Aftertaste

12 0 0
                                    

SIMULA

Ngiting-ngiti akong nakatingin sa salamin. Today, I'm going to take an entrance exam sa Natividad University with my friend Ellisse.

Ang iba pa naming kaibigan ni Ellisse ay sa ibang university narin nagpatuloy ng kanilang college year. Pero mas pinili nang nakararami ang mag stay sa Treston University, kung saan kami nag senior high.

Pinili namin ni Ellisse sa Natividad dahil maganda ang quality of education pagdating sa engineering course.

We want to be a Civil Engineer someday!

Speaking of Ellisse, kanina niya pa pala ako hinihintay. So I put lip tint on my lips before I go.

"Ate, I've gotta go!" sigaw ko nang buksan ang pinto palabas ng apartment.

"Ingat! Text mo na lang ako kapag pauwi kana!" sigaw nya pabalik. I close the door.

Madali akong naglakad palabas sa eskinita sa amin. I still don't get used to our neighbors staring at me whenever I walk. Two years since we rented an apartment. Wala kaming permanenteng address ng bahay dahil hiwalay ang aking parents.

Right now, I am living with my mom's apartment who is currently in USA and my dad is living alone in our real house. Long story short my mom fallen out of love kaya ganito ang set-up namin. Okay naman sila, may kanya-kanyang kinakasama na at kami rin ng ate ko.

Tinignan ko ang relo ko at saktong 9am na. I texted Ellisse na pasakay na ako ng lrt at magkita nalang kami sa mall dahil may sakayan na doon ng bus papuntang Natividad University.

After 30 minutes nakababa na ako ng lrt. Mabuti nalang at hindi siksikan ngayon dahil narin bakasyon. Tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext sa akin.

From: James

Love, good luck sa exam mo! Papunta ako ng school ngayon may training kami. Text you later. I love you!

Napangiti ako dahil galing ito sa athlete boyfriend ko. James is my long time boyfriend, actually we are an athlete. We are both football player and he is the captain ball of the men's team while I'm the co-captain of women's team. Three years na kami ngayon.

But you know, hindi lahat ng matagal ng magkarelasyon ay perpekto. Unfortunately naging ldr kami at hindi ko na naituloy ang pagiging football player dahil lumipat ako ng manila.

To tell you the truth, James cheated on me with his girl best friend at ang masakit pa doon she is also my friend and my team member!

Biruin mo yon, they are stabbing me behind my back! Nagawa nila yun kasi nasa malayo ako at hindi ko sila nakikita.

I was hurt but I love him more so I give him a second chance. That's love!

Nagtipa ako ng mensahe.

To: James

Okay, love! Thanks po. Ingat sa training. I love you, too!

Naglakad na ako papuntang mall. Hindi pa ako nakalalapit sa mall ay kita ko na agad si Ellisse na naghihintay sa labas ng sarado pang mall. Tumakbo ako papalapit.

"Ellisse!" sambit ko papalapit. Napalingon siya sa akin, nakasimangot.

"Grabe naman B! Ang tagal mo!" aniya. Tumawa ako.

"Sorry. Tara na may bus na oh!" Sabi ko habang nakatingin sa bus na paparating. Hinila ko na siya para makasakay na agad kami.

Katulad din sa lrt, hindi rin marami ang pasahero kaya agad kaming nakahanap ng bakanteng upuan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Aftertaste Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon