Pa-fall (Her Side)

171 7 0
                                    

Second year high school ako nun nang makilala ko s'ya. Transferee ako nun sa school nila so wala talaga 'kong kakilala ni-isa. After a week, may mga friends narin ako. Friendly kasi akong tao so chatting and making new friends is not a problem at all.

Sobrang saya sa classroom namin. Kwela at kalog yung mga kaklase ko. Hindi narin ako nao-OP sa kanila. I'm loving my new school and my new classmates.

One time, I overheard my girl classmates talking about their crushes. Syempre high school, hindi naman maiiwasan yan. Hindi ko ugaling mag eavesdrop sa usapan ng may usapan, but I'm actually doing it unconciously. Siguro out of curiosity narin.

"Ang pogi ni Ryley 'no? S'ya yata pinaka pogi dito sa classroom e. Crush ko kaya s'ya."-Ellaine

"Oo nga. Ako din e! Ang cool pa n'ya."-Nicole

"Crush ko din yun e. Pero slight lang."-Michi

"Hala, ang dami pala nating may crush sa kanya! Crush ko rin kaya yun."-Aubrey

Yung Ryley na sinasabi nila, 'yun yung classmate naming matangkad, maputi, payat at . . . oo, cute naman at mabait din. Pero 'di ko yun crush. Medyo close ko rin yun. Palagi kasi s'yang nagpapatulong sa Science.

Several months have passed. Third quarter na. Halos lahat na ng kaklase ko kaclose ko. Bestfriend ko na rin si Ryley. Masaya kasi s'yang kausap at kasama. Sobrang bait at sweet. Oo, sweet s'ya. Palagi kasi kaming magkasama.

Hindi ko alam pero sa tuwing ngumingiti s'ya, parang automatic na napapangiti na rin ako. Tapos ang dami n'ya pang banat na kahit anong pigil ko, napapangiti ako tapos umiinit yung pisngi ko. Tapos 'pag s'ya yung pumupuri sa'kin, sobrang namumula ako tapos ang lakas ng tibok ng puso ko. Yung mga simpleng.:

"Ang ganda mo ngayon Nicki."

"'Wag ka ngang ngumiti, ang cute mo e!"

"Ang bango ng buhok mo!"

"Ang ganda talaga ng bestfriend ko!"

Simpleng ganyan n'ya lang, ang laki na ng epekto sa'kin. Buong araw nakangiti ako. 'Pag nga badtrip ako, s'ya lang nakakapag pabago ng mood ko e. Tapos yung mga banat n'yang pick-up lines na biglaan, tapos isisigaw n'ya pa kaya aasarin kami ng mga kaklase namin.

Naalala ko nga dati, Math period yun at magkatabi kami. Tapos bigla s'yang sumigaw kaya napatingin sa kanya lahat pati si Sir.

"Hala! Ano ba naman kasi yan e!" Sigaw n'ya.

"What's the matter Mr. De Guzman?" Nagtatakang tanong ni Sir sa kanya.

"Sir, si Nicki kasi."

"Bakit anong ginagawa ni Ms. Rondal?"

"Dinedestruct nya po ako."

"Hala, inaano kita dyan?!" Tanong ko sa kanya.

"Ang cute mo kasi kaya imbes na nakatingin ako sa harap at nakikinig, sa'yo lang ako nakatingin. Grabe ka!" Sabi n'ya. Sobra 'kong namula nun. Tapos kinantsawan pa kami ng mga kaklase namin.

"Oh ayan na naman!" Sigaw n'ya ulit.

"Ano?!"

"Ang cute mo kasing magblush e. Sarap mong titigan." Sabi n'ya sabay kindat. Hiyawan na naman yung mga kaklase namin.

Dati naman nung Mapeh namin at kumukuha kami ng BMI. Edi sukatan ng height. Sabi n'ya bigla:

"Nicki lumiit ka ba?" Tanong n'ya sa'kin.

"Huh?!"

"Kasi dati nandito ka lang sa isip ko, ngayon bumaba ka na sa puso ko." Edi automatic na naman yung pagpula ng mukha ko.

Pafall (Her Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon