Medyo may kahabaan po 'tong kwento ko sa inyo, wag po sana kayong magsawa sa kababasa may aral naman po kayong mapupulot dito eh :) Salamat.
ENJOY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Nagtungo sa paaralan ang magkaibigang Rye at Marj upang mag-enrol!!(Fourth year na sila)
Rye may ipapakita ako sayo, nagmamadaling sabi ni Marj.
Oh. sige ano? sagot naman ni Rye
Kita mo yung nakaupong lalakeng yun?tanong ni Marj,
Oo, Marj ang gwapo nya. kilala mo ba??? tanong ni Rye.
Oo, hahaha. palagi yang bumubili sa tindahan namin. close ata kami nyan. sabat ni Marj.
Ipakilala mo naman ako sa kanya Marj, Please.
Oo naman. hahaha. friend kaya kita! sabi ni marj.
Dali-dali silang Lumapit sa lalakeng iyon.
Hey, John Paul, Musta kana??tanong ni marj sa binata.
Ok naman ako. ikaw musta kana? sagot ng binata.
Ok lang naman ako! by the way si Rye pala kaibigan ko.
Hi Rye. sabi ng binata sabay shakehands.
Hi din Johnpaul, nahihiyang sagot ni Rye.
Magkasama silang tatlo habang nag-eenrol.
abot langit naman ang kaligayahan ni Rye
FIRST DAY OF SCHOOL.
Sinadya ni Rye na pumunta sa paaralan ng maaga upang makita nya si John Paul,
Di naman sya nabigo, nakita nya ito pero di sya pinansin nito!!
kainis, Suplado pala yung mokong na yun, pero ok lang cute naman sya. heheh. Sabi ni Rye sa kanyang sarili.
Pagkatapos ng Flag Ceremony ay inanuncio na kung anong section sila kabilang.
Habang si Rye ay tamihik na nagdadasal na sana ay magkakaklase sila ni John paul.
Nalungkot ito sa nalamang resulta! dahil Si John Paul ay nasa IV-Osmenia habang sya naman ay sa IV-Laurel.
Wala sa mood si Rye ng pumunta sa kanilang silid -aralan.
Napansin naman ito ng mga dati nyang mga kaklase na kaklase nya ngayon.
Kring..............Kring........... tunog na nag-aanunsyong Recess na.
Rye!Rye! may humahanap sayo. sigaw ng kanyang kaklase.
Sino daw?tanong nito Habang nakayuko sa kanyang silya.
John Paul daw! sagot nito.
Agad na tumayo si Rye sa kanyang kinaupuan at tumungo sa may pintuan,
O, John? bakit? tanong ni Rye sa binata.
Pwede ba sabay tayong mag Recess? wala kc akong kakilala sa room namin? tanong ni John Paul.
Si Marj pala? tanong ni Rye
Busy kc si Marj, di pa sila dinidismiss ng teacher nila, alam mo naman, nasa pilot section diba?sagot ng binata.
Ayy, Oo nga pala. Sige na nga, hehe. Sagot nito sa binata.
Araw-Araw silang sabay kumain tuwing Recess at Lauch, pati sa uwian sabay din silang umuwi.
napansin naman ito ng mga ka-batchmate nila sa fourthyear.
Isang araw, habang papunta silang dalawa sa canteen. ay may isang grupo ng bading na nakatayo sa labas. mga kaibigan iyon ni Rye.
Hey, Rye. busy ka ata ngayon ah? di kana kc sumasama sa amin. sabi ng isang bading.
Sorry friends. busy lang talaga.
Agad naman itong lumakad palayo.
Isang araw habang nasa klase si Rye ay bigla syang tinawag ng kanyang guro at pinapapunta ito sa faculty ng mga teachers.
Pag dating nya doon ay nagulat sya dahil nandon na si John paul at mga kaibigan nyang bading.
Rye have a sit! sabi ng teacher.
umupo naman si Rye sa gilid ni John Paul.
Do you know why did I call you here? tanong ng teacher.
No maam! nag-aalalang sagot ni Rye
I call you here because I want you to know that there's a battle between John Paul and your Friends.
Nagulat si Rye sa nalaman.
Nag-away pala sila dahil nagalit ang isang bading dahil di sya pinapansin nito.(may gusto kc yung bading sa kanya)
Ipinagtanggol naman ni Rye si John Paul. sa madaling sabi. kinampihan nya ito laban sa mga dating kaibigan nya.
habang nasa kalagit-naan na ng school year.
ay may napapansin syang kakaiba kay John Paul.
Lumalaki na ang ulo nito dahil may babae itong nililigawan.
Simula nun ay itcha pwere na si Rye at ang mas masakit pa dun
ay di na sila kagaya ng dati.
Nang dahil sa nangyari ay lumayo na ang loob nito sa kanya.
Si Ryan ay bumalik na sa mga dati nyang kaibigan lalo na sa kanyang
bestfriend na si Ali Gallo Barahim at tinanggap naman sya ng mga ito.
Sorry talaga kc mas pinili ko sya laban sa inyo. now I realized na mas importante kayo kesa sa kanya. paliwanag ni Rye sa mga kaibigan.
nabalitaan ni Rye na girlfriend na ni John Paul yung nililigawan nya.
isang araw habang recess ay nakasalubong ni Rye sina John Paul kasama ang Girlfriend nito.
Pinansin naman sya ni John Paul, At nag-usap silang tatlo.
Wow John congrats! Bati ni Rye.
Salamat Rye! sagot ni John Paul.
At lumakad na papalayo si Rye na may Hinanakit sa dibdib at luha sa mata.
Hanggang sa pagtungtung ni Rye sa kolehiyo ay di parin nya nakakalimutan ang sakit na naramdaman nya sa Kaibigan na parang Ka-ibigan na!!!
End
Salamat sa pagbasa.
Just leave your comments lang po salamat :)
add nyo po ako:
FB: Batohanonrobert@yahoo.com
Skype:Ryan.s46