CHAPTER 3:FOOD

31 2 0
                                    




ERICA'S POINT OF VIEW


Tumama ang liwanag sa aking mga mata pagmulat palang nito


Panibagong araw sa kwartong ito.


Napatingin ako sa table at may nakita akong pagkain

Lasagna at leche flan!

Nandito na kaya sila August?


"Oh good morning miss Mendez"

Bati sa akin ng nurse na kakapasok palang din

"Every hour po ba ay may nagchecheck dito?"

Parang kada gising ko kase ay may mag ga-grand entrance na nurse eh.

"Every 3 hours po talaga,kaso ang bilin ni Doc Ashon ay tignan ka maya't maya kase baka may kailangan ka po"-Nurse


"Ahmmm ate pwede ba akong lumabas sa room na to? Boring talaga eh"

Kasalukuyan niya ngayong kinakalikot yung swero ko.

"Itatanong ko po kay Doc Ashton."

Nag paalam na siya at iniwan nanaman akong mag-isa

"Morning"

Bati niya ng pumasok siya

Doctor Ashton Xill Marquez

Siya lang ata yung may full name sa name plate eh.

VIP ka Doc?

"Good Morning din sayo Doc Ashton!"

Aba dapat masigla para payagan akong makalabas kahit sa kwarto lang na to.


"How was your feeling? May masakita ba sayo"-Ashton

"Kagabi po medyo sumakit yung katawan ko. Pero kagabi lang naman ih. Ngayob oks na ako!"

Yung boses ko,parang bata na nanghihingi ng limang piso.

Kelangan masayahin no!


"You still need to rest. And your haven't eat yet?"

Sumulyap siya sa pagkain sa lamesa na hindi ko pa nagagalaw.

"Eh kase medyo di pako makatayo. Patulong naman Doc oh! Kanina pako natatakam diya sa pagkain eh"


Umiling siya bago ako inalalayang tumayo.


Napahawak naman ako sa kamay niya ng biglang kumirot yung tuhod ko.

"Wait"

Bigo akong napa-upo sa hospital bed.

"My knee hurts. Pati yung braso ko namamanhid"

Damn it!

Dati sobrang lakas ko makioag barilan tapos ngayon napakahina ko na?


"Sit here. Ako na kukuha ng pagkain mo"

Tumayo siya at inabot yung lasagna at leche flan.

Wait!

Kala ko bawal to? Nice wan!

"Wag nalang Doc. Pag dating nalang nila August. Nanghihina ako baka hindi ko lang masubo yan"-Ako

"I thought you want to eat already?"-Ashton


"Yeah. Kaso di ko nga kaya"-Ako

"Then I'll feed you"-Ashton

Nagliwanag ang mata ko sa narinig.

Binuksan niya ang lalagyan ng lasagna at kinuha ang spoon bago itinapat sa akin ang pagkain.


Parang kabayo ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Open your mouth,Erica"

Kusa akong napanganga ng sabihin niya ito.

Saraapp beh!

"You like it?" Tanong niya sakin

"Sarap. Si ate Ligaya ba nagluto niyan?"

Parang hindi ako babae sa bilis kumain.

"No"-Ashton

"Edi may iba pang taga luto dito?"

"No. I brought it for you. After three years,I think you deserve lasagna and leche flan atleast"-Ashton

Tumili ako at pumalakpak sa sinabi niya.


"Awww ang bait mo naman Doc!"

Kinuha niya naman ang leche flan dahil ubos na yung lasagna


"Still,this is bad for your health. Pinagbigyan lang kita" masungit niyang sabi.


"Calling the attention of Doctor Ashton Xill Marquez and Doctor Blaster De Alpha. Please proceed to operating room"

Dalawang beses na umulit iyon.

Nag paalam na si Ashton at takbong lumabas

Sa pagmamadali ay hindi na naayos ni Doc Ashton yung kinainan ko kaya medj magulo yung table.


Di naman ako makatayo so bahala na!

May kumatok sa pinto at niluwa nito si insang Cyper


"Oy insan buti nandyan ka. Palinis naman non oh"

Utos ko sa kanya. Sakit kase sa mata tignan yung kalat eh

"Wow. Goodmorning hah? Pag pasok ko palang utos kana" iritang sabi nito


"Oo. Reyna ako dito eh" Pagmamayabang ko


"Oo nga pala. Buti at gising na ang Reyna ng mga unggoy. Welcome back!"

Umakto pa siyang nagpupugay sakin.


Siraulo ka talaga!

"Tito Erix didn't respond. Only her scretary"

Kahit wala siyang sabihin ay alam ko naman na walang pake sa akin si Daddy.

"He's busy" dagdag pa ni Cyper

"He was 23 years busy" sarcastiko kong saad.


23 years old na ako at 23 years na ring busy si Daddy.

"Pero... Wag kang magalala. Dahil Reyna ka naman ng mga unggoy aalagaan ka namin"


Nagtawanan kami dahil sa sinabi niya.


Nag kwentuhan pa kami ni Cyper bago siya umalis at naiwan na ako muling mag-isa.





REMEMBERING ASHTON XILL MARQUEZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon