Masasayang tawanan ang nakaistorbo ng araw ni Amora.
Napatayo siya buhat sa higaan at dahan dahan siyang siyang humakbang at binuksan ang pinto ng walang kilatis at sa siwang na maliit ay sumilip siya.
Dalawang babaeng walang itulak kabigin sa kagandahan ang kanyang nakita.Tanaw kasi mula sa kanyang silid ang sala.
Pulos naninigarilyo at ang aga aga'y nag iinuman na.
Ang lalaki naman ay panay ang bangka.
Kaya kahit ina antok pa'y napilitan na siyang bumangon.Dala ang bathrobe at toothbrush ay lumabas siya sa kanyang kwarto.Ang kanikanina lang na mga boses ng nagkakasiyahan ay dahan-dahan ding tumigil ng mapuna siya.
Siya naman ay parang walang nakitang dumaan lang sa mga ito."Ipagluto mo kami kapag tapos mo."
Iyon ang nagpatigil sa dalaga sa pag hakbang at agad din naman siyang nagpatuloy.
Balewalang nag umpisa na sa kanyang ritwal ang dalaga.
Sa palagay niya'y maiinis lang siya kung papansinin ang lalaki.Dapat na siyang magsanay.Mahaba habang panahon rin na magkakasama sila nito.
Ang kaninang hilamos lang dapat ay nauuwi na sa paliligo.
Tama!Maliligo narin siya.Baka kasi kung mamaya pa't 'pag-inutusan siya ng amo'y baka magkanda pasma pasma pa siya.Magpupunas nalang siya mamayang gabi kung sakali.Dala ulit ang tabo ay dumaan ulit siya sa mga ito habang pinupunsan narin ng twalyita ang kanyang basang buhok.Hindi na niya tinapunang muli ang grupo.
Tuloy tuloy siya sa kwarto.Nagwisik ng cologne at nagpahid ng pulbos at lipgloss.Hindi na siya nag abala pang maglotion tutal magluluto rin naman siya. "Para sa'n pa?"Dere deretso si Amora sa ref at sinilip ang laman nito.Inilabas niya ang mga hita ng manok at inuna ng ilaga para maiprito.
Ang liempo'y inumpisahan na niyang adobohin,habang gumagawa ng salad.Mula ng dumating siya sa lugar ng lalaki'y madalas ng kumpleto ang laman ng ref.Ang lahat ng ibinibigay nitong pera para sa kanilang budget ay malaya niyang ibinibili ng lahat para sa mga lulutuin gayun din ang para sa mga i stock,kahit kadalasan ay nag ga- grab siya dahil hindi naman obligasyon ng kanyang amo ang sunduin siya.Habang pinipilit siya ng diwa niyang matawag ang pansin para sa tatlo ay pinilit niyang maging bingi,hanggang naisip niyang kunin ang earphone at makinig ng musika.
Nakapag consentrate siya agad.Me solusyon naman pala!Tatandaan niya iyon!Nang matapos ay Isinalin na niya sa mga lalagyan upang maiserve na.Nagulat pa siya ng may dumampot niyon.
"Narito ka pala?!"
Nagulat na tanong ni Amora."Oo kanina pa,busy'ng busy ka kasi.Kanina pa kita tinatawag."
Napangiti bigla si Amora kay Alech.
Napasulyap din siya rito.Mukha ring bagong paligo ang lalaki.Nakapambahay lang ito pero rock.Pagkakita naman niya kay Graham ay hindi din siya nadissapoint,bagaman mas fresh yata ang kaibigan nito.Baka kung ano na ang ginawa kaya ganoon?Malay ba niya, e busy siya?E kung naglambuchingan na ito at ang mga kasama nitong babae?"Maupo kana."
Hindi inaasahan ni Amora na sasabihin iyon ni Graham sa kanya kaya nag aatubili siyang umupo.Iyon naman ay dahil papakabila pa siya,nagkataon kasing nasa tabi siya mismo nito paglapag niya ng mga pinggan.Hiyang hiya siya ng hatakin ang braso niya nito at mismong sa tabi pa nito siya pinaupo.
Hindi siya nagpahalatang nailang sa ginawa ng lalaki.
"Assistant ko,si Amora.Say hi to them."
Pagpapakilala nito sa kanya at doon siya nagkaroon ng pagkakataong pagmasdan ang mga babae.
Mukha naman palang ok.Ang nagulat siya dahil ang isa'y kilala niya!Ang babaeng nakagown?! Nailang ito sa kanyang tingin kaya hindi siya nagpahalata at nginitian niya ng matamis ang babae gayun din ito sa kanya bagaman nahihiya.Nag patuloy uli si Graham sa kakukwento at hindi tuloy magawang makakuha ng pagkain na ilalagay sa plato si Amora dahil narin sa kamay nitong hindi miminsang lumalanding sa hita niya.Alam naman niyang hindi ito sinasadya ng lalaki.Ang ginawa niya'y dahan dahan nalang siyang nagbibigay ng konti pang agwat sa kinauupuan niya upang hindi siya masagi nito.
Nasorpresa siya ng may kamay na naglagay sa kanya ng ulam.
Si Alech na nakita niyang nginitian siya bago ulit nakipagkwentuhan.Aminado naman si Amora na wala siya roon ng mga oras na iyon kaya muli ulit siyang nagbalik sa mundo ng tapikin siya ng isang palad sa hita.
Napa,huh?! Nalang ang dalaga."Ang sabi ko,Ilan na ang naging boyfriend mo?"
Si Graham.Hindi alam ni Amora kung gusto lang siya ipahiya nito o ano,kaya bigla siyang napasagot.
"Apat."
Natawa ang lalaki pero hindi niya iyon pinansin.Sa halip ay nagpatuloy siya sa pagkain at pagkatapos ay humingi siya ng excuse.
Naghiwa muna siya ng prutas sa kusina.
Sinadya niyang bagalan."Hindi na mahalaga kung nagsasabi ka ng totoo,Kung totoo man ay hindi ko inaasahan."
Gusto sanang magulat ng katawan ni Amora pero nakapagpigil pa siya.Ayaw niyang makipagsagutan kay Graham na sinundan na pala siya rito ng hindi niya namamalayan.
Hindi rin siya kumibo sa sinabi nito."Ano-Ano ba ang tipo mo sa lalaki?"
"Kailangan pabang sagutin iyan?"
Mahinahong tanong din ni Amora sa lalaki."Gusto kong malaman ang sagot dahil hindi rin naman ako titigil hanggat di ko nalalaman."
Humugot muna si Amora ng malalim na hininga bago sumagot ng nakatalikod parin.
"Ang gusto ko'y madasalin,mabait at higit sa lahat ay maginoo."
"So bastos ako ganoon ba?"
"Hindi ko naman sinabi."
"Sabagay,mabuti narin ang malinaw.Ayoko kasi sa isang katulad mo.Ayokong mapalapit ang loob mo sa akin.Ganyan ka lang."
Hindi alam ni Amora kung bakit may hatid na hapdi sa kanyang dibdib ang sinabing iyon ng lalaki.
"Huwag kang mag alala.Hindi mangyayari iyang sinasabi mo."
Sinagot niya naman ang lalaki at humarap na siya rito.Muntik pa tuloy niyang mabitiwan ang kanyang hawak na malaking malukong ng sa pagharap niya'y naroon na sa malapit sa kanya ang lalaki na nakatitig ng matiim.
Inagaw nito sa kanya ang hawak niya at tumalikod na ito.
Mula nalang sa isang sulok ay nagbasa basa si Amora ng magazine pero palihim na sumusulyap sa apat na naroroon.Hanggang sa may napuna siyang kakaiba.
Ang babaeng naka gown noon ay iba ang tingin kay Graham.
Alam niya ang mga tinginang ganoon.Babae rin siya,hindi ito maipagkakaila.Si Alech ay madalas siyang kinakawayan samantalang ang isa'y bahagyang nakatalikod sa kanya.
Nang mag alisan na ang lahat ay naiwan si Amorang nagliligpit ng kalat habang prenteng nakaupo lang doon ang lalaki.Pinagmamasdan man siya o hindi nito ay ayaw niyang bigyang kahulugan.
"Bukas ay maghanda ka dahil may lakad tayo."
Sabi ng lalaki.Tumango lang si Amora ng hindi nakatingin rito.
"Hindi.sa trabaho."
Natigilan ang dalaga.
"Magsuot kalang ng casual dress.Aatend tayo sa binyag."
Gusto sanang itanong ni Amora kung saan at kanino ngunit parang hindi kayang sabihin ng dila niya.
Habang nagpapahid sa mukha ng toner si Amora ay hindi niya naiwasang hindi mag isip.
Kung napapag aralan ang pagmamahal,napag aaralan din ang pagsikil o pagtubo nito.
Bago paman magkaroon ng ugat ang isang halaman ay hindi na niya susubukang itanim...
BINABASA MO ANG
Tres Bastardos
RomanceThe three prodigal sons: This Story is about the Cordova Brother's,Graham,Drako and Zebh.The three Eligitimate Child of Cordova's.Came from the same seed but not in the same womb.Different personalities but they have one thing in common.A hit and...