His and Her Acceptance (Short Story)

635 23 14
                                    

Dedicated to Ms. Denny coz I really love her works.. nabasa ko na lahat ng story niya and it really inspired me... love ko yan si Idol .. :))

Dedicated din ito sa lahat ng friends ko.. :))

_______________________________________________________

This is my 2nd one-shot story..

Sana magustuhan niyo..

I put christina peri's "A Thousand Years" at the side. Try listening while reading.. Tingin ko kasi bagay siya dito.. :)))

Don't forget to vote-comment-be a fan..kung nagustuhan niyo... pero kung hindi eh comment niyo na lang yung part na ayaw nito.. hehe.. thanks.. :))

_______________________________________________________

Destiny?

I don't believe in such things.

Not untill I experience the so called College "Acceptance".

'6:00 Am'

Oras sa relo ko.

Sabado ngayon pero sa halip na umuwi ako sa aking bayan eh andito ako sa isang resort malapit din sa aming unibersidad.

Miya-miya pa eh nagsalita na ang emcee. Sisimulan na daw ang part one ng program.

Acceptance namin ngayon. Ito ay isang taunang pagdiriwang sa aming kursong Computer Engineering. Actually eh lahat ata ng kurso my ganun. Iba't ibang way nga lang ng pagdiriwang.

Sa amin, one day lang ito at may tatlong bahagi ang acceptance.

Una ay ang pag-accept ng mga 4th at 5th year sa mga 3rd year. Magsisimula ito ng 6:00 - 8:00 am. Pag 8:30 na, saka pa lang magsisidatingan ang mga 1st at 2nd year. Ang part 2 eh yung program kung saan may kung anu-anong pa-contest, intermission number at team building ng 1st-5th year. Ika-tatlo eh yun namang i-aaccept ng mga 3rd-5th year ang mga 1st year. Ang mga 2nd year ang magiging ninang/ninong nila or guide. Naka-blind fold kasi ang mga first year.

Nung first year ako, piniringan kami then pinalakad at sa bawat titigilan namin eh kung anu-anong pinapakain, pinapagawa at ipinapahid sa amin ng mga 3rd-5th year. Safe at fun din naman ito kaya ayos lang. Medyo gross lang.

Memorable sa akin ang acceptance na yun. Dun ko kasi nakilala ang first crush ko sa university na ito.

Ryan ang name nya. Ahead siya sa akin ng 1 year at ka-course ko din meaning siya yung naging guide ko. Ninong ko siya for short. Nung time na yun, natakot talaga ako kasi nakapiring kami. Besides, wala din akong idea sa gagawin o ipagagawa sa amin. Baka madapa ako or kung anu man. Ang idea ko kasi eh parang hazing which was totally wrong. Pero yung guide ko, which is si Ryan nga eh inalalayan ako ng mabuti. Bago pa lamang kami magsisimulang maglakad eh nagsalita na ako nang, "Kuya, utang na loob. Wag mo ako bibitawan. Baka madapa ako..."

"Dont worry. Ako bahala sayo. Di kita pababayaan..." assure naman nya sa akin.

Ramdam ko naman yung care at tinotoo nya yung sinabi nya na para bang ayaw nya akong masasaktan man lang. Di ko pa nga sya kilala noon. Nakilala ko lang siya nung tapos na yung acceptance at tinanggal ko na yung blindfold ko. Siya ang katapat ko so I assume na sya nga ang ninong/guide ko. Plus, binati pa niya ako ng "Welcome sa CpE".  Nagulat nga ako nung nakita ko siya. Kasi naman, di ko naisip na ganito pala ka-cute ang ninong ko. Hindi sya ganun katangakad pero mas matangkad sa akin, maputi, makapal ang kilay at parang anime ang buhok. Otaku pa naman ako! Ang Cute talaga nya!

After ng acceptance na yun, palagi ko na siyang tinitingnan at masaya ako sa tuwing nakikita ko sya. Inadd ko pa nga sya sa fb friends ko. Naging stalker pa nga ata ang dating ko nuon. Kung anu-ano ding mga pagpapansin ang ginawa ko gaya ng pagdaan-daan sa study area kapag andun sya. Nalaman ko din na dancer pala sya kaya naman lalo talaga akong humanga sa kanya. Humahanga kasi ako sa mga taong talented. Kaya sya ang naging ultimate crush ko. Yun nga lang, may girlfriend na sya. Balita ko eh high school pa lang daw eh sila na. Take note, maganda ang gf nya at masasabi kong bagay na bagay sila. Kung iniisip nyo na nagseselos ako, "nah!" ofcourse not. Fan girl lang ako at di ko naman pinangarap maging boyfriend si kuya Ryan. Sadyang hinahangaan ko lang talaga siya. Ideal guy kumbaga. Fan kaya ako ng love team nila.

His and Her Acceptance [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon