako sa kanya.

Alam niyo, minsan nanaginip ako kung saan, ako ay-- EH! Baka makatulog lang ako!

Bigla kong narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto ng backroom. NAKU! Kung nakita niya ako dito, magpapatayan kami, saan ba pwedeng magtago?? HMM... Sa kurtina? Oo! Doon! Dali-dalian akong tumakbo at nagtago. Actually, hindi naman ako invited dito. Si bride kasi ang gumawa ng guest list at remember we're enemies.

Yung mga tao nag-exchange na ng fun gestures, tapos nagsimula nang tumugtog ang piano o organ o ewan! Basta tumugtog na, ang iba kilig na kilig sa music, pero para sa akin. X.X Death march mo yan! Alam kong ayaw mo rin sa taste niya sa music! UGH! Ba't ka ba nagpakasal sa kanya? Pwede namang sa akin di ba?

Sa wakas, nagsimula na. Siya ay naglakad sa aisle na parang isang Ms. Beauty Queen, perfect and elegant. Sure ka bang siya ang gusto mong makita diyan? Baka ako? Sure akong napilitan ka lang gawin yan! Ako na lang kasi pakasalan mo!! Alam kong ako ang gusto mong pakasalan!! >.< Wag kang mag-alala! Gusto rin naman kitang pakasalan eh! Ba't pa tayo nagkakahiyaan??

Kung walang kikilos... mauubos ang oras natin! T^T

Nakarating na siya sa altar, at halatang halata ang iyong pilit na ngiti. Ako'y nakisingit na sa mga tao dun sa upuan. Nagholding hands na kayo, nagsimula na ang pari magrecite ng holy vows.

"Do you, Jessica Yuna, take Colt West as your husband?"

"I do." sagot niya.

"And you, Colt West, take Jessica Yuna as your wife?"

Hindi ka sumasagot...

"Mr. West?" tanong ni father.

Hindi ka naman sumagot. Nagdadalawang isip ka ba? Napansin mo na ba, sa wakas, na hindi siya ang nararapat sayo?

"Mr. West! Speak now or forever hold your peace!" sabi ni Father.

Napakatahimik sa loob ng simbahan. Hindi ka talaga sasagot, nagdadalawang isip ka nga, alam mong di mo kakayaning makasama ang taong hindi mo mahal habang buhay, alam mong hindi siya ang nararapat sayo, alam mong mali ang ginagawa mo! Sure ka na, pero hindi mo lang talaga kayang magsalita. Ito na ang chance ko, ang HULING chance ko.

Dati, kung hindi ko kayang magsalita, ngayon kailangan!

"Speak now!" sigaw ng isa sa crowd.

Kailangang magsalita na ako ngayon!

"Speak now!" sigaw nanaman ng isa sa crowd.

DAPAT MAGSALITA NGAYON!

"SPEAK NOW!" pagkasigaw nilang lahat, napatayo ako nang nanginginig ang aking mga kamay.

Nagulat si Jessica, nagulat ka, nagulat ang mga kaibigan mo, nagulat ang pamilya niya, nagulat silang lahat! Mga nakaktakot na expression sa mukha nila ay hindi ko pinansin, dahil sayo lang ako nakatitig.

Isang malaking breathe in! Isang Malaking breathe out.

"ALAM MO COLT! Hindi ako yung tipong babae na bigla-bigla na lang sisingit sa isang wedding!" sigaw ko ng napakalakas "Pero Colt! Hindi din ikaw yung tipong lalaki na dapat nagpapakasal sa maling babae!"

BOOM!

Isang malaking 'Gasp!' ang naggaling sa mga tao sa paligid ko. Instead na mahiya ako, instead na matakot ako sa susunod na magyari, natawa pa ako... Hahah. Nasabi ko na rin ang nararamdaman ko.. sa WAKAS!

"Wag kang um-oo kung ayaw mo! Tumakbo ka na COLT! Nandito lang ako, hihintayin pa nga kita sa likod ng simbahan eh! Wag ka nang maghintay, wag ka nang mangako! Nasabi ko na ang gusto kong sabihin Colt, ngayon ikaw naman!" idinagdag ko pa. Naku Colt, ayus-ayusin mo ang sagot mo. Kung mali ang sinabi mo, may dalawang black-eye ka sa akin!

Isang katahimikan ang bumalot sa simbahan muli. Colt! Magsalita ka na!! >.<

"Speak now!" sigaw nanaman ng crowd.

Si Colt, na nakahawak sa kamay ni Jessica, ngayo'y bumitaw at lumapit sa akin. At ang akin naman ang iyong hinawakan. "Oo nga, tumakbo na tayo Janine, hintayin mo ako, magbibihis lang. Dun sa likod ng simbahan ha? Baby, hindi ako nangako sa tapat ng altar. Salamat talaga at nandoon ka nung mga oras na wala akong masabi. Ang saya ko talaga at nandito ka para pilitin akong magsalita."

--- END

_____________________________________________________________

Inspired by Speak Now sung by Taylor Swift

Speak Now (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon